A/N : Paki-play ang music na "Good Morning by Kassy" thanks.
CHAPTER 20 - My Night and Shining Armor
Hawak-hawak niya ang kamay ko. Tumatakbo kami papalabas ng Auditorium. Sa malamig at maginaw na gabi. Hawak-hawak ako ni Theo. Hindi ko alam ang gagawin ko. Tumitibok ang puso ko.
Bigla kaming napahinto.
"Bakit ka pa ba pumunta dito sa Vampire Academy! Bakit palagi mo nalang inilalagay ang sitwasyon mo sa delikado!"
Nakatingin lang ako sa mukha niya. Seryoso ang mukha nito. Bakas sa mukha niya ang pag-alala.
"Hindi ko alam ang pinasok ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko." napatingin ako sa mukha niya. Titig na titig ang mukha niya sa mukha ko.
Bigla niyang hinawakan ang mukha ko. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.
Tumibok ang puso ko. Ewan ko.
Magkalapit na ang mukha ko sa mukha niya. Nakita ko ang kanyang mga magagandang mata na parang nag-aalala saakin.
Nakita ko ang mga malalambot na labi.
Biglang tumibok ng todo todo ang puso ko sa di inaasahang pangyayari.
Hinalikan niya ako.
Ramdam ko ang napakalambot niyang labi. Hinalikan ko siya ng pabalik. Humiwalay na siya sa pagkakahalik.
"Huwag mo ng gagawin iyon muli." tugon niya at napatalikod na lang. Naglakad siya papalayo saakin.
My Night and Shining Armor.
___________ _________ ___
Bulong-bulungan pa din sa Bloodarian ang tungkol kahapon. Ngayon na din ako aalis sa Section Bloody. Napaka-awkward din ng nangyari kahapon. Hindi ako makatingin ng diretso kay Theo.
Bigla namang nagsalita si Mrs. Sanchez.
"Okay Class, so ngayon na magpapaalam yung mga natanggal sa Bloodarian. Pero bago natin simulan iyon, may mensahe ba kayo bago umalis?" ani ni Mrs. Sanchez.
Bigla akong nagtaas ng kamay at tumayo. "Ako po ma'am." bigla akong pumunta sa harapan ng klase. "Uhm, maraming salamat dahil may mga naging kaibigan ako dito. Maraming Salamat sa lahat." bigla na akong dumako sa upuan ko at kinuha ang bag. "Salamat. Aalis na ako."
Sa mga katagang iyon, wala man lang akong narinig na nagpaalam saakin. Maski sina Theo at Julian. Hindi sila makatingin saakin. Hindi ko pa din nakalimutan ang nangyari kahapon. Nang bigla akong halikan ni Theo.
Umalis na ako sa silid-aralan at agad tumungo sa nakatalagang section para saakin. Ang section twilight.
Naroon ang pumatay kay Christine. Ang huling salitang nabanggit ni Christine.
"Ng-nga pala. T-taga t-twilight s-sec-section ang gustong p-pumatay sa'yo. Sina ay s-sina--" agad siyang nawalan ng malay. Pumikit ang kanyang mukha.
Kailangan ko ng pumunta sa twilight. Nang makarating ako sa harapan ng Twilight. Pumasok na agad ako. Lahat ng mga estudyante ng Twilight Section ay tahimik habang nakatingin saakin. Hindi ko mawari kung anong ginagawa nila. Nakakapangilabot.
Papasok na agad ako ng bigla kong nakita kung ano ang nakasulat sa pisara nila. Napatakip ako ng bibig sa nakita ko.
Ang mukha ko na may nakavandal na "ako ay tao!".
Napatingin ako sa kanila. Uhaw na uhaw ang kanilang mga mukha. At sa bawat lamesa nila..
May iba't-ibang kutsilyo at gamit pangpatay.
Itutuloy....
BINABASA MO ANG
A Vampire's Love #WattpadStoryAwards2018
مصاص دماءHighest Ranking : #88 in Vampire "Hindi, hindi pwedeng maging tayo. Bampira ako at ika'y tao. Tayong dalawa ay hindi itinadhana sa isa't-isa dahil magkaiba ang ating mundo." Started : April 23, 2017 Ended : -- cover by @abdiel_25