Chapter 17

191 16 23
                                    

A/N : This will be one of the best chapter sa AVL. Lalo't dinidedicate ko itong chapter sa bestfriend ni Jane na si Christine.

P.S Paki-ready po ang music na "Ailee - I Will Go To You Like The First Snow". Search niyo po sa Youtube. Once I said, play the music. Iplay niyo po habang binabasa ang Scene.

CHAPTER 17 - Christine

Kasalukuyan akong tumatakbo papuntang Lumang White Builing kung saan nandoon si Christine. Hindi ko inaasahan ang ganitong pangyayari.

Hindi ko inaasahan na madadamay pa ang kaibigan kong tumulong saakin sa panahong kinakailagan ko ng tulong. Kaibigan ko siya. Mahal na mahal ko ang aking kaibigan.

Narating ko na ang Lumang White Building. Wala masyadong tao rito kasi luma na nga ang Building. Medyo nakakatakot pa rito.

Tapang kong pinasok ang White Building. Madilim ang kapaligiran. Nakakatakot. Nasaan ka na Christine, aking kaibigan. Bakit pa ba nangyayari ang ganito.

Lumakad ako ng dahan-dahan sa hallway ng building na ito. Sa dulo, may hagdanan na pakaliwa at pakanan. Dumaan nalang ako sa kanan.

Umakyat na ako. Ngunit napatigil ako ng makita ko ang kumikinang na singsing. Ang singsing na palaging sinusuot ni Christine.

Sa puntong 'yon, kinakabahan na ako ng maigi. Dug-dog-dug-dog, sabi ng puso ko. Nasaan ka ba Christine? Saan ka na?

Nang dahil saakin, napahamak siya. Bakit di pa ako kunin nila? Kasalukuyan ako nasa second floor ngayon at may nadinig akong isang sigaw na nagmumula sa isang room.

"Ahhhh!" Bigla akong kinilabutan. Dahil ang sigaw na iyon ang boses ni Christine. Boses ng bestfriend kong napahamak ng dahil saakin. Agad akong pumunta doon.

Tinanaw ko ang loob ng room sa pamamagitan ng pagtingin mula sa bintana. Nakita ko si Christine na nakatali sa isang upuan at dugong-dugo ang kanyang mukha. Nakakaawa ang mukha niya. Nakita ko ang isang babaeng nakamask at isang lalakeng nakamask din. Silang dalawa ay may hawak na baril.

Bloodarian si Christine, hindi siya pwedeng patayin! Naaawa ako sa mukha niya ng titigan ko ito.

"Hindi ka ba magsasalita kung sino ang hampas lupang taong iyon!" sigaw ng babae at hinampas niya ang kanyang kamay sa mukha ni Christine.

"Kahit anong pilit niyo, hinding-hindi ako magsasalita! Hinding-hindi niyo siya mahahanap!" sigaw ni Christine.

Naaawa ako sa kanya. Gusto ko siyang puntahan. Ngunit baka sa isang hakbang ko, barilin na niya kaming dalawa. Sana ako nalang ang nasa sitwasyon niya ngayon.

Naisip ko din, kung hindi ako pupunta sa kanila, baka si Christine ang unang patayin. Mas mabuti nalang na ako ang mamatay keysa siya.

Ako ang pumasok sa mundo nila. Ako ang nagdala ng malas sa buhay ni Christine. Siguro oras na para tapusin ko ang buhay ko rito.

Bigla akong tumayo at pumasok sa room. Tapang akong sumigaw sa dalawang bobo na ito.

"Ako ba ang hinahanap niyo? Tss. Baka nakakalimutan niyo, Bloodarian kami! Bawal niyo kaming patayin lalo't hindi pa Vampire's War ngayon." sigaw ko sa kanila. Bigla silang nabigla sa sinabi ko.

"Hindi mo naman nakita ang pagmumukha namin eh. Hindi mo kami kilala. Ang babaeng ito lang ang kilala kung sino kami. Kaya oras na para patayin ang babaeng 'to. Para hindi na din kami maidentify." sabi ng babae. Itinutok niya ang baril sa ulo ni Christine.

Bigla akong napaabante sa ginawa niya. "Huwag!" sigaw ko. "Ako ang kailangan niyo diba? Wag niyo siyang patayin, ako nalang."

"Hindi pwede. Pinasok mo ang mundong 'to kaya magdusa ka! Papahirapan ka pa namin!" sabi ng lalake.

Tinignan ko si Christine. Balot ng pag-aalala ang kanyang mukha. Ang inosente niyang mukha.

"Hindi niyo ako papatayin!? Pwes, ako ang papatay sa sarili ko!" sabi ko sa kanila. Umabante ako. Inilakad ko ang paa ko patungo sa kanila. Habang sila naman ay paatras ng paatras.

"Anong gagawin mo! Isang hakbang mo lang, ipapaputok ko ang baril na ito sa kaibigan mo." sabi ng babae.

Bigla akong napahinto sa sinabi niya. Isang hakbang ko lang, mapuputukan na ang kaibigan kong si Christine.

Anong gagawin ko?

"Sige! Barilin niyo nalang ako. Basta wag niyong pahirapan at saktang si Jane." nagsalita na si Christine. Umiiyak siya.

"Howwww. Siya na nagwish oh? Papatayin ko na ba siya o hindi?" sabi ng babaeng naka-mask.

"Christine, wag mong gawin 'to." ang tanging salita na lumabas sa bibig ko. Bigla akong kinabahan sa maaring mangyari ngayon.

"Jane, wag kang matakot. Isipin mo nalang na hindi mo ako nakilala, paalam Jane." sabi ni Christine na bakas sa kanyang boses ang lungkot.

"Oww. Patayin ko na siya ha?" Agad niyang itinutok sa puso ni Christine ang baril. "Ang drama niyo naman. Sa puso ko nalang 'to barilin dahil nakakaiyak kayo." sabi niya.

Sa oras na 'yon, hindi na ako nakapagtimpi na.

"Oras na barilin mo si Christine, makikita mo kung sino ang kinalaban mo!" nag-aapoy kong sabi sa kanya. Ang mukha ko ay balot na balot na ng galit at inis.

"Aww. Takot ako. Takot ako." sabi ng babae ng nag bleee pa saakin.

Oh what a bitch!

Bigla akong tumakbo papunta sa kanila upang agawin ang baril, ngunit sa pagtakbo ko, narinig ko ang pinakakatakutan ko. Ang tunog ng isang baril.

"Boom!"

Napatigil ako nang narinig 'yon. Napalingon ako kay Christine. Lumabas ang dugo sa kanyang katawan pati na rin sa bibig. Hindi ako makagalaw sa oras na iyon.

Titig na titig lang ako sa mukha ni Christine. Habang ang dalawang nakamask ay biglang tumakbo papalabas ng room. Ngayon, kaming dalawa nalang ni Christine ang nasa room.

[Play the music right now. I will go to you like the first snow by Ailee]

Agad akong pumunta sa kanya. Tinanggal ko ang pagkakatali niya.

"Chr-Christine. Christine." sabi ko sa kanya.

Tumingin siya saakin.

"Patawad Christine! Patawad." bigla akong napaluha. Patawad Christine! Patawad. "Wag kang bibitaw please. Dadalhin kita sa hospital. Please Christine! Please!"

Lumuha din ang mata niya kasabay ng pag-agos ng dugo sa bibig niya. Please Christine, wag kang bibitaw. Please. Lakasan mo ang loob mo.

"J-Ja-jane! Ik-kaw ang nagi-naging una k-kong b-best-friend. Ma-mahal kita b-bilang kaibigan." sinubukan niyang magsalita.

"Christine! Wag. Singsing mo 'to diba. Sa'yo to? Wag muna." pinikita ko ang kwintas na nakita ko kanina. Agad ko itong sinuot sa daliri niya ngunit tinanggal niya ito at inilagay sa kamay ko.

"S-sa-yo nato." Isinarado niya ang aking kamay. "I-to ang tan-da ng p-pagkakaibigan n-natin. 'Wag m-mokong ka-limutan." sabi niya.

"Sige Christine! Sige." Patuloy ang pag-agos ng luha ko saakin mukha.

"Ng-nga pala. T-taga t-twilight s-sec-section ang gustong p-pumatay sa'yo. Sila ay s-sina--" agad siyang nawalan ng malay. Pumikit ang kanyang mukha.

"Christine? Christine? Christineee!" umiyak ako ng umiyak.

Namatay ang bestfriend ko dahil sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Itutuloy...

__________________ ______ ______

Any comments po? Hehe. Sorry. Sadlayp po talaga. Nakatadhana na po 'yan kay Christine. Sorry. Comment naman po kayo, lalo na yung mga silent readers. Anong masasabi niyo sa scene? Sabayin niyo na din ng vote. *hart*

Btw, tapos ko na din panoorin ang Goblin. Ganda ng story, dabest.

A Vampire's Love #WattpadStoryAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon