Chapter 3

307 37 10
                                    

Jane's POV - Kapangyarihan

Nakarating na kami sa room namin. Tila kinakabahan pa rin ako sa kung anong mangyayari. Paanong?

Nasa tabi ko si Christine kung saan nagbabasa ng libro. Hindi ako mapakali kaya tinanong ko nalang siya. Inilapit ko ang mukha ko at bumulong sa kanya.

"Christine, may tanong ako." bulong ko sa kanya.

"Tungkol kanina? Alam ko. Yun ang kapangyarihan ko. Lahat ng bampira dito ay may kani-kaniyang kapangyarihan. At ang kapangyarihan ko ay ang maka-identify ng tao at bampira." sagot niya saakin ng hindi man lang tumitingin.

"Ah eh, ako lang ba ang tao dito?" tanong ko nanaman.

"Dalawa kayo. Dalawa kayong tao dito sa Vampire Academy. Nga pala, mag-ingat ka. Baka may kaparehas akong kapangyarihan at baka malagay sa panganib ang buhay mo." Sabi niya. Dalawa kami? Sino kaya yung isa.

"Maari ko bang malaman kung sino yung isa?" tanong ko ulit.

"Hindi maaari. Pag naging magkaibigan kayo, mas lalong delikado." Sabi niya at umaktong tumingin saakin.

Bumalik naman ako sa aking pagkakaupo at tila balisa pa rin ako sa mga nangyayari. Kaya inusisa ko nalang yung loob ng bag ko at humanap ng librong maaring basahin. Nakakabored kasi.

Nagbasa ako ng ilang minuto pero bored pa rin ako. Kaya nang natapos ng magbasa si Christine, tinanong ko ulit siya.

"Christine, pakilala mo naman ako sa mga kaibigan mo oh." Sabi ko sa kanya.

"Wala akong kaibigan. Ikaw pa lang ang naging kaibigan ko." sabi niya.

Really? Lonely pala 'tong si Christine, e.

"Ako pa lang? Pero bakit?" tanong ko. Seryoso ang kanyang mukha.

"Lahat ng nandito ay may tinatagong sekreto. Kaya hindi ako maaring magtiwala sa kanila ng ganon ganon lang."

"Ba't ako pinanilwalaan mo agad? Di mo pa ako kilala?" sabi ko kay Christine.

"Kase nakikita ko ang pagka-inosente mo sa lahat ng bagay and besides alam ko na ang sekreto mo." Sabi niya.

"Ikaw ba? May sekreto ka ba?"

Hindi siya sumagot sa tanong ko. Bigla siyang tumahimik. Baka personal matter lang yon.

Ang boring naman. Kaya lumabas agad ako ng room. Nagpaalam naman ako kay Christine.

Nasa labas na ako. Ang ganda ng simoy ng hangin. Ang ganda ng buong kapaligiran. Ang ganda ng mga nagtataasang buildings. Napaisip tuloy ako bigla, dapat ko bang pagsisihan ang pananatili ko dito o mas ikakasaya ko pa? First day ko palang dito pero marami na akong nalalaman.

Naglalakad ako dito ng may naramdaman ako maling aura sa likod ko. Feel ko yata may sasaksak na sa likod ko. Kaya tinignan ko ito at lumingon.

Tama nga ako.

Nabigla ako. May lalake ngang gusto ako saksakin. Biglang nabigla yung lalake at tumititig lang sa ID cord ko.

"Ang r-r-re-ed cord. Na-nagkamali ako." iika niyang sagot. Napansin ko din na iba yung chord ko sa kanya. Red yung akin habang sa kanya ay black.

"Tao ka! Tao ka! Hindi maaari! Hind--" naputol yung sinabi niya ng biglang may sumaksak sa likod niya. At nakita kong si Christine ang sumaksak sa kanya.

"Bakit mo siya sinaksak!" bigla kong tanong.

"Alam niya na ang sekreto mo. Isa siya sa mga kaparehas kong kapangyarihan. Ang makakilala ng tao at bampira. Kaya dapat doble ingat ka ngayon. Maraming nagmamasid." sabi niya.

"Bakit hindi niya ako pinatay ng tuluyan?" tanong ko naman.

"Because of your red cord. Red cord means Bloodarian. The special section. They can't kill you but we can kill them." sabi niya.

"Baka mareport ka, Christine." sabi ko.

"I will repeat, They can't kill us but we can kill them. We have the authority." napanganga nalang ako sa lahat ng sinabi niya. Lucky pala nga ako dahil naging Bloodarian ako.

Pero bakit ba ako naging Bloodarian agad? Wala akong kaalam-alam. Si Mommy lang ang may alam nito. Nalilito na ako. Kailangan ko ng mga kasagutan sa mga tanong ko.

_________ _____ ___

A/N : Hello! Chapter 3 na pero wala pa ring read. Huhuhu. Nakakaiyak. But tuloy niyo lang ang pagbabasa ha? Salamat.

A Vampire's Love #WattpadStoryAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon