[Nicole's POV]
Nakita kong tumakbo si Hannah kasama si.. Gilbert? Ang akala ko sya lang ang sumusunod sakin?
Kanina ko pa alam na sumusunod sya sakin. Pinabayaan ko syang sumunod para malaman nya ang gagawin ko sa party.
At sa tingin ko paghahandaan na nya ang party.
Agad akong napatingin sa lalaking nakahandusay sa sahig.
Siya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng pagkalabog dito na naging bunga ng pagtakas nina Hannah.
Tinurukan ko sya ng pampatulog.
"Kanino ka ba talaga kumakampi?" Tanong ng lalaking may malalim na boses.
Itinutok ko ang baril ko sa kanya kaya napangisi sya.
"Kanino ba talaga? Sa mga grupo ng handang pumatay para mabuhay lang o sa grupo na nag-iimbestiga at naghahanap ng clue sa mga nangyayari sa klase nyo." Tanong nya.
"O sakin? Sakin na kaya kayong patayin ng madalian lang." Sabi ng lalaki sakin.
Tinignan ko sya ng masama nang dahil sa mga sinasabi nya.
"Ano ba talagang kailangan mo at pinapatay mo ang mga kaklase ko?" Tanong ko.
Alam kong sya ang killer. Hindi nakakapagtaka ang sinabi nya sa huli kani-kanina lang.
Hindi sya sumagot imbes na sumagot ay nginitian lang ako nito na sya namang kinainis ko.
"Malapit mo nang malaman ang lahat Nicole.. Hanapin mo lang ang taong may alam na sa pangyayari sa klase nyo. Ang taong yun alam na nya ang dahilan ng patayan sa klase nyo." Sabi nito at naglakad na papunta sa pinto ng classroom.
Nakatutok pa rin ang baril ko sa kanya ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi ko sya magawang barilin.
Bakit?
"At ang taong yun ay kailangan ka rin hanapin para malaman nya din ang dahilan kung bakit may mga numero na nakaukit sa wrist nila sa tuwing namamatay sila." Sabi ng killer.
"Killer ka.. Kalaban ka namin bakit mo sinasabi sakin yan?" Tanong ko at Inilagay na ang isa kong daliri sa gatilyo ng baril.
"Kalaban nyo ko oo.. Pero biktima lang din ako. Hayaan mo kong makaalis. Hayaan mo kong makaalis hangga't kontrolado ko pa ang sarili ko." Sabi nya na sya namang ipinagtaka ko.
Anong ibig sabihin nya dun? Paano kontrolado?
"Kung papakawalan kita papatayin mo din kami kaya bakit pa kita papakawalan kung pwede naman kitang patayin na ngayon?" Sabi ko dito at nginisian sya.
"Sige.. Iputok mo." sabi nya.
Hindi ba sya lalaban?
Stupid. Lalaban sya dahil killer sya. Ginugulo nya lang ang isipan ko.
"Bilisan mo bago pa mahuli ang lahat." Sabi nito. Kaya napahigpit pa lalo ang hawak ko sa baril ko.
Bakit di ko sya magawang barilin?! Ano bang nangyayari sakin?
"Huwag mong kakalimutang hanapin ang taong yun." Paalala nya sakin.
Bigla kong ibinaba ang baril na nakatutok sa kanya at bumuntong hininga.
"Bakit?" Tanong nya.
"Umalis ka na." Walang gana kong sagot at tinignan sya.
Nang mag-tama ang paningin namin ay kaagad akong napaiwas.
What the hell?
"Bakit hindi mo tinuloy?" Tanong nya.
"Ikaw na mismo ang nag-sabi.. Sinabi mong biktima ka lang din.. Kaya umalis ka na dahil hindi ikaw ang dapat kong patayin." Sabi ko.
"Salamat." Sabi nito at dali-daling naglakad paalis.
Napapikit ako ng mariin nang dahil sa ginawa ko.
Those eyes... Iba sya sa mata nung killer na nakausap namin nung una.
Naniniwala na ako.
Naniniwala na akong biktima din sya pero sino ang kumokontrol sa kanya?
At yung taong sinasabi nya.. Sino?
[Third Person's POV]
Lumipas ang ilang oras at sa ngayon ay uwian na ng mga estudyante.
Umuwi na si Hannah sa kanilang bahay dahil nandoon naman ang parents nya.
Wala sa sariling naglakad si Hannah papunta sa kwarto nya. Hanggang ngayon pinag-iisipan nya pa rin ang dapat nyang gagawin sa party.
Nang biglang pumasok sa isip nya ang pagtuturo sa kanya ng mga magulang nya kung paano Gumamit ng mga baril maging ang pakikipaglaban.
"Magagamit ko na ba?" Tanong nya sa sarili nya nang bigla syang mapahinto sa paglalakad.
Pumunta si Hannah sa office ng Daddy nya.
Tinignan ni Hannah ang paligid at pagkatapos ay kaagad na dumeretso sa isa pang pinto ng office ng Daddy nya.
Nang bubuksan nya na ito ay kaagad itong kusang bumukas kaya nanlaki ang mata ni Hannah.
Madilim sa loob nito pero naaninag nya naman ang hagdanan pababa.
"Bakit hindi ko 'to alam?" Ang tanging nasabi ni Hannah nang kusang bumukas ang mga Ilaw sa loob.
At doon bumungad sa kanya ang mga hanay ng mga baril pati narin.
"Alam na ba nina Mom and Dad na mangyayari 'to sa klase namin kaya tinuruan nila ako kung paano gumamit ng baril?" Sabi ni Hannah.
Manghang-mangha si Hannah sa mga baril na nakikita nya.
Kumuha ng baril si Hannah pati na rin ng silencer. Ikinabit nya ang silencer at saka akmang itinutok ang baril sa CCTV camera sa loob.
"I need to do this. Mamatay na ang dapat mamatay." Sabi ni Hannah at kasabay nito ang pag-ukit ng isang ngiti sa kanyang labi.
***
"Sure kang okay ka lang? Kanina ka pa tahimik dyan eh." Sabi ni Kisha kay Gilbert na tahimik lang na kumakain.
"Okay lang ako. Iniisip ko lang yung about sa party." Sabi ni Gilbert kaya napatango-tango si Kisha.
"Ano sa tingin mo ang mangyayari sa party?" Tanong ni Gilbert kay Kisha kaya kumunot ang noo nito.
"Edi syempre mag-sasaya.. Ano ka ba naman? Di ka pa ba nakakapunta sa party?" Pabirong tanong ni Kisha ngunit kaagad syang napatahimik nang biglang naging seryoso ang expression ng mukha ni Gilbert.
"Alam kong hindi yan ang nasa isip mo. Aminin mo.. Nararamdaman mong may mangyayaring masama hindi ba?" Tanong ni Gilbert.
Napabuntong-hininga na lamang si Kisha at kasabay nito ang pagtango nito..
"Tara na kailangan na nating umalis." Sabi ni Gilbert habang may tinitignan ito sa likuran ni Kisha.
"Ha? Kakasimula pa lang natin kumain oh." Sabi ni Kisha habang naka-pout.
"We need to go. Sa ibang restaurant nalang tayo kumain." Sabi ni Gilbert habang nakatingin sa lalaking naka-cap at naka-face mask na itim.
"Eehh!! nagugutom na ako eh." Pag-iinarte ni Kisha nang bigla syang tignan ni Gilbert ng masama kaya natigilan si Kisha nang dahil sa takot.
'Something's really changed..'
..
..
A/N: Sinisipag akong mag-update ngayon!😂 Hahaha😂 actually sinusulit ko lang yung sembreak.👌 Kaya ita-try ko ulit na mag-update bukas or sa Monday na. Basta bahala na😂✌
THANK YOU FOR READING!
PLEASE VOTE OR COMMENT
FOLLOW ME
AND GOBLESS YOU ALL
SARANGHAE❤
YOU ARE READING
My Favorite Game : Survival Game
Horor[Completed] Nagsimula ang lahat sa isang imbitasyon... Imbitasyong nangangahulugang kasali ka.... . . . . . . . Kasali sa isang LARO . . . . . . Laro kung saan kailangan mong pumatay para maka-survive. . . . Laro kung saan pwede kang sirain. My Favo...
