[Trevor's POV]
Simula ng matakasan ko ang tauhan ng papa ni Kristine. Halos kada-oras na ko kung lumipat ng matitirhan.
Palagi nila akong nahahanap. At palagi ko rin silang natatakasan.
Kamusta na kaya si Kristine? Sana Mabuti ang lagay nya ngayon. Si Janice hindi ko na sya ma-contact pa. Sana okay lang din sya.
Sa nangyayari sakin ngayon daig ko pa ang isang kriminal na kailangang magtago para hindi ako mahuli ng mga pulis..
Kasalukuyan akong naka-silip sa may bintana ng biglang mag-vibrate ang phone ko kaya tinignan ko ito.
[1 message received]
From: 09*********
Sir si Janice po ito.Janice?
To: 09*********
Prove it.[Phone Rings]
Sinagot ko ang tawag..
("Sir ako toh si Janice!") Sabi ni Janice sa kabilang linya.
"Mabuti naman at okay ka lang.. Hindi na kasi kita ma-contact." Sabi ko.
("ibinangga ko po kasi yung kotseng sinasakyan ko sa tulay kaya nahulog po ako sa tulay.. Mabuti nga po at nakaligtas ako..") Sabi ni Janice.
"Natakasan mo naba ang tauhan ng papa ni Kristine?" Tanong ko.
("Opo sir.. Akala nila patay na ko.") Sabi ni Janice.
"Pero wag ka paring pakampante.. Hindi natin alam ang tumatakbo sa isip ng papa ni Kristine." Sabi ko at tumingin ulit sa bintana.
("Sir---") bigla kong pinutol ang sasabihin nya sakin.
"Wag muna kaming tawagin ni Kristine ng Ganyan.. Parang hindi naman tayo naging magkaklase noon." Sabi ko.
("Sorry naman. Kayo kasi ang boss ko kaya dapat lang na igalang ko kayo.") Sabi nya.
"Whatever." sabi ko nalang.
("Kamusta sina Tristan at Hannah?") Tanong ni Janice.
"Nauulit ang nangyari dati Janice." Sabi ko.
("A-ano?!") Gulat nyang sabi.
("Alam na ba ni Tristan ang tungkol sa nangyari dati?") Tanong nya.
"Hindi pa." Sabi ko.
("Bakit di nyo pa sinasabi?") tanong nya.
"Hindi man natin sya nakikita alam kong bawat galaw natin ay alam nya. Hindi pwedeng malaman ni Tristan ang nangyari dati. Baka buhay nya ang maging kapalit kapag sinabi natin sa kanya." Sabi ko.
("eh anong gagawin natin?") Tanong nya.
"Puntahan mo si Tristan at Hannah... Hindi ako makakapunta kina Tristan at Hannah hangga't hinahabol ako ng tauhan ng Papa ni Kristine.." Sabi ko.
("Sige..") Sabi nya at kasabay nun ang pag-end nya ng call.
Tumingin ulit ako sa bintana para malaman kung nandyan na ba ang tauhan ng papa ni Kristine.
At wala naman akong nakikitang kakaiba kaya natulog na muna ako..
ZzzzzzzZzzzzz...
[Kristine's POV]
Nakakulong ako sa isang silid kung saan walang bintana at ilaw. Sa sahig lamang ako natutulog at nakakadena pa ang kamay at paa ko kaya hindi talaga ako makakatakas.
[Door Opens]
Napatingin ako sa taong nagbukas ng pinto... At doon nakita ko ang kapatid ko na si Bryan..
Nilapitan nya ako at umupo sa harapan ko.
"Ate.." Sabi nya.
"oh?" walang ganang sagot ko.
"Si papa hindi nya pa rin sinasabi sa lahat ang ginawa mo.." Sabi nya kaya natawa ako.
"At bakit hindi nya pa sinasabi?" Sabi ko.
"Ikaw ang gusto nyang susunod na magiging pinuno ng ating grupo." sabi nya.
"Ayoko." Sabi ko.
"Ate hanggang kelan ka magmamatigas dyan? Aantayin mo pa bang mamatay ka?" Sabi nya kaya tinignan ko sya ng deretcho sa mga mata.
"Eh Ikaw? Hanggang kelan ka magpapakaduwag sa tatay nating baliw? Hanggang kamatayan ba?" sabi ko kaya napaiwas sya ng tingin sakin.
"Naturingang lalaki ka Pero daig mo pa ang babae sa Sobrang kaduwagan mo!" Sigaw ko sa kanya.. Bigla naman nyang napatayo sa sinabi ko..
"HINDI AKO DUWAG!!" Sabi nya.
"Talaga lang ha?" sabi ko.
"Then prove it.." Sabi ko at nginisian sya.
"Ayoko ng maging alipin ni Papa kaya.."
"Tutulungan kita.. I'll help you.." Sabi nya kaya napangiti ako sa sinabi nya..
Mabuti naman at nagising na sa katotohanan tong kapatid ko.
...
...End of Chapter 21: I'll help you
THANK YOU FOR READING!
PLEASE VOTE OR COMMENT
AND GODBLESS YOU ALL
SARANGHAE❤
YOU ARE READING
My Favorite Game : Survival Game
Terror[Completed] Nagsimula ang lahat sa isang imbitasyon... Imbitasyong nangangahulugang kasali ka.... . . . . . . . Kasali sa isang LARO . . . . . . Laro kung saan kailangan mong pumatay para maka-survive. . . . Laro kung saan pwede kang sirain. My Favo...