Chapter 21

262 14 7
                                    

CHAPTER 21 - Naglaho

Nakaharap ako ngayon sa Twilight Section kung saan uhaw na uhaw ang kanilang mata at nakatingin saakin. Saka ko naalala na hindi na pala ako Bloodarian kaya pwede na nila akong saktan. Wala ng magpoprotekta saakin.

May isang babaeng lumapit saakin.

"Ako ang pumatay sa kaibigan mo, si Christine." ngumiti siya atsaka tumalikod saakin.

Hindi ko napigilan na hawakan siya at ihinarap ko saakin. Naramdaman naman niya ang kamay ko na lumalagpak sa kanyang mukha. Sinampal ko siya.

"Anong karapatan mong pumatay ng tao! Anong pakealam mo sa buhay niya at buhay namin! Wala kang konsensya!"

Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa ngayon sa harapan nila. Ayoko maging mahina sa harapan nila.

"Ako? Anong karapatan mong sampalin ako! Hoy! Wag kang magreyna-reynahan dito! Dahil nandito ka na sa teritoryo namin! Teritoryo ng mga mamamatay tao!"

"Isusumbong ko kayo kay Mr. Pres!" yan na lamang ang lumabas saaking bibig at agad akong tumalikod sa kanila. Agad din naman akong hinila ng babae.

"Baka nakakalimutan mo, wala kang ebidensya. Atsaka isang hakbang mo lang, papatayin ka na namin. Baka nakakalimutan mo, tao ka at walang kapangyarihan." sabi niya.

"Patayin niyo nalang akoooo!" napasigaw nalang ako sa sobrang inis. Bakit ba pumayag si Mommy na dito ako mag-aral. Wala ba siyang alam sa nangyayari dito? Nakakainis! Hindi ko rin masisisi si Mommy dahil unang-una, ako ang nagrequest.

"Opps. Bago ka namin papatayin, pahihirapan ka muna namin. Pumasok ka sa paaralang ito, harapin mo ang responsibilidad na pinasok mo." bigla siyang nagback out.

Lumabas ako ng classroom.

Bukas nalang ako papasok, hindi ko pa kaya ngayon. Umiiyak ako habang naglalakad dito patungong dormitoryo, ngunit napagpasyahan ko na umupo nalang sa isang upuan. Doon ko ibinuhos ang iyak ko. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa mawala ang luha na nasa mata ko. Ayoko na dito. Gusto ko ng lumabas.

Nakita ko na may kamay sa bandang gilid ko. Kamay na hawak-hawak ang isang panyo. Napagpasyahan kong si President Theo pala ang narito.

"Okay ka lang ba?" tanong niya.

"Oo." tipid kong sagot sa kanya.

"Iiyak mo lang 'yan. Hanggang sa mawala na ang sakit na nararamdaman mo." tugon niya.

"Salamat."

"Maiwan na muna kita. Kailangan mo sigurong mapag-isa."

Agad na siyang umalis sa tabi ko. Ngunit napagdesisyonan kong bumalik nalang sa dormitoryo. Gusto ko sanang magpahinga.

Nang dumating na ako sa room 143, agad ko na itong binuksan. Nakita ko si Alexa na nakatayo habang hawak-hawak ang papel na hinahawakan niya. Umiiyak din siya habang nakatingin.

"Alexa, anong nangyari sa'yo?" tugon ko.

"Jane, paalam. Paalam Jane." umiiyak ang kanyang mukha. Napaatras siya atsaka napansin ko na lumalabas sa kamay niya ang iba't-ibang pagkain. Spaghetti, Cake, at kung ano-ano pa. Anong meron? "Jane, maraming salamat sa lahat. Maraming Salamat. Buti nakaibigan kita kahit sa huling pagkakataon. Jane, sorry." nanginginig ang kanyang boses habang seryosong nakatingin at umiiyak saakin.

Hindi ko maipaliwanag ang nangyayari.

Kaya yinakap ko siya. Hindi ko alam kung anong problema niya. Hanggang sa naramdaman ko na wala na akong nararamdaman sa pagyakap ko. Hanggang sa napagtanto kong unti-unting naglalaho ang katawan ni Alexa.

"A-anong nangyayari?" tanong ko na gulong-gulo pa din. Hindi siya sumasagot. Unti-unti ng naglalaho ang bandang mukha ni Alexa. "Alexaaa! Anong nangyayari sa'yo!" napasigaw ako dahil hindi ko alam ang nangyayari. Hanggang sa naglaho ang kanyang buong katawan. At napagtanto kong lumipad sa higaan ko ang kanyang hinahawakang papel. Kaya binasa ko ito.

Dear Jane,

Hindi mo siguro mawari kung anong nangyari saakin, kaya gumawa na ako nito para magbigay kaliwanagan sa lahat. Naglaho ako kasi oras ko na. Oras ko ng mamatay. Siguro nagtataka ka na bakit namatay ako eh sa mga libro immortal ang mga bampira at hindi namamatay. Ang totoo, may limitasyon kaming mga bampira. 1,000 years kaming mabubuhay sa mundong ito. Pagkatapos ng 1,000 years, dedu na kami. Sorry kung hindi ko nasabi ito sa'yo.

Atsaka nais kong ipaubaya ang matagal ko ng itinatagong kwintas. Nasa kabinet ko, tsaka nakalagay sa isang kahon. Isuot mo araw-araw, para yan sa proteksyon mo. Isang hawak lang nila, masasaktan na sila. Hindi ko alam kung sino ang totoong may ari niyan, gamitin mo lang.

Nagpapasalamat ako na naging kaibigan kita Jane. Maraming salamat.

-Alexa

Itutuloy...

A Vampire's Love #WattpadStoryAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon