Chapter 40: Evil Smile

308 16 2
                                    

[Sandra's POV]

That kid.. Muntik na syang mapahamak kanina nang dahil sa pakikipaglaban nya.

Tsk.. Mabuti na lang at dumating kaagad ako dahil kung hindi makakapatay pa sya at ayokong mangyari yun sa anak ko.

Anak ko sya.. Sya ang nawawala kong anak. Kaya pala ganon nalang ang concern ko sa kanya.

[Flashback]

Matapos naming mag-usap usap about sa plano ay kaagad akong nilapitan ni Ally.

"Sandra we need to talk." Seryosong sabi nito kaya tumango na lang ako at sinundan sya.

Kung ako ay seryoso mas seryoso si Ally. Hindi namana ni Hannah ang pagiging seryoso ng ina nya.

Pero namana naman nito ang pagiging madiskarte at matalino ng ina nya.

At sa tingin ko namana din ni Hannah ang pagiging matapang nito.

"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko.

"Ang anak mo nahanap ko na sya." Sabi ni Ally kaya kaagad na kumabog ang dibdib ko sa tuwa at kaba.

"T-talaga? Nasaan sya ngayon?" Tanong ko.

"Sa Manila at nag-aaral sya ngayon sa Middleton University.." Sabi ni Ally kaya mas lalo akong kinabahan.

Huwag sana sya kabilang sa klase nina Hannah.

"A-ano bang pangalan nya?" Tanong ko.

"Kisha Mendoza." Sabi ni Ally kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili kong mapaluha.

"Kung hindi sana sya pinamigay ng ama nya sa iba siguro hindi sya madadamay sa nangyayari sa school nila." Sabi ko.

"Mali ka Sandra... Hindi nya pinamigay si Kisha. Iniwan nya ito sa kalye sa kadahilanang kukunin nila ang anak mo." Sabi ni Ally kaya kumunot ang noo ko.

"Nila? Sino?" Tanong ko.

"Ang mag-asawang Mendoza.. May galit ang mag-asawa sa ama ni Kisha kaya pinagbantaan nila ito na ibigay ang anak nyo sa kanila pero nagmatigas si Christian. Hindi nya ito ibinigay at iniwan sa kalye ang anak nyo." Kwento ni Ally.

"At nang dahil dun hinabol nila si Christian at pinatay. Hinanap ng mag-asawang Mendoza ang anak mo at kinuha nila ito." Sabi ni Ally kaya napaiyak nalang ako sa Sobrang galit at sakit na nararamdaman ko.

All this time iniisip ko na Iniwan ako ni Christian nang dahil sa babae pero hindi ginawa nya 'yon para iligtas kami ng anak ko.

"Babawiin ko ang anak ko." Sabi ko kaya napabuntong-hininga si Ally sa sinabi ko.

"Please Sandra iwan mo na 'to sa kamay namin ni Henry. Masyado silang mayaman. Hindi mo sila kakayanin." Sabi ni Ally.

May point sya pero hindi.. Hindi ko nga nagawang mahanap ang anak ko. Ngayon pa kaya na babawiin ko nalang sya?

Gagawa ako ng paraan.

[End Of Flashback]

Tinanggap ko ang tulong nina Henry at Ally. Alam kong hindi ko sila kakayanin pero sisiguraduhin ko na magbabayad sila sa ginawa nila sa pamilya ko.

Sa ngayon kailangan kong protektahan si Kisha.. Hindi ako papayag na may mangyari sa kanyang masama.

Dahil kapag meron man.. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

[Ally's POV]

Kakauwi lang namin ni Henry galing sa grocery. Ipagluluto namin ang anak namin.

"Hon, Ako nang bahala dito puntahan mo muna si Hannah sa Kwarto nya." Sabi ni Henry.

"Sure ka?" Sabi ko at tumango naman ito.

Pinuntahan ko si Hannah sa kwarto nya. Kakatok na sana ako ng makita kong naka-awang ang pinto nito kaya dahan-dahan ko itong binuksan at sinilip ito.

Mula dito kitang-kita ko ang mga baril na nakalagay sa kama ng anak ko.

Akala ko ba ayaw nyang humawak ng mga baril? Anong ibig sabihin nito?

Kinasa ni Hannah isa-isa ang mga baril na nasa kama nito at pagkatapos ay nilagyan ng silencer.

Bukod sa mga baril meron ding mga nakalagay na mga damit sa kama nito.

Anong meron?

Isa-isa nyang niligpit ang mga dress na kinuha nya at itinira ang pink nyang dress.

[Phone Rings]

"Sino ka?" sagot ni Hannah sa tumawag sa phone nya.

"Wait Nicole? Paano mo nalaman number ko?" Tanong ni Hannah.

"Ah kahit kelan talaga napaka mo.. Bat ka nga pala napatawag?" Tanong ni Hannah.

"So sa bar gaganapin ang party? Cool. Sige mga 1:00 PM magkita tayo sa inyo." Sabi ni Hannah kaya napakunot ang noo ko.

Party? Bar? Ang babata pa nila para mag-bar!

I was about to get in nang biglang kunin ni Hannah ang baril at halikan ito.

"Antayin nyo lang ako.. Ako ang papatay sa inyo." Sabi ni Hannah kaya napaatras ako.

Kaagad akong tumakbo sa kusina at hinila si Henry.

"Hey may problema ba hon?" Tanong ni Henry.

"Si Hannah.. Kailangan nating kausapin si Sandra." Sabi ko at tinawagan si Sandra.

("Napatawag ka?") Tanong nito.

"Sandra may iba na bang nangyayari sa anak mo?" Tanong ko.

("What do you mean?") Tanong ni Sandra.

"I mean kung meron nang sinabi ang anak mo na may gusto syang patayin." Sabi ko.

("Wala.. Pero..") Sabi ni Sandra.

"Pero?" Sabi ko. Naknang pabitin eh!

("Pero muntik na syang makapatay kanina.") sabi ni Sandra kaya kinabahan ako.

"This can't be." I said.

("B-bakit?") Tanong ni Sandra.

"My daughter Hannah. She wants to kill someone. She said that while holding a gun." Sabi ko kaya napasinghap naman si Henry sa narinig nya mula sakin.

("We need to do something.") Sabi ni Sandra.

"Call the Squad.. Sabihin mo na mag-meet tayo dyan sa bahay mo around 9:00 PM" sabi ko at um-oo naman ito a pagkatapos ay inend na ang call.

"You said that she was holding a gun." Sabi ni Henry at tumango ako.

"Shit." Sabi ni Henry at hinila ako papunta sa office nya.

***

Kasalukuyan nyang chine-check ang CCTV Record na nakuha kanina sa Secret room nya.

"Si Hannah." Sabi ni Henry nang makita nya si Hannah sa Recordings ng CCTV.

Pinanood namin si Hannah at doon kitang kita ko ang pagkabit nya ng silencer sa baril at pati ang pagtutok nito mismo sa CCTV camera.

Nakangiti ito. Iba sa ngiti na madalas naming makita.

Ngiting may binabalak at Ngiti ng taong kayang makapatay.

An Evil Smile

"She's Changed Hon." Sabi ni Henry at rinig na rinig ko ang pagbuntong-hininga nito.

...
...

A/N: Halatang wala akong maisip na title ng chapter na 'to ah.. Pasensya na kung boring 'tong chapter na 'to. Walang pumapasok na matino sa utak ko today eh.

End of Chapter 40: Evil Smile

THANK YOU FOR READING!

PLEASE VOTE OR COMMENT

FOLLOW ME

AND GODBLESS YOU ALL

SARANGHAE❤

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now