Jane's POV - Sino ang Tagapagligtas ko?
Si Julian nga ba ang aking tagapagligtas? Paano? Bakit? Kailangan kong magpasalamat sa kanya dahil nandyan siya nung kailangan namin ng tulong. Halos mamatay na kami no'n. Nakaharap na ang baril saakin. Sa kanya ba talaga tong kwintas na may nakasulat na Allison? Sino si Allison? Bakit Allison ang nakasulat sa kwintas niya?
Biglang nagtext si Theo.
From : 09*********
May meeting tayo sa cafeteria. 3pm magkita tayo. With President Julian, You, and I.
May meeting kami with the Class Officers. Kailangan kong magpasalamat kay Julian. Kinuha ko na ang kwintas ni Julian na nasa bag ko at nagbihis na. Pagkatapos kong magbihis, agad akong pumunta sa may cafeteria. Nakita ko silang dalawa na magkaharap sa isang table. Mula sa kalayuan, tanaw ko ang kanilang mukha. Si Theo, gwapo sana pero Misteryoso. Si Julian, gwapo sana pero parang Playboy.
Tumungo na ako sa lamesa nila at umupo sa may gilid ni Theo. Kaharap namin si Julian ngayon. Nag-meeting kaagad kaming tatlo kung anong gagawin namin sa Klase. Isa na do'n ang party na nasa idea ko. Ang mas nakakaexciting pa, pinlano namin na gabi ito gaganapin para Vampire's Night talaga para sa buong Bloodarian. Pagkatapos idiniscuss ang lahat, nagorder si Theo ng pagkain. Bloody Cake. Ewness.
"Treat ko na kayo." sabi ni Theo saamin.
"Ayy! Wag. Kakakain lang namin ni Alexa kanina. Busog pa ako eh." pagsisinungaling ko para hindi makakain sa mga nakakadiring foods nila. Mwehehehe
"Ako din. Hindi pa ako gutom." sambit ni Julian na nakapout.
"Wag nalang tayong kumain." sabi niya na may misteryosong tingin. Ang seryoso naman niya, di ba siya marunong ngumiti o tumawa man lang?
"Theo, may joke ako." sabi ko sa kanya. Katabi ko siya kaya medyo lumingon ako ng pa-kaliwa.
Tumango naman siya.
"Joke, Joke, JOKEEE! Hahahaha!" Sigaw ko. Tumawa ako ng tumawa hanggang sa nakita ko si Theo na hindi tumatawa. Si Julian naman ay tumawa din.
"Hahahaha!" pagtawa ni Julian. Pero halatang pilit ang tawa niya.
Seryoso pa din ang mukha ni Theo. Hindi siya ngumiti kahit konti man lang. Aishh! 'tong lalakeng toh oh!
"Hoy, Theo. Supportahan mo si Jane. Tumawa ka diyan." sabi ni Julian kay Theo.
"Ha-ha-ha." sambit niya habang seryoso pa din ang mukha. Hay nako!
"Aishh! Itigil na natin 'to please? Nga pala Julian. Salamat sa pagligtas saakin nung nakaraang gabi. Salamat talaga." sabi ko.
Bigla namang napalingon si Theo saakin atsaka si Julian na parang inaalala ang lahat.
"Huh?" sabi ni julian.
"Salamat. Ibabalik ko na pala ang kwintas." kinuha ko ang kwintas na may nakasulat na Allison sa bulsa ko. "Ibabalik ko na 'to oh." sabay abot sa kanya.
"Teka. Hin--" naputol ang sinabi niya ng bigla akong magsalita
"Salamat talaga. Kung may gusto kang ipagawa saakin, iutos mo lang. Salamat talaga Julian. Sinagip mo ang buhay namin ni Alexa." sabi ko.
"Hind--" naputol na naman ang sinabi ni Julian ng may tumawag sa kanya sa likod.
Si Mrs. Sanchez pala.
"Julian, kakausapin muna kita. Tungkol sa Bloodarians." sabi ni Mrs.
"Sige Mrs. Oh, maiwan ko muna kayo ha?" paalam ni Julian saamin.
Umalis na siya sa table namin. Kami nalang ni Theo ang nandito ngayon. Doon ko naman napagtanto na naiwan pala ni Julian ang kwintas na may nakasulat na Allison.
"Ang kwintas ni Julian, naiwan niya." sabi ko. Kukunin ko na sana ito ng bigla akong pinigilan ni Theo.
"Wag, ako na magsosoli neto sa kanya." sabi ni Theo.
"Ahh sige." ani ko.
***
Theo's POV
Nagulat ako ng biglang inilabas ni Jane ang kwintas ni Allison. Nasa kanya pala ang hinahanap kong kwintas. Napakaimportante nito saakin. Isa itong kwintas na pinakaiingatan ko. Ang kwintas ng pinakaiingatan kong babae. Kailan kaya babalik si Allison?
Ang aking mahal.
Itutuloy....
___________ __ ______
A/N : Nakakaappreciate po talaga yung nagbabasa ng story ko hanggang sa kahuli-hulihan ng chapter nito. Atsaka sa mga naghihintay ng UD. Salamat sa inyo.
Btw, may hula na ba kayo kung kanino mapupunta si Jane? Kay Julian na Playboy o Theo na Misteryoso? Yaay.
#Janian
o
#Janeo
Ikaw aking mambabasa? Alin ang mas gusto mo? Misteryoso o playboy?
BINABASA MO ANG
A Vampire's Love #WattpadStoryAwards2018
VampirosHighest Ranking : #88 in Vampire "Hindi, hindi pwedeng maging tayo. Bampira ako at ika'y tao. Tayong dalawa ay hindi itinadhana sa isa't-isa dahil magkaiba ang ating mundo." Started : April 23, 2017 Ended : -- cover by @abdiel_25