Chapter 10

241 24 9
                                    

Jane's POV - Mr Mambobola

DALAWANG lalake ang nasa harapan ko ngayon. Nasa isang garden kami kung saan ang payapa at ang tahimik. Hindi ko pa nakita ang lugar na ito dito sa Campus, may ganito pala? Nasa harapan ko si Julian at Theo. Nakaseryosong mukha naman si Theo habang si Julian ay nakangiti. Magkaiba silang dalawa. Kabaliktaran ang ugali kung ipaghahambing sila sa isa't-isa.

"Okay, so anong gagawin natin ngayon?" sabi ko sa kanilang dalawa. "Tutunganga nalang tayo dito, ganon?" sabi ko.

"Mag-antay ka lang, nag-iisip pa ako." sabi ni Julian na nakangiti pa ring nakatitig saakin.

"Anong may iniisip? Nakatitig ka nga saakin at nakangiti? Ano yon?" Iniwasan ko siya ng tingin.

"Ang ganda mo kase eh. Nagkakaroon ako ng inspirasyon kapag nakikita ko ang napakaganda mong mukha?" sabi niya.

Tsss. Mr. Mapambola. Kapag nafall ako, goodbye na. Kaya wag magpakatanga. Tularan si ako.

Napatingin ako sa kanya. Mr. Mambobola talaga. Napanganga lang ako sa sinabi niya at di ako makapagsalita.

"Ano? Naniwala ka naman?" sabi ni Julian na nakasmirk pa.

Ewww! Bitches! Nakakairita tong lalakeng 'to. Ang hilig magsmirk. Patayin ko 'to eh. Patayin ko tong bampirang ito.

"Loko ka. Mag-isip ka na jan! Wag mo kong ma-ano." sigaw ko sa kanya.

I rolled my eyes and iniwasan ko siya ng tingin. Nakita ko naman sa pheriperal vision ko na nakangiti lang ang loko. What da!? Ang saya na niya no'n?

"Mini Olympics." sambit ni Theo. Napatingin naman ako kasi nagsalita na siya. "Mini Olympics sa Section Bloody. Para magkaroon naman ng enjoyment ang mga kaklase natin." dagdag pa niya.

"Good idea." sambit ko.

Kung hindi lang sana ako naging Secretary! Hindi sana ako nagpapakahirap sa ganito. Nag cr lang ako, nalaman ko nalang ninominate pala ako ni Julian tsaka nagtaasan na ng kamay yung iba. You know, the power of Mr. Mambobola Julian Perez.

Biglang tumayo si Theo. "I need to go. Mag mimeeting pa kami ng officers ng SSG."

Ah, oo nga pala. President nga pala siya ng SSG. Ang galing niya. President siya sa buong Vampire Academy atsaka Vice President siya ng klase.

"Sige." tugon ni Julian. Umalis na agad si Theo at kaming dalawa nalang ni Julian ang nandito sa hardin. Nung umalis si Theo, biglang sinapian ng kung ano si Julian. Bigla naman siyang ngumiti.

"Hoy! Bat ka nakangiti. Anong balak mo!?" sabi ko.

Baka siya na yung papatay saakin. Baka may kapangyarihan siya ng katulad kay Christine na nakakaalam ng tao? Nanginginig na ang buong katawan ko.

"HAHAHAHA!" tumawa siya ng malakas. "Ang dali mo namang kabahan." tugon ni Julian.

Napahinga ako ng malalim. Anong meron sa Julian na ito at may kakaibang awra?

"Bukas nalang natin 'to ipagpatuloy." Tumayo na ako sa aking kinauupuan. Gosh. Ang awkward. Tumalikod na ako sa kanya. Naglakad na ako papalayo sa kanya.

Papalabas na sana ako ng hardin ng biglang may humatak sa braso ko. Napaharap ako sa kung sino ang humatak saakin. Nakita ko ang mukha ni Julian. Seryoso siya. Hawak niya ang kaliwa at kanan kong braso. Inilapit niya ang kanyang mukha. Inilapit pa niya ito ng dahan-dahan. At nagdampo ang aming mga labi.

Hinalikan niya ako.

Itutuloy.....

---

A/N : Hay salamat. Thank you talaga sa suporta. Dahil sa pagsupport niyo, nag-rank #138 tong A Vampire's Love ngayon lang. Thank you po talaga. And keep on commenting and voting. Btw, while I write this chapter, nakikinig ako sa mga OST ng Hwarang. Hehehe 😁

Atsaka 'yon! First kiss ni Jane. Hehehe. Im not good at writing something about kiss. Hahaha. But just follow the flow of the story. Ang taas ng Author's Note ko. Atsaka this day ko na ring natapos ang LOTBS sa computer. Thank you readers. *harthart*

A Vampire's Love #WattpadStoryAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon