Chapter 4

292 36 15
                                    

Jane's POV - Dormitoryo

Ding. Dong.

Biglang tumunog ang bell senyas na para matapos ang lahat ng klase. Yes! Makakaalis na din ako. Ang creepy ng school na 'to, may nalalaman pang patayan. Napaisip tuloy ako, babalik pa kaya ako dito o tatransfer nalang ulit sa dati kong eskwelahan? Nakakapangilabot. Buong katawan ko ay pagod na, pati ang utak ko. Andami kong nalaman ngayon. Nakakastress.

Agad kong kinuha ang bag sa upuan. Kinuha din ni Christine ang sa kanya.

"Christine, sabay na tayong umuwi." sabi ko.

"Ano? Umuwi? Bawal na man lumabas dito eh. Once makapasok ka, hindi ka na makakaalis unless matatapos na ang school year na 'to." Nakakapagod. Andami pang salita ni Christine. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya.

"Sige, magkita nalang tayo bukas." Ani ko. Naglakad na ako papuntang Entrance Gate at don ko nakita si Manong Driver. Siya yung driver namin. Hindi ko lang maipaliwanag kung bakit mag dala-dala siyang bag. Lumayas ba sya. Tsk. Nakakapagod talaga.

"Oh, manong. Bakit may dala kang bag?" mahina kong sabi sa kanya.

"Mukhang pagod ka miss Jane ah. Eto pala yung pinadala ni Maam saakin. Sabi ng Mommy mo lahat ng nandito ay kumpleto na." Biglang umakyat ang dugo ko mula paa hanggang ulo. Bigla akong nabuhayan.

Wait ha? Anong pinadala? Wait.

"Ano? Paanong? Ano? Bakit? Sa school ako titira you mean? Hindi ko maintindihan manong. Kung prank lang 'to, please tigilan mo na. Nakita mo na ngang pagod na pagod na ako oh!" Irita kong sabi sa kanya. Etong si Manong, may oras pang magbiro.

Napaisip din ako sa sinabi ni Christine saakin kanina.

Once makapasok ka, hindi ka na makakaalis unless matatapos na ang school year na 'to.

O-M-G! Anong meron sa school na ito at tila parang pinaparusahan ako.

"Manong, please. Sabihin mong prank lang to. Pagod na pagod talaga ak--" hindi ko na naitapos ang pagsasalita ko ng bigla akong nahimatay.

**

Idinilat ko na ang mata ko. Nakita ko ang ilaw na nagmula sa bulb. May ilaw? Nasa langit na ba ako?

"Gising ka na." natingin ako bigla sa nagsalita. Nakasuot siya ng nurse attire.

Huh? Nasa hospital ba ako?

"Miss nurse, bakit ako nandito?" sabi ko naman.

"Nahimatay ka kase. Idinala ka ng kung sino dito. Bago ka yata dito? Nariyan ang mga bagahe mo sa gilid." Siguro si Manong Driver ang nagdala saakin rito. Mukhang hindi siya nagbibiro.

Tinignan ko ang nasa paligid at napagtanto ko kung nasaan ako.

Nasa clinic pala ako ng paaralan.

Itinuon ko ang pansin ko sa may orasan. Dako alas seis na ng gabi. Dito nga talaga ako matutulog buong school year.

"May tanong lang ako sa'yo." Sabi ni miss nurse.

Pumunta siya sa may pintuan at isinara ito. Ang mas nakakakilabot pa no'n, ini-lock niya ang pintuan. Bigla akong kinabahan at tila nagsimulang manlamig ang aking mga kamay.

"Tao ka ba? Nung chineck kasi kita kanina, ibang-iba ka eh." sabi niya.

"Shhhh miss.. Oo, tao po ako. Wag niyo pong ipagsabi kahit kanino. Nagmamakaawa po ako." pagmamakaawa ko.

"Don't worry. Mabait ako. Pero delekado ka rito." ani niya.

"Alam ko pong delekado na dito ako pumunta, pero ano po bang mangyayari saakin kapag nalaman nilang tao ako?" tanong ko.

"Mapapahamak ka. Ganito kase 'yon, nahahati sa dalawang grupo ang lahat ng bampira dito. Ang pangalan ng dalawang grupo ay Good Vampires and Bad Vampires. Kabilang ako sa Good Vampires kaya hindi kita kayang patayin. Kapag nalaman nila, papatayin ka nila at kakainin ang nasa loob mo. Ang dugo kase ng tao ay fresh kaya gano'n nalang. Kaya mas mabuting manahimik ka nalang." tanong niya.

Kinakabahan ako sa maaring mangyari lalo't na-corner na ako ng paaralang ito. Ayoko pang mamatay. Pinagsisihan ko ang pagtuklas ng mundo ng mga bampira.

"Ah, ganon po ba Miss? Ahm, miss. Maari na po ba akong pumunta sa dorm ko kung saan ako pansamantala titira?" tanong ko.

"Hindi pa maaari ngayon. Delekado. Magpalipas ka muna ng gabi. Teka, pupunta lang ako sa CR, naiihi ako eh. Dito ka lang." sabi ni Nurse.

Nang pumunta na si nurse sa CR, bigla kong kinuha lahat ng mga bagahe ko. Pasaway na kung pasaway pero ayokong magstay sa clinic. Nakita ko naman na may nakadikit sa bagahe ko.

Room 143, eto yung dorm mo Miss Jane. Sorry kung hindi na kita hinintay na magising. Be brave. -Manong Drayber

Agad na akong lumabas sa clinic at ang dilim-dilim ng paligid. Dala ko ang dalawang bagahe at isang bag. Nakakapangilabot kapag gabi, nakakatakot.

Nang narating ko ang lugar kung nasaan ang Room 143, agad kong binilisan ang paglalakad ko. Nakakatakot na talaga, bat walang ilaw. Kasalukuyang nasa room 134 ako.

.

.

135

.

.

136

.

.

.

137

.

.

.

Nang biglang may kumalabit saakin. Napaharap ako kung sino 'yon. May dala siyang kutsilyo at duguan ang kanyang kamay.

Nabigla ako.

Hindi ako makagalaw saaking kinatatayuan. Christine, tulong. Nakatitig pa din ako sa mukha niya. Yung mata niya, nanlilisik. Yung ID Cord ko, dapat kong ipakita.

Patay na ako. Huhuhu pleaseee wag po.

"It-t-to yu-yung cord ko. P-Pula." sambit ko.

"Wala akong pake kung Bloodarian ka! It's Vampire's War baby!" Sigaw niya ng may kasamang tawa. "bwahahahaha!"

Aakto na siyang patayin ako. Patay na ako. Ipinikit ko nalang ang mata ko.

Psk.

Narinig ko ang tilsik ng dugo at pagsaksak ng kutsilyo. Idinilat ko ang mata ko. Nakita kong natumba ang lalake. Inangat ko ang aking ulo at akala ko si Christine ang pumansak sa lalakeng 'yan. Pero iba.

Isang misteryosong lalake.

__________ ___ __

A/N : Hay, natapos na din ang Chapter 4. Nagustuhan niyo ba? Comment naman kayo oh.

A Vampire's Love #WattpadStoryAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon