Chapter 59: Together

254 14 4
                                    

DON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE SOME FEEDBACK AFTER READING THIS CHAPTER.
____________________________________________________________

[Third Person's POV]

[BLAG!!!]

"ALLY!!"

"What?" Malamig ang tinig na tanong nito sa babaeng padabog na binuksan ang pinto nang kanyang office.

"Anong What?! Hoy!! Yung mga anak natin nanganganib ang buhay ngayon!! Ano?! Wala kang gagawin?!" Nakabusangot ang mukhang sabi nang babae kay Ally.

"Mukha ba 'kong may magagawa?" Walang ganang sagot nito sa babaeng kausap niya dahilan para mapasapo sa noo ang babaeng kausap niya.

"Jusmiyo!! Kung wala kang gagawin.. Pwes ako meron!!" Pasigaw na sambit pa nito.

"Tss.. Sige.. Ano sa tingin mo ang magagawa mo?" Seryosong tanong nito at natigilan naman bigla ang babaeng kausap niya kaya napangisi siya nang bahagya sa naging reaksyon nito. "See? Kagaya ko, wala ka ring magagawa.. Kusang sumali ang anak mo sa gulong 'yon kaya naman hindi siya makakatakas doon not unless..." Pambibitin ni Ally sa kanyang sasabihin.

"Unless what?" Nakataas ang isang kilay na tanong nang babae kay Ally.

"Not unless mapatay niya ang dapat patayin nang sa ganon ay tuluyan siyang makatakas sa laro nang kamatayan." Ani Ally dahilan para matahimik ang babaeng kausap niya.

"Hindi nila kailangan pumatay Ally.. Alam kong alam mo yan." Sabi nang isang tinig nang lalaki.

"Tyronne." Nakangiting sambit ni Ally.

"Kilala ko ang anak mo Tyronne... I know what he's capable of.." Seryosong sambit nang babae kay Tyronne.

"Tss.. Huwag kang magsalita na parang hindi mo siya anak Hyries.." Pagpapaalala ni Tyronne sa babaeng nagnga-ngalang Hyries.

"Tsk.. Tinanggalan mo nga ako nang karapatan na maging Ina sa kanya diba?! So what are you expecting me to say?!" Galit na sambit ni Hyries kay Tyronne.

"Just shut up or else.." Tila nauubusan nang pasensyang sabi ni Tyronne.

"Or else what?!" Nanghahamon na sagot ni Hyries kay Tyronne.

"Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo.. Well magugustuhan mo rin naman for sure.." Nakangising aniya dahilan para pamulahan nang pisngi si Hyries.

"Enough.. Hindi ito ang tamang oras para mag-away kayong dalawa.. Sa ngayon kailangan nating gumawa nang paraan para mailigtas natin sa kapahamakan ang ilan sa mga estudyante nang M.U." Seryosong sambit pa ni Ally.

"Teka lang.. Nasaan nga pala sina Sandra?" Tanong ni Hyries.

"Nasa party sila ngayon para tulungan ang mga bata na makalabas ng buhay sa nalalapit nilang kamatayan." Sagot ni Ally. "Hindi dapat sila pumunta doon." Tila namomroblema pang dagdag ni Ally.

"Bakit?" Tanong ni Hyries.

"Dahil ang party na 'yon ay pakana nang killer.. At alam kong ang party na 'yon ay para kay Hannah." Ani Ally.

"Kumikilos na pala si Abraxas.." Biglang sambit ni Tyronne dahilan para kumunot ang noo ni Hyries.

"Sunod ka kasi nang sunod kay Chairman kaya naman nasa panganib ngayon ang buhay nang anak natin!!" Galit na sambit pa ni Hyries dito.

"Tss... Nagsalita ang hindi... Alam mo na naman na kaya ko siya sinusunod dahil binabantaan niya ako na papatayin niya ang anak natin m-maging ikaw!!" Sabi ni Tyronne at umiwas nang tingin kay Hyries.

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now