Chapter 14.1: Punishment

481 20 3
                                        

[Someone's POV]

"Siguraduhin mong hindi toh malalaman ni papa." sabi ko matapos ibigay ang 50 thousand pesos sa lalaking inutusan ni papa para hanapin ang batang para kay Abraxas.

"nako Ma'am wala po talagang makakaalam.. Kahit na buhay ko pa po ang kapalit hindi po ako magsasalita ng kahit na ano. Atsaka malaking tulong na po itong ibinigay ninyo saking pera lalo pa't kailangan ito ng anak ko pampa-opera.. Salamat ho talaga Ma'am." sabi ng lalaki sakin kaya napangiti na lamang ako sabay sabi ng "Walang-anuman po."

Matapos nun ay dali-dali na syang umalis kasama ang sekretarya ko. Ang sekretarya ko ang mag-aayos ng papeles nila para mailipat sa ibang hospital ang anak nung lalaki basta lahat ng impormasyon na tungkol doon sa lalaki ay ipapaiba ko para hindi sya mahanap nina papa.

Kapag nahanap sya ni Papa ito-torture sya nito hanggang sa mapaamin sya.

Ilang beses ng nagha-hire si papa ng private investigator para hanapin ang bata pero lagi itong nabibigo dahil tinatapatan ko ng malaking pera ang mga private investigator nya.

Sa umpisa pa lang tutol na ko sa ginagawa ng angkan na toh.. Pumapatay sila ng inosenteng buhay.. Pinapatay nila ang mga taong walang kasalanan sa kanila.. At muntik nang maging biktima nito ang matalik kong kaibigan. Mabuti na lamang at nagawa kong iligaw si Papa kung hindi malamang isa ng malamig na bangkay ang kaibigan ko.

Bakit nga ba sila pumapatay? Sabi nila kaya daw nila ito ginagawa dahil ayaw nilang magtagumpay si Abraxas sa masamang plano nito sa mundong toh.

Minsan ng nagwagi si Abraxas sa kasamaan nya at ayaw na daw nilang maulit pa yon.

Kaya kapag may nababalitaan si papa na tungkol sa anak ni Abraxas.. Palagi syang gumagawa ng paraan upang mapatay nya ito. At kagaya ngayon.. May nabalitaan na naman sya. May isang buhay na naman ang nangaganib sa kamay ng ama ko...

Habang nag-iisip ako ng paraan para mailigaw ulit sina Papa bigla na lamang may kumatok sa office ko kaya pinapasok ko ito.

"Ikaw pala Janice.." sabi ko ng makita ang secretary ko na nakabalik na.

"Ma'am hanggang kelan nyo po ito gagawin? Jusko! Baka mahuli po tayo nito.." sabi ni Janice habang papalapit sakin.

"Janice.. Kung sakaling mahuhuli ako ni Papa.. Please lang.. Puntahan mo si Trevor.. Sabihin mo na bantayan nya ng mabuti ang anak namin pati na rin ang alam mo na.." sabi ko.

"o-opo ma'am." sabi ni Janice.

"p-pero paano po kung tanungin nila ako kung may alam ako??" sabi nya.

"Sabihin mong hindi mo alam.. Kung kinakailangan ipahamak mo pa ko lalo kay Papa para makapaunta ka ng ligtas kay Trevor." sabi ko.

"Ma'am hindi ko ata kaya yun.." sabi nya kaya nginitian ko sya.

"Para sa anak ko toh Janice so please wag kang matakot." sabi ko. At tumango-tango naman sya.

"wag ka ring kakabahan once na tanungin ka nga nila kung may alam ka sa mga ginagawa ko." sabi ko kaya huminga sya ng malalim bago tumango.

"Opo Ma'am." sabi nito kaya napangiti na lamang ako.

Kaya after nun ipinagpatuloy na nya ang ginagawa nyang trabaho.. Nang bigla mag-ring ang phone ko kaya sinagot ko ito..

"Hello anak?" sabi ko.

("Mom.. I think ayoko na..") sabi ng anak ko sa kabilang linya..

"what do you mean na ayaw mo na?" tanong ko.

("Mom.. Ayokong bantayan ko lang sya ng basta.. Gusto ko bantayan ko sya ng habang buhay..") kaya nanahimik ako ng sandali..

("Mom.. I think i love her..") sabi nya kaya napailing na lamang ako.

Binata na ang anak ko may mahal na eh..

"Just protect her and yourself okay?" sabi ko.

("yes Mom.. I promise.") sabi nya.. Nang biglang may kumalabog sa pinto ko..

Kaya..

("Mom?! Anong nangyayari dyan?!") tanong nya.

"ssshhh! Just listen okay? And also calm down.. Everythings gonna be okay." sabi ko at itinago yung phone ko sa isang drawer na hindi nakikita ng kahit na sino..

Nang maitago ko na yung phone ko. Kaagad akong umakto na pumipirma ng papeles..

...
...

End of Chapter 14: Parusa 14.1

THANK YOU FOR READING!

PLEASE VOTE OR COMMENT

AND GODBLESS YOU ALL

SARANGHAE❤

My Favorite Game : Survival GameStories to obsess over. Discover now