Chapter 12

202 21 3
                                    

Jane's POV - Allison

Kwintas na may nakasulat na Allison?

Sino ang lalakeng nagligtas saakin? Hindi ko naaninag ang mukha niya dahil umalis na lang siya bigla. Allison. Sino si Allison?

"Hoy Jane!" napalingon ako kay Christine. "Kanina pa kita tinatawag, hindi ka lumilingon. May iniisip ka ba? O ayaw mo na akong maging kaibigan dahil hindi ko kayo nailigtas kahapon?" sabi niya sabay paiyak-iyak pa.

"Allison.." hina kong sabi.

"Huh? Sino si Allison?" sabi ni Christine saakin.

"Hindi. Naiwan kasi nung lalakeng lumigtas saakin yung kwintas na ito na may nakasulat na Allison." sabay pakita sa kwintas. "Hanapin natin siya." dagdag ko pa.

"Oh, geh. Ikaw bahala." sabi niya.

***

Theo's POV

Pumunta na ako sa silid-aralan. Kinuha ko ang notebook na nasa bag ko. Nandoon kasi ang mga reports at projects para sa school eh. Nandito din sa notebook ang mga kailangan naming gawin sa room. Balak kong ibigay 'to kay Jane kasi siya ang Secretary ng room namin.

Maglalakad na sana ako ng wala akong maramdaman sa leeg ko.

Hinawakan ko ito.

Nawawala ang kwintas . Ang pinakamamahal at pinakaiingatan na kwintas.

Hindi ako mapakali. Inilibot ko ang tingin ko sa ibaba. Sa ilalim ng mga upuan at lamesa. Asan na ang kwintas.

Bigla ko namang nakita si Julian. Ang President ng klase. Nilapitan ko nalang siya.

"Julian. Basahin niyo nalang ni Jane yung nandito. Nandito na lahat ng mga gagawin natin for this year. Sorry, pero hindi ko na kayo masasalihan. May hahanapin pa ako." umalis na ako sa harapan ni Julian.

Nasaan na ang kwintas.

Ang kwintas ni Allison.

****

Jane's POV

Paano ko ba mahahanap ang tagapagligtas ko. Curiousity kills me talaga.

Napagtanung-tanungan na namin ang ilan sa mga tao sa campus, pero wala masking isa ang nahanap namin.

"Jane, si Julian oh. Papalakad sa direksyon natin. Ang hot niya talaga." ani ni Christine na nakaturo kay Julian.

Napalingon naman ako kay Julian. Papalakad nga siya sa direksyon namin. Nang nakarating na siya saamin, nagsalita siya.

"Jane, basahin mo 'to. Eto na yung gagawin natin for this school year sa Section Bloody. Okay?" sabi niya.

"Sige." sabi ko.

"If you have ideas, magsulat ka na lang diyan sa notebook okay?" sabi ni Julian.

"Okay."

Atsaka kumindat. Tss

Umalis na siya sa harapan namin.

"Ang gwapo talaga ni fafa Julian." sabi ni Christine. "Sige, punta muna ako sa dorm ko. Ikaw din." sabi niya.

"Sige."

Pumunta na ako sa dorm ko sa room 143. Nadatnan ko naman si Alexa na nag-aaral. Ang sipag ah.

"Alexa, gawan mo naman ako ng bacon." sabi ko.

Bigla naman niyang tinaas ang kanyang kanang kanan at lumabas sa kanyng kamay ang bacon. Kinuha ko na ito at pumunta na sa table ko.

Hayss. Mabasa nga tong librong binigay ni Julian. Binuksan ko ito, nakita ko naman ang iba't ibang magagandang idea na nakasulat dito. Mag pa bloody party kaya tayo? Tama. Baka maenjoy ang Bloodarians. Kaya isinulat ko na ang idea ko sa notebook. Nang natapos ako sa pagbabasa, tinignan ko muna ang notebook ni Julian. Ano kaya nandito? Baka may sulat ng crush niya. Bwahaha. Humanda ka Julian.

Nang nakita ko na ang end page ng notebook, nakita ko ang pangalang familliar.

Allison.

Ay, coincidence?

Sino nga ba si Allison? Nag-isip2 ako sa utak ko. Sino nga ba siya?

Nang napagtanto ko na kung sino si Allison. Nagulat ako.

Maari kayang si Julian ang tagapagligtas ko? Ang Mr. Mambobola ay si Mr. Tagapagligtas?

Itutuloy...

A Vampire's Love #WattpadStoryAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon