[Kisha's POV]
Sa mall kami pumunta ni Tristan dahil may gusto din kaming bilhin pang iba bukod sa pagkain..
"Kisha 6:09 na.. Baka nagugutom na si Hannah.." sabi ni Tristan. Nandito kami sa National Book Store.
Wala gusto ko lang bilhan si Hannah ng librong pwede nyang basahin. Nito kasing mga nakaraang araw parang stress na stress sya at parang palaging kulang sa tulog kaya naman naisipan kong ibili sya ng pocket books para naman kapag hindi pa rin sya makatulog may pampaantok sya.
Pumunta na ako sa counter ng mahanap ko na yung mga genre ng story na gusto ni Hannah.
"Babasahin mo yan lahat?" tanong ni Tristan habang nakatingin sa book na dala ko.
"actually hindi ako ang magbabasa nito.." sabi ko.
"sino?" tanong nya.
"si Hannah." sagot ko kaya napatango-tango naman sya.
"Mahilig magbasa si Hannah ng Horror stories?" Tanong nya.
"Yep! At ako naman ay Romance." sabi ko. "ikaw?" tanong ko.
"wala." sagot nya kaagad. "i prefer watching some action and horror movies than reading.." sabi nya kaya napatango-tango nalang ako.
Nang mabayaran ko na yung books na binili ko. Lumabas na kami sa National Book Store.
"Tara na." sabi ni Tristan nauna ng maglakad papunta sa parking lot.
"Antayin mo ko!!" sigaw na sabi ko at tumakbo.
***
Nang makarating kami sa parking lot kaagad kaming pumunta sa Kotse ni Tristan. Pinagbuksan nya ko ng pinto..
"magkwento ka nga about kay Hannah." sabi ni Tristan ng magsimula na syang mag-drive.
ayy? Interested sya sa bestie ko? Tsk kung di ka lang namin tinuring na kaibigan ni Hannah nako... Baka kung ano na yung iniisip ko ngayon.
"tungkol kay Hannah? hmm... Mabait sya di lang halata. Mahilig syang sumayaw.. Tahimik lang sya madalas pero marunong makisakay sa trip ng ibang tao. Sya yung tipo ng kaibigang hindi mo makakalimutan kahit na ilang years na kayo magkakalayo." tuloy tuloy na sabi ko.
"para sakin.. si Hannah na yung pinaka the best na kaibigan.. Never nya kong iniiwan at ganon din ako. Para na nga kaming magkapatid.. Magaling syang magluto. Natutunan nya yun sa Mommy nya." sabi ko habang nakangiti.
"Nasan yung parents nya?" tanong ni Tristan.
"Nasa ibang bansa.. business matters." sabi ko.
Bigla akong napatingin sa relo ko.
6:30 na. At nasa gitna pa kami ng traffic. Grabe noh? Ito talaga yung number one problema ng pilipinas. TRAFFIC.
[20 minutes later..]
Hay salamat at nakaandar din. Grabe antagal din nun ah..
"Kaya pala traffic eh.." sabi bigla ni Tristan. Kaya napa-"ha?" naman ako.
"ayun oh." sabi ni Tristan habang may itinuturo sa unahan. Napalingon naman ako dun.
Kaya naman pala eh may aksidenteng nangyari. Yung truck nakataob na.
"kawawa yung driver." sabi ko nang makita yung driver na duguan.
Nang magsiliko na yung ibang mga sasakyan sa ibang kalsada kaagad namang lumuwag ang dinadaanan naming kalsada.
[PHONE RINGS]
"Hello?" sagot ko sa tumatawag.
"Kisha? Kasam mo ba si Hannah?" tanong ng isang pamilyar na boses kaya tinignan ko kung sino yung tumatawag.
YOU ARE READING
My Favorite Game : Survival Game
Horor[Completed] Nagsimula ang lahat sa isang imbitasyon... Imbitasyong nangangahulugang kasali ka.... . . . . . . . Kasali sa isang LARO . . . . . . Laro kung saan kailangan mong pumatay para maka-survive. . . . Laro kung saan pwede kang sirain. My Favo...