Chapter 29: Secret

345 17 1
                                    


[Hannah's POV]

Ang tagal naman ni Tristan!! Naiinip na ko. T_T

"Oh ayan na si Tristan." Sabi ni Kisha.

"Bat ang tagal mo?" Tanong ko habang naka-pout.

"Hinanap ko pa yung librong sinasabi mo eh." Sabi nya sabay bigay sakin nung libro.

"Thank you." Sabi ko at nag-simula ng mag-basa.

"Uyy ano yan?" Biglang tanong ni Kisha kaya tinignan ko si Tristan na may hawak na notebook.

"A-ah wala toh." Sabi ni Tristan sabay sara nung notebook.

"Weh? Nagda-diary ka noh? Pfft! HAHAHA!!" Sabi ni Kisha kaya pinagtinginan kami ng mga tao dito sa library.

"Sssshhhh!! Quiet!" Saway samin nung librarian.

"oops sorry." Pabulong na sabi ni Kisha.

"Mag-review na nga lang tayo." Sabi ko habang nakatingin sa notebook na hawak kanina ni Tristan.

Napansin naman ni Tristan na nakatingin ako doon kaya nagsalita sya.

"Ahm.. Hiniram ko lang tong notebook na toh sa kaklase natin. Transferee ako eh kaya may na-miss akong ibang lesson." Sabi ni Tristan. Kaya tumango-tango ako kahit na hindi satisfied sa sinabi nya.

Parang may itinatago sya eh.

[Tristan's POV]

Wew! Muntik na yun ah. Ayoko munang ipaalam toh kina Hannah hangga't maaari.

Baka kasi alam ng killer na may nakuha akong diary sa lumang building eh. Mahirap na kung magsasalita ako baka sugurin na naman si Hannah nung Killer.

Ayoko ng mangyari yun.

Sasabihin ko na lang kay Hannah ang tungkol sa Diary kung kailangan ko na talagang sabihin.

Sa ngayon kailangan kong basahin ang nilalaman ng Diary.

Hahanapin ko ang Killer at ako na mismo ang papatay sa kanya.

Tsk.

Habang binabasa ko ang Ilang pahina ng Diary ay bigla kong nakitang nakatingin si Hannah sakin.

Hindi lang sya basta tingin eh. Seryosong tingin. Ngayon ko lang nakita ang ganyang expression ng mukha ni Hannah.

At dahil sa ngayon ko lang nakita si Hannah na may ganyang seryosong expression sa mukha..

Hindi ko alam kung ano nasa isip nya.

"Ahm guys.. May pupuntahan lang pala ako." Sabi ni Kisha at niligpit na yung mga gamit nya.

"Saan?" Tanong ni Hannah habang nakatingin kay Kisha.

"Secret." Sabi ni Kisha at pagkatapos nun ay umalis na.

Biglang sinara ni Hannah yung librong binabasa nya at iniligpit ang gamit nya.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko ng isukbit na nya yung bag nya.

"Secret." sabi nya at lumabas na ng library.

Talagang ayaw nilang sabihin kung saan sila pupunta ah?

Tss. Pagkatapos ko silang samahan dito sa library iiwan lang nila akong mag-isa?

Hays.

"Bat nag-iisa ka dyan bro?" Sabi ng isang pamilyar na boses kaya nilingon ko kung sino man yon.

"Pake mo ba?" Sabi ko at iniligpit na rin yung gamit ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Gilbert.

"Secret. Walang clue." Sabi ko at naglakad na palabas ng Library.

May naisip ako. I-imbestigahan ko lahat ng nangyaring patayan dito sa school na toh.

Baka kasi sakaling kusang lumapit sakin ang killer.

Kung mangyayari man yun sana Matapos na...

***

[Hannah's POV]

Eto na yung chance ko..

Kasalukuyan akong naglalakad sa corridor.. Ako lang mag-isa ang naglalakad dito ngayon.. Kaya tanging mga yabag ko lang ang naririnig ko.

Nang biglang may lalaking dumaan sa pinakangdulo ng corridor. Kaya tumakbo ako para puntahan yun.

Pero nang makarating ako sa pinanggalingan ng lalaki kanina ay wala na akong nakita..

Alam kong sya yung killer.. Hindi ko man sya nakita ng sobrang linaw nung nagtangka syang patayin ako.

Nararamdaman ko na sya yung killer.

[Phone Rings]

Napatingin ako sa phone ko ng bigla itong mag-ring.

Isang Unknown Caller.

Sinagot ko ang tawag.. Hindi ako nagsalita para pakinggan ang paligid nya pero wala akong narinig..

Pano kung ang tumatawag ay nandito lang??

Sinubukan kong maglakad.

At may narinig akong yabag sa kabilang linya.

So malapit lang sakin ang tumawag.

Inilibot ko ang paningin ko nang biglang..

("Inaantay ka na nya...") Sabi ng isang boses lalaki.

"Anong bang kailangan mo?! Pera ba?! Bakit ba pinapatay mo lahat ng kaklase ko?!" Galit na tanong ko.

Pero tumawa lang sya ng tumawa sa kabilang linya.

("Sino kaya ang mananalo sa laro? Ako? Kayo? o Sila?") Tanong nya.

Sila? Sinong sila?

("Huwag kang mag-alala Hannah.. Ang mananalo sa laro ay may kapalit..") Sabi nito at inend na yung tawag.

Maglalakad na sana ako nang biglang...

"Hannah." Sabi ni Victoria habang nakangiti.

"Oh ikaw pala.. Bakit?" Sabi ko at nginitian din sya.

"Alam na ba ni Kisha ang ginawa mo dati?" Tanong ni Victoria.

Kaya bigla akong kinabahan sa sinabi nya.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Matalino ka diba? Huwag mong itanong, alamin mo." Sabi nya.

Alam ko ang tinutukoy nya.. Hindi ko gusto ang ginawa ko dati, napilitan lang ako dahil natatakot ako.

"Nandito na pala sya." Sabi nya na parang may tinitignan sa likuran ko.

Lilingunin ko na sana ito nang biglang..

"Kamusta Hannah? Na-miss mo ba ako?" Tanong nito at inakbayan ako.

"C-cedric." Ang tanging nasabi ko nang dahil sa sobrang takot at kabang nadarama.

"Boyfriend mo sya diba?" Tanong sakin ni Victoria.

Hindi.. Pinilit nya lang ako kasi pinagbantaan nya kong Papatayin nya si Kisha kapag hindi ko sya sinunod.

"Hindi.." Sabi ko habang nanginginig ang kamay.

"Malandi ka pala.. Oh paano Cedric? iiwanan ko na kayo ah?" Sabi ni Victoria at umalis na.

"Mahal mo talaga ako.. Hindi ka pa daw nagkakaroon ng boyfriend eh simula ng umalis ako." Sabi nya.

Baliw sya..

Tinanggal ko ang pagkaka-akbay nya sakin at nagtangkang tumakbo paalis nang hilahin nya ako at...

Sapilitang hinalikan sa labi..

Hindi ayoko nang maulit ang impyernong naranasan ko sa kamay nya... Ayoko na..

...
...

End of Chapter 29: Secret

THANK YOU FOR READING!

PLEASE VOTE OR COMMENT

FOLLOW ME

AND GODBLESS YOU ALL

SARANGHAE❤

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now