Chapter 19: It's not my fault

432 19 5
                                        

[Kisha's POV]

Kaagad akong tumakbo papunta sa pinanggalingan nung sigaw..

"Ate ano pong meron?" Tanong ko ng makalapit sa babae.

"Y-yung ref..." Nanginginig na sabi ni Ate.

Yung ref? Anong meron sa loob ng ref?

Bigla akong lumapit sa ref.. At ewan ko ba kung bakit bigla akong kinabahan.

Binuksan ko yung ref at halos masuka ako ng makita ko ang isang bangkay ng lalaki.

Biglang napukaw ng atensyon ko ang I.D. nung lalaki. Kaya kinuha ko yung tela sa ibabaw ng ref. At pagkatapos nun hinawakan ko yung I.D. at tinignan kung sino..

"A-alfred.." Sabi ko ng basahin ko ang pangalan ni Alfred sa I.D.

Dahan dahan kong tinignan yung bangkay ni Alfred...

Hindi na masyadong kilala ang mukha nya.  Sigurado akong nabuhusan sya ng Asido kaya natunaw ang balat nya sa mukha. At punong-puno ng dugo ang kanyang katawan..

Sorry Alfred.. Nang dahil sa pananahimik ko.. Namatay ka.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ng isang pamilyar na boses kaya kinabahan ako. Tinignan ko sya at kitang kita ko kung pano sya ngumiti habang nakatingin sa bangkay ni Alfred.

Umalis ako sa cafeteria ng nanginginig ang kamay. Natatakot ako kay Candice.. Ang mga ngiti nyang yon.. Kinikilabutan ako sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti nyang yon..

[Third Person's POV]

Habang nakatingin si Candice sa bangkay ni Alfred biglang sumulpot ang lalaking nakausap ni Candice...

Naglakad si Candice papunta sa rooftop habang nakasunod sa kanya ang lalaki..

Nang makarating sa rooftop..

"Masaya ka ba?" Tanong ng lalaki habang nakangiti.

"Sobrang saya ko dahil... Napatay ko sya." sabi ni Candice...

"Masarap ba ang makapatay?" Tanong ng lalaki kay Candice.

"Sobra.." Sabi ni Candice at nginitian ang lalaki..

"Huwag ka munang magsaya.. May nakakaalam ng ginawa mong pagpatay.." Sabi ng lalaki kay Candice kaya kaagad na nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Candice.

"Paano mo nasabi?" Tanong ni Candice.

"Nandon sya nung nag-uusap tayo.." Sabi ng lalaki.

"Sino?" Tanong ni Candice..

"Si Kisha.." Sabi ng lalaki kaya naikuyom ni Candice ang kanyang kamao sa galit.

"Walang pwedeng makaalam.. Hindi toh pwedeng malaman ng lahat.." Sabi ni Candice habang nanlilisik ang mga mata.

"Kung ganon.. Bakit Hindi mo sya patahimikin ng pang-habang buhay?" Sabi ng lalaki habang nakangisi..

Bigla namang napangisi si Candice sa sinabi ng lalaki.

"Tama ka.." sabi ni Candice.

***

Matapos mag-usap ni Candice at ng lalaki ay bumalik na si Candice sa classroom nila.. Sa loob ng bulsa ng jacket ni Candice nakalagay ang kutsilyong ginamit nya sa pagpatay kay Alfred.

Nang makarating sa classroom nila.. Kaagad na hinanap ni Candice si Kisha..

Nang makita nya ito.. Saktong napatingin din sa kanya si Kisha kaya nginisian nya Ito..

My Favorite Game : Survival GameStories to obsess over. Discover now