Chapter 56: The Party

269 11 1
                                    

Reminder: Please read my other story entitled 'Still You' Thank you.

[Third Person's POV]

[Phone Rings]

"Yes?" Sagot ni Ally sa tumatawag sa kanya.

("May pupuntahang party ang buong section nina Hannah.") Banggit agad ni Sandra kay Ally.

Napabuntong-hininga si Ally.

"I know." Sabi nito.

("There's a possibility na umattend sa party si Hannah.") Sabi pa nito.

"Alam kong may balak kana Sandra.. Kaya kung ano man yang balak mo gawin mo na." Sabi ni Ally at inend ang call.

"Wala na akong magagawa pa para matulungan siya.." Sabi ni Ally habang nakapikit.

"Sana manalo sila." Sabi ni Ally at ngumiti ng mapait.

***

Lumipas ang dalawang araw at ito na nga ang hinihintay ng lahat.. Ang party.

Maagang pumunta sa party si Hannah at Lucas para magpa-reserve ng VIP Room.

Nang makapagpa-reserved na sila ay kaagad silang pumasok sa loob at naghanda..

"Here, catch!" Sabi ni Hannah at inihagis ang isang pocket knife kay Lucas.

"Just in case na kapusin tayo sa bala.. At least may panlaban pa rin tayo." Sabi ni Hannah habang kinakasa ang baril.

"Don't hesitate to kill, if you want to survive." Paalala pa ni Hannah kay Lucas.

"Yeah, I know." Sabi ni Lucas habang nakangiti.

"Ie-expose na ba natin ang sarili natin sa lahat?" Tanong ni Lucas.

"Oo.. pero kailangan muna nating magtago ng sandali.. kapag nagkakasiyahan na ang lahat tsaka lang tayo makikihalubilo sa mga taong invited sa party." Sabi ni Hannah.

"Dito ka lang may kailangan lang akong kausapin." Sabi ni Hannah at lumabas na ng VIP Room.

Lumabas si Hannah sa loob ng venue at pumunta sa parking lot. Nang makarating sa parking lot ay kaagad nitong pinuntahan ang isang itim na kotse..

Kumatok si Hannah sa black tinted window ng kotse. Bumukas naman ito ng makakatok na siya.

"Sina Kisha?" Tanong ni Hannah sa babaeng nasa loob ng itim na kotse.

"Susunod na daw sila.. By the way, nakapagpa-reserve ka na ba?" Tanong ng babae.

"Oo.. Nandun si Lucas sa loob ng VIP Room.. Yung mga hidden cameras dala mo?" Tanong ni Hannah.

Tumango ang babae bilang sagot at lumabas na sa loob ng kotse. Bitbit nang babae ang isang itim na bag na naglalaman ng mga hidden cameras.

Pumasok na sila sa loob kung saan gaganapin ang party..

Gaya ng plano ay nag-lagay sila ng mga hidden cameras sa bawat sulok ng venue at hallways.

Naglagay din sila sa entrance, exits at maging sa fire exits.

"Dalawang camera nalang ang ilalagay.." Sabi ng babae.

"Namatay si Jasmine sa mismong comfort room.." Sabi ni Hannah.

"Tama, sa comfort room ng boys and girls natin ilalagay ang natitirang camera." Sabi ng babae kay Hannah.

"B-but.. Hindi ba nakakailang na makikita natin ang hindi dapat makita sa mga boys?" Namumulang tanong ni Hannah.

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now