Chapter 18

148 11 0
                                    

Sorry po kung nagiging madalas nalang ang pag-uud ko. Kase pasukan na eh. Kaya Sabado-Linggo nalang ako nag-uupdate. Busy kase eh. Wattpad is life but Education is lifer.

CHAPTER 18

Jane's POV - Ranking

Isang Linggo na ng mamatay si Christine. Walang balita sa kanya simula ng mamatay siya. Pumunta ako sa principal's office para i-report ang nangyari, ngunit pagbalik ko, wala na ang katawan ni Christine.

Nandito ako ngayon sa aking upuan. Wala akong katabi. Malungkot ako dahil wala na si Christine. Ayaw maniwala ni Mrs. Sanchez na patay na si Christine. Ang akala nila ay tumigil na sa pag-aaral si Christine. Kaya ako nalang mag-isa sa klaseng ito.

Biglang tumabi si President Julian saakin.

"Dito na muna ako Jane. Naniniwala ako sa'yo. Mahahanap din natin ang hustisya sa kaibigan mo." ani niya na may malungkot na boses.

"Salamat." tanging salita na lumabas sa bibig ko. "Labas lang muna ako."

Tumango naman siya. Agad na akong lumabas sa classroom at pumunta sa isang tahimik na lugar kung saan walang makakakita saakin.

Doon ko ibinuhos ang aking iyak.

Umiiyak lang ako ng umiiyak. Patuloy ang pag-agos ng luha ko. Wala na akong pakealam kung mapatay man ako ng mga bampira dito. Hindi ko na din inisip kung bakit ako pinayagan ng aking ina na makasalamuha ang mga bampira na maaring magdulot ng masama saakin.

Iniyak ko nalang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Bigla akong napalingon ng may panyo akong nakita sa gilid ko. Sa pagtingin ko, si SC President ang nakita kong gusto akong bigyan ng panyo.

"Andito lang ako." umupo siya sa tabi ko.

"Salamat Theo."

"Alam kong gusto mong mahanap ang hustisya para kay Christine. Kung gusto mo ng tulong, nandito lang ako." sabi niya.

"Diba President ka ng paaralang ito? Pwede mo namang mahanap kung sino ang pumatay kay Christine diba?" tanong ko habang tuloy pa rin ang pag-agos sa luha ko.

"Pwede kung may sapat tayong ebidensya. Pero sa ngayon, hindi ko pa alam kung paano bibigyan ang hustisya ng kaibigan mo." sabi niya.

Hindi nalang ako umimik.

------

CLASSROOM

"Okay class. So ngayon na natin malalaman kung sino ang mapapabilang sa Bloodarian ngayong second grading." ani ni Mrs. Sanchez.

Wala na akong pake kung hindi ako mapabilang sa Bloodarian. Possible ding hindi na ako mapabilang kase simula ng namatay si Christine, wala na ako sa katinuan ko. Hindi na ako nakafocus.

"Okay. So let's start for the Top 1." sabi ni Mrs. "Ang top 1 natin ay si Mr. Salvatore, Theo."

Agad naman silang nagpalakpakan.

"Ang top 2 natin ay si Perez, Julian." agad namang tumayo si Julian at kumakaway-kaway sa mga kaklase.

Agad niyang sinabi lahat. Hanggang sa pinakahulihan.

"At ang pinakahuling mapapabilang sa Bloodarian ay si Zennie Martinez."

Wala.

Wala ang pangalan ko.

Hindi ako napabilang.

Tanggal na ako sa Bloodarian.

"Sa mga hindi natawag, automatic na mapupunta kayo sa Twilight Section. Ibigay niyo na ang mga cord niyo saakin."

Tatlo kaming natanggal sa Bloodarian. Ako, si Christine, at yung isang kaklase namin.

Agad kong ibinigay ang cord ko. Napatingin naman saakin si Julian at Theo.

"Ay teka, since may party tayo, let's make it the farewell party para sa matatanggal." sabi ni Mrs. Sanchez.

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni Maam. Ang nasa isip ko lang, mapupunta ako sa Twilight Section. Ang section kung saan dito ko makikita ang pumatay kay Christine.

Ang huling salitang binanggit ni Christine.

Ang twilight section.

Itutuloy....

A Vampire's Love #WattpadStoryAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon