Chapter 39: First Encounter

304 15 2
                                    

[Kisha's POV]

"Uuwi na ako." Walang gana kong sabi kay Gilbert.

"Why? Kakain pa tayo." Sabi nya.

Tongak ba sya? Nag-uumpisa na nga kaming kumain tapos bigla nyang sasabihin na sa ibang restaurant nalang kami kumain. Lakas mag-aksaya ng pera netong elyen nato.

"Busog pa ako.. And one more thing may gagawin pa ko kaya bye." Sabi ko at nauna nang maglakad kesa sa kanya.

"Sabi mo gutom ka.. Tara na." Sabi niya at hinila ako pero binawi ko naman yung kamay ko sa kanya kaagad.

Tsk.

"May gagawin nga sabi ako diba?! Bat ba ang kulit mo?" Sabi ko at tinignan sya ng masama.

"Fine.. Go ahead." Sabi nya at nag-cross arms sya habang nakakunot ang noo.

Aba't talagang hahayaan nya lang akong umalis?! Walang pilit-pilit?!

Siraulo ka ba Kisha? Magsasabi ka ng may gagawin ka tapos ngayon gusto mo na pigilan at pilitin ka nyang kumain kayo ng sabay.

'OMG girl LQ ata sila ni kuyang gwapo yieee kakakilig naman sila!'

'Oo nga bess sana mahanap ko na yung forever ko.'

Tinignan ko ng masama yung dalawang babae na nagchi-chismisan. Mga walang kwenta.

Tuluyan na nga akong umalis at nagpasundo sa driver namin.

Makalipas ang ilang minuto sa wakas nakasakay na din.

Habang nagda-drive si Manong ay bigla itong nagsalita.

"Ma'am Kisha may sumusunod po satin kanina pa." Nag-aalalang sabi nya.

Kaagad akong lumingon sa likuran at doon nakita ko ang itim na kotse na sumusunod samin.

"Ano pong gagawin natin Ma'am?" Tanong sakin ni Manong.

Tignan lang natin..

"Ihinto mo ang sasakyan Manong." seryoso kong sabi dito.

"Ma'am baka mapahamak po kayo." sabi ni Manong.

"Don't worry Manong 5:30 palang at marami pang tao. Basta kapag bumaba ako dito pumunta ka sa malapit na police station. Tandaan mo yung plate number ng sasakyan Manong." sabi ko at tumango-tango ito.

Nang makababa na ako kitang-kita ko na nag-park sa hindi kalayuan ang kotseng itim na kanina pa kami sinusundan.

Naisipan kong maglakad at pumasok sa isang eskinita.

At doon palihim kong kinuha ang kutsilyong nakatago sa bag ko.

Wala na itong bahid ng dugo ni Candice dahil nilinis ko na ito.. Ewan ko ba imbes na itapon ko 'to ay itinago ko pa.

Sabagay..

Tutal nagkakapatayan na kami dun sa klase namin bakit di ko pa lubusin diba? Kesa naman sa ako pa ang mamatay.

Saka pwede na din 'tong practice ko para rin 'to sa paghahanda ko sa party sa November 23.

Naglakad ako ng mabagal habang hawak-hawak ng mahigpit ang kutsilyo.

Kung may mangyayari man ngayong masama sakin tanging ang patalim na hawak ko lang ang makakapaglitas sakin.

At hindi ako magdadalawang-isip na patayin ang taong gusto akong saktan sa ngayon.

I need to survive kaya gagawin ko ang lahat para hindi ako matalo sa laro na 'to.

"Mukhang pinaghahandaan mo ang pagdating ko ah." Rinig kong sabi ng lalaking nasa likuran ko lang pala.

Hinarap ko sya ng may ngiti sa labi. Ngiti na kahit minsan ay hindi ko pa nagagawa sa kahit na sino.

Ngiti na sa pangalawang pagkakataon ay nagawa ko.

Ngiti ng taong gusto at handang pumatay. Iyon ang pinapahiwatig ng ngiti ko sa ngayon.

Wala akong nararamdamang kahit na anong takot.

Para saan pa? Baka iyon pa ang maging dahilan ng pagkamatay ko.

"Ang tagal mo nga eh." Sabi ko mula sa  likuran ko ay hawak-hawak ko ng mahigpit ang kutsilyo ko.

"Hahaha pasensya na.. Kinakailangan ko din kasing paghandaan ang pagkikita natin ngayon." Sabi nito habang nakangisi.

Hindi ko sya school mate at lalong hindi ko sya kaklase.

Ano bang kailangan neto sakin at kanina nya pa ako sinusundan?

"Anong kailangan mo?" Tanong ko.

"Wala naman akong kailangan.. Nandito ako para gumanti." Sabi nya at kasabay nun ang paglabas nya ng kutsilyo nya.

Sinugod nya ako at ako ay nanatiling nakatayo nang akmang sasaksakin na nya ako ay kaagad akong nakailag.

"Sa pagkakaalam ko wala akong ginagawa masama sa mga patapong tao na gaya mo." Sabi ko nang nakangisi at kita ko naman na nainis sya sa sinabi ko kaya hinagis nya ang isa pang kutsilyo sa akin.

Ngunit gaya ng una ay nakailag ulit ako.

Too weak tsk.

"Tama ka wala ka ngang ginawang masama sakin pero yung Gilbert na yun ang may malaking kasalanan. At nandito ako para gawin din sa kanya ang ginawa nya sakin." Sabi nya kaya nawala ako sa focus at nasugatan ako sa may bandang malapit sa pulso ko.

Damn that was too close.. Mabuti nalang at di sa pulso.

"So his your weakness huh?" Sabi nito sakin habang nakangiti.

"Idiot just shut up." Sabi ko at sa pagkakataong 'to ay ako naman ang sumugod.

"S-shit!" He said habang ako ay binigyan sya ng matamis na ngiti

Nasaksak ko sya sa bandang tagiliran nya kaya bahagya syang napaatras ng dahil sa sakit.

Kinuha ko yung kutsilyong binato nya sakin at sa pagkakataong 'to sisiguraduhin kong sa bungo nya babaon 'to.

I was about to throw him the knife that I'm holding nang biglang may humawak sa kamay ko.

Si Ms. Sandra.

"Why did you stop me?! Look what you did nakatakas na sya." Naiinis na sabi ko dito.

"At balak mo talagang patayin sya? Nasisiraan ka na ba? Gusto mo bang makulong?" Sabi nya sakin kaya natigilan ako.

Ayoko.

"Tara na nang magamot ko na yang sugat mo." Sabi nya at hinila na ako.

***

"Don't you dare do that again." Sabi nito habang ginagamot ang sugat ko. Malaki ito at malalim kaya kinakailangan na tahiin.

Tsk. Wala na may peklat na ko.

"I can't promise that pero susubukan ko." Sabi ko nalang.

Weird.

Bakit kapag sinabi nya madalas kong sundin agad? Dahil ba sa pulis sya? Hindi eh.

Ang weird lang ng ganitong feeling.

Ang gaan ng loob ko sa kanya whenever she talked to me.

It seems like some part of is always complete whenever she's around me.

Why? Bakit ko nararamdaman 'to

"Something wrong?" Tanong ni Ms. Sandra sakin.

"N-nothing." I said at yumuko nalang.

"Please don't make me worry again." Sabi ni Ms. Sandra at umalis na.

Sino ka ba talaga Ms. Sandra?

...
...

A/N: time update 12:57 AM... Oh diba tibay ko noh? Nagawa ko pang mag-update ng gantong oras. Haha anyways enjoy reading! Hart hart😘❤

THANK YOU FOR READING!

PLEASE VOTE OR COMMENT

FOLLOW ME

AND GODBLESS YOU ALL

SARANGHAE❤

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now