[Hannah's POV]
"Bakit ka nag-rebelde?" Tanong ko kay Gilbert na hanggang ngayon ay kasama namin.
"Ewan." Sagot nya.
"Ewan? Ano yun trip mo lang?" Tanong ko.. Pero umiling-iling sya.. Kaya napangiti ako. Ang cute nya! Para syang bata.
"Nandito na po tayo.." Sabi ng driver ni Tristan. Kaya humaba na kaming tatlo sa sasakyan.
"Gilbert." Tawag ni Tristan kay Gilbert kaya napalingon si Gilbert kay Tristan.
"Korean ka ba? Mukha kang Korean.." Sabi ni Tristan kaya natawa si Gilbert.
"Actually pure Korean ako... Ampon lang ako kaya ganon.." Sabi ni Gilbert kaya napatango-tango si Tristan.
Kaya siguro sya nag-rebelde.. Well who knows right? Malay mo hindi pala talaga yun ang dahilan.
"Buti ka pa may Condo na.." Sabi ni Gilbert habang naka-pout.
"Magkakaroon ka rin nyan, tiwala lang." Sabi ko. Kaya napangiti ulit sya. Kinurot ko sya sa magkabila nyang pisngi ang kyot kyot nya kasi..
Nako Gilbert.. Gigil mo si ako.
***
[Sa loob ng Condo ni Tristan]
"Wow." Sabi ni Gilbert at pumalakpak sa tuwa. Kaya naman natawa nalang ako. Grabe ignorante lang Gilbert?
"Dito ka lang Gilbert.. Hannah?" Sabi ni Tristan at hinila ako Paakyat sa taas...
"Dito ka nalang sa Room ko matutulog sa living room nalang ako lagi.." Sabi nya kaya kaagad na nangunot ang noo ko.
"What do you mean na lagi akong matutulog dito?" Sabi ko.
"A-ah.. Ano hindi ko kasi pwede hayaan ka nalang na mag-isa. Remember? Sinaksak ka nung killer.." sabi nya kaya tumango-tango ako sa sinabi nya kahit na hindi ako satisfied.
Wala parang hindi naman kasi yun ang pinakang-dahilan nya kaya gusto nyang nandito ako..
After kasi ng sinabi nya sa hospital nun. Hindi ko maiwasan na hindi magbigay ng malisya sa bawat ginagawa at sinasabi nya sakin..
Haysss.. Tama na nga! Tsk -_-
"Magluluto lang ako.." Sabi ni Tristan at umalis na sa Room nya.
Inilibot ko naman yung tingin ko sa paligid..
Medyo magulo sya ng kaunti pero konting ayos lang okay na..
Inilagay ko sa Kama muna ang bag ko at lumabas na sa kwarto para pumunta sa kusina..
"Anong niluluto mo?" Tanong ko..
"Sinigang.. Malamig naman ang panahon ngayon kaya dapat may mainit na sabaw tayong hinihigop." Sabi ni Tristan. Sabagay.. Ganyan din naman ang pinapagawa ko sa mga maids namin kapag malamig talaga.
"Manood ka nalang don. Samahan mo si Gilbert.." Sabi ni Tristan habang naghihiwa ng okra.
"Okay. Sabi mo eh." Sabi ko at pumunta na sa living room.
Nakita kong nanonood si Gilbert ng isang Horror movie kaya kaagad akong umupo para manood din.
"Bangkok Haunted House." Basa ko sa Title nung movie..
"Mahilig kang manood ng Horror movie?" Tanong ko kay Gilbert.
"Medyo.. Ikaw?" Tanong nya.
"Oo naman.. Pero mas gusto kong mag-basa ng Horror stories kesa ang manood." Sabi ko kaya napatango-tango sya..
[Phone Rings]
"Hello?" Sagot ni Gilbert sa natawag sa kanya.
"Nandito ako sa Condo ng kaklase ko." Sabi nya.
"Aish! Oo na uuwi na po." Sabi ni Gilbert at inend na yung tawag.
"Uuwi ka na?" Tanong ko at tumango sya.
"May dinner daw kami... I think tungkol na naman toh sa negosyo kaya ganon." sabi ni Gilbert at tumayo na.. "Sige aalis na ko.. Pakisabi nalang kay Tristan na umuwi na ko." sabi nya kaya nginitian ko sya at hinatid na sa pintuan.
"Ingat ka."sabi ko at tinanguan nya naman yun.
"Bye!!" sabi nya at lumabas na ng Condo.
tumingin ako sa relo ko at nakita kong 5:30 na..
Tinawagan ko si Kisha..
"Kisha?" sabi ko ng sagutin nya yung tawag ko.
("oh bakit?") tanong nya.
"nasa Condo ako ngayon ni Tristan.. Dito nalang muna tayo." sabi ko.
("ah sige. Text mo nalang sakin yung Address.") sabi ni Kisha. Kaya inend ko na yung at tinext ang address.
Matapos kong i-text yung Address ay pumunta na ko sa kusina.
"Umalis na si Gilbert." Sabi ko.
"Bakit daw?" Tanong nya.
"May dinner daw sila ngayon ng family nya eh." Sabi ko.
"Ah okay." Sabi nya.
"Matagal pa ba yan?" Tanong ko ng maramdaman kong kumulo ang tiyan ko.
"medyo matagal pa toh.." Sabi nya.
"nagugutom ka na?" Tanong nya at tumango naman ako.
"Huwag kang mag-alala once na maluto na toh sisiguraduhin kong mabubusog ka." Sabi nya at saka kanindatan ako.. Inirapan ko naman sya.
"Papunta na nga pala si Kisha dito." Sabi ko.
"Ah okay." Sabi nya at pagkatapos nun ay pumunta na ko sa living room at nanood ng movie.
***
"Bangkok Haunted House?" Sabi ng isang boses lalaki kaya napahawak ako sa dibdib ko ng dahil sa gulat.
"A-ah oo." Sabi ko. Umupo sya sa tabi ko kaya naman umusod ako ng konti Pero lumapit pa rin sya kaya umusod ulit ako at lumapit pa rin sya.
Hanggang sa wala na kong mauusudan pa..
"Bakit lumalayo ka sakin?" Tanong nya at inilapit ang mukha nya sakin kaya naman napalunok ako.
"A-ahm.. Lumalayo ba ko?" Sabi ko ng bigla nyang ipulupot ang kamay nya sa bewang ko at Ilapit pa ko sa kanya lalo..
"Paano kung sabihin kong oo? Lalapit ka ba sakin ng ganito kalapit?" Tanong nya at biglang inilapit ang mukha nya sa mukha ko kaya naman nanlaki bigla ang mata ko.
"I love you." He said at nang dahil dun may bigla akong naramdaman na kung ano sa loob ng tiyan ko.
Gutom?
Ipinikit nya ang mata nya at unti-unting inilapit ang Labi nya sa Labi ko..
DugDugDugDugDugDug...
"Grabe.. Hoy hindi manlang-- oh my god." sabi ng isang boses babae at bigla kaming may narinig na nalaglag. Kaya naman kaagad kong itinulak palayo si Tristan sakin..
"A-anong ginagawa nyo ha?" Sabi ni Kisha.
"Ano.. Nag-e-exercise lang.." Sabi ni Tristan at kaagad na nag-jumping jack. Napatingin sakin si Kisha kaya naman kaagad akong napatayo at..
"T-tama! N-nag-e-exercise lang kami.. Hehehe." Sabi ko at tumakbo papunta sa kusina.
Jusko! Ano ba tong nangyari ngayon?! Nakakahiya!!
...
...
End of Chapter 20: Nag-e-exercise lang
THANK YOU FOR READING!
PLEASE VOTE OR COMMENT
AND GODBLESS YOU ALL
SARANGHAE❤
YOU ARE READING
My Favorite Game : Survival Game
Horror[Completed] Nagsimula ang lahat sa isang imbitasyon... Imbitasyong nangangahulugang kasali ka.... . . . . . . . Kasali sa isang LARO . . . . . . Laro kung saan kailangan mong pumatay para maka-survive. . . . Laro kung saan pwede kang sirain. My Favo...
