CHAPTER 19
Jane's POV - Blood Cake
Nagbibihis na ako ngayon dito sa room ko para sa Farewell Party mamaya. Kasama ko si Alexa na nasa tabi ko.
"Ano? Tanggal ka na? Hindi pwede. Tao ka! Hindi ka pwedeng mamatay." sabi niya.
"Eto na ang nakatadhana saakin Alexa. Hayaan mo nalang. Hahanapin ko din naman yung pumatay kay Christine." sabi ko.
Makukuha ko ang hustisya.
"Ano? Bobo ka ba Jane? Hindi mo alam ang mukha nila pero sila alam na nila na tao ka." sabi niya.
"Hahanapin ko nga diba?" Agad kong inilapat ang lips stick ko sa lips ko.
"Kung sa paghanap mo, mas delekado Jane. Pagiging Bloodarian na nga ang liligtas sa'yo, papakawalan mo pa. Ba't ba kase pumayag Mommy mo na dito ka mag-aral." sabi niya.
"Alis na ako Alexa." sabi ko.
"Basta mag-iingat ka. Mag-enjoy ka na din, last mo ng maging Bloodarian." sabi niya.
"Sige." kinuha ko na ang bag ko.
----
AUDITORIUM
Pumasok na agad ako sa loob ng Auditorium. Sa pagpasok ko, nakita ko ang mga ilaw, dinig ko ang mga musika, at ang ambiance nito.
Naaalala ko pa na ako ang nagpropose ng event na 'to. Eto na ang huling pagkakataon kong maging Bloodarian.
May halong takot akong naramdaman. Hindi ko alam. May nararamdaman ako mali.
Inilakad ko nalang ang aking mga paa papunta sa backstage. Habang papalakad ako, nakita ko ang iba't ibang uri ng pagkain at inumin na dugo. Hindi ko pa din maiwasan ang mandiri. Hindi nalang ako kakain mamaya.
Pumunta na ako sa backstage. Nakita ko si President Julian at Vice President Theo.
"Oh, Jane. Nandito ka na pala." ani ni Julian.
"Okay ka lang ba Jane? Natanggal ka na sa Bloodarian. Pwede naman nating pakiusapan si Maam na mapasali ka sa Bloodarian." sabi ni Theo saakin na may sinseridad niyang pagkakasabi.
"Wag kayong mag-alala. Okay lang ako." sabi ko.
"Hali na kayo. Simulan na natin ang Party." sabi ni Julian.
Agad naming sinimulan ang Party. May tugtog pa. Una, nagsasayawan kami. Enjoy na enjoy naman ako dahil para akong baliw na sumasayaw. Sinabayan pa ako nila Julian at Theo. Ang sarap pala nila kasama kahit papaano.
Pagkatapos, may mga kumanta rin. Agad namang itinaas ang kamay ni President Julian.
"Pakantahin naman natin yung mga aalis na. Para mag-enjoy din sila." sigaw niya.
Agad namang naghiyawan ang buong Bloodarian.
Kaya napakanta ako ng di oras.
Kinanta ko ang Mahal ko o Mahal ako ni KZ Tandingan. Yun lang kase ang alam kong lyrics na kanta eh.
Nagsimula na akong kantahin ito.
Dalawa kayo sa buhay ko
At ako ngayon ay kailangan nang mamili
Isa lang ang maaari
Alam mong narito ako
Lagi para sa iyo
BINABASA MO ANG
A Vampire's Love #WattpadStoryAwards2018
VampireHighest Ranking : #88 in Vampire "Hindi, hindi pwedeng maging tayo. Bampira ako at ika'y tao. Tayong dalawa ay hindi itinadhana sa isa't-isa dahil magkaiba ang ating mundo." Started : April 23, 2017 Ended : -- cover by @abdiel_25