Chapter 8

241 27 5
                                    

A/N : Sorry po sa matagal na pag-update. It's been 4 days nung nakapag-update ako. Sorry talaga, nagwatch pa kase ako ng Hwarang eh. Bukas ko na tatapusin 'yon. Finocus ko pa kasi sa pagwatch. Hehehe kaway-kaway sa mga mahilig manuod ng Korean Dramas.

Chapter 8 - Him

MAY NAKABANGGAAN akong isang lalake. Iniabot niya ang kamay niya sa kamay ko at inabot ko naman ang kamay ko. Nang nakita ko ang mukha niya, biglang nanumbalik lahat ng alala. Lahat ng nangyari saakin nung gabing nasa delikado ang situation ko.

Siya.

Siya ang tumulong saakin.

Ang pumatay sa lalakeng nagtangkang patayin ako.

"Ayos ka lang ba, Miss?" Itinayo niya ako.

"Oo." tipid kong sagot. Nakatingin lang ako sa kanya at siya nama'y nakatingin sa mata ko. Iniwas niya agad ang tingin niya saakin at tumalikod. Naglakad siya papasok sa classroom.

"Salamat." Napahinto siya sa paglalakad at inilingon ang ulo niya sa gilid. Naglakad na siya ng tuluyan at hindi man lang pinansin ang pasalamat ko. Sino siya? Ba't niya ako niligtas nung gabing iyon? Tumungo nalang ako saaking upuan at saktong nadatnan ko si Christine na nag-aaral sa lamesa. Ako naman ay nakatingin sa lalakeng nakabanggaan ko.

"Huy! Ba't ang lagkit ng tingin mo kay Mr. Pres?" pagbasag ng katahimikan ni Christine.

"Mr. Pres? President siya ng Student Council?" tanong ko sa kanya.

"Oo, siya si Theo Salvatore. Tahimik lang siya. Mukha ngang walang kaibigan eh. Napakaseryoso ng mukha niya. Di yata marunong ngumiti." tugon ni Christine.

Tinitigan ko ulit siya. Napakamisteryoso ng mukha niya. Seryoso ang mukha niya habang nagbabasa ng libro.

"Salamat, Theo." napabuntong hininga na lang ako sa kinauupuan ko.

---

Natapos na ako sa pag-aaral. Nakakatamad mag-basa. Kung wala sanang patayan at bloodarian chuchu, di sana ako nagpakahirap mag-aral ngayon. Nakakatanda. Tsk.

Tumayo na lang ako sa kinauupuan ko at tumungo sa labas ng classroom para magpahangin. Kasalukuyan akong nakatayo dito sa labas ng room katabi ang isang malaking kahoy na nasa kaliwa ko. Ang sarap ng simoy ng hangin at rinig ko pa ang huni ng ibon. Bigla kong napansin na may tumabi saaking kanan na nakatayo din.

"Ang ganda ng araw." Pinagmasdan niya ang langit. "Pati ang ulap na kay ganda nitong nasa tabi ko." H-ha? Binola pa ako? Sino to.

Papansin? Sino to.

"Anong pangalan mo binibini?" Sabi nung lalake bigla nalang sumulpot sa gilid ko.

"H-ha?" sabi ko.

"Sabi ko, anong pangalan ng magandang dilag na nasa harapan ko?" Sabi niya at umaktong tumingin sa mukha ko ng nakangiti ng normal lang. Di ko makakailang gwapo siya.

Gwapo siya ha pero hindi ko siya type. I-clear ko lang, baka ano yang mga iniisip niyo ngayon.

"Ak-ako?"

"Sino pa bang maganda na nasa harapan ko, binibini?" Sabi niya. Uminit bigla ang mukha ko na parang namumula. Anong nararamdaman ko? Ano ba 'to?

Mapambola. Gayahin niya lang ako dun sa mga ibang babaeng niloko at sinaktan. Binola-bola atsaka iiwan din naman. Tss. Ganyang galawan.

"Ah, teka. Balik lang muna ako sa classroom." pagtatakas ko sa kanya.

Tumalikod na ako at aaktong pupunta sa classroom, ngunit huli na ng malaman kong natapakan ko ang balat ng saging. Napahiga ako.

O to the M to the G. Mabubugok na ako.

"Ahhhhh!" Sigaw ko.

Napapikit ako sa mata ko. Mga ilang segundo din ang tagal no'n. Napansin kong hindi sumakit ang likod ko kaya napadilat ako ng aking mga mata. Pagdilat, malapit ang mga mukha saakin ng lalakeng katabi ko kanina.

"Ako si Julian, binibini. Ang iyong tagapagligtas." ngumiti siya.

Julian.

----

A/N : Hay salamat. Natapos din. Kumusta ang Chapter 8. Hehehe. Habang sinusulat ko ito, iniisip ko yung nasa Hwarang. Hahaha. Si Ah-ro, Sun Woo, atsaka si Ji Dwi. Hahaha 😁😂

Kung may nalilito, please comment para matulungan kita at para matulungan mo din ako. I need critiques din. Comment are highly appreciated.

A Vampire's Love #WattpadStoryAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon