Chapter 2

398 41 21
                                    

Jane's POV - Vampire Academy

Bakas saaking mukha ang pagkasabik na nakapasok na ako sa mundo ng mga bampira. Nasa harapan ako ng Vampire Academy kung saan tanaw ko na ang napaka-higanteng entrance gate nila. Ang laki naman ng gate nila, mas malaki pa sa bahay namin. Lumakad na ako papunta sa may guard para makapasok na din ako. Ipinakita ko ang ID Card ko na ibinigay pa saakin ni Mommy. Agad naman akong pinapasok ni manong guard.

Pagkapasok ko, bigla akong napanganga sa nakita ko. Is this really a school? Ang tataas ng buildings, may kalsada pa. Is this a school or a city. Baka city lang talaga to? Pero hindi ko din masasabing city dahil sa gitna na building may nakalagay na 'Vampire Academy'. Paaralan nga ang napakalaking lugar na ito.

Agad ko ng inilakad ang direksyon ko kung saan binigay din ni Mommy. Isa siyang map. Section Bloody yung name ng section ko. Nakakatakot but ang cool. Palakad-lakad lang ako sa daan. Ang layo ng room namin mula sa entrance gate. Ilang minuto lang, nakarating na rin ako. Pinasok ko na ang room namin. Ang ganda, ang sosyal din. Pagkapasok ko palang, nakita ko na ang mga mag-aaral kong nag-aaral. Lahat sila. Akala ko sila yung mga mag-aaral na batuhan ng papel doon at dito, pero ibang-iba sila.

"Bakit ka nandito?" Biglang sambit ng babaeng nasa likod ko kaya napalingon agad ako.

Maldita yata 'tong babaeng 'to. Sampal ko sayo tung map na hawak ko, e!

"Dito po ba ang Section Bloody?" bait plus plastic kong tanong doon sa babaeng maldita.

"Of course. I am one of the Bloodarian, and anong pakay mo?" tanong niya saakin. Ewwness bitch.

"Dito po kase yung room ko." Sabay pakita ng papel na nasa kamay ko, patunay na totoo ang sinasabi ko. Pero habang sinasabi ko iyon, smile pa rin. Tiis ganda ang peg.

"Oh, how lucky you are. Sumama ka saakin." Lucky? Why? Bigla siyang naglakad papasok sa room. Bigla din akong sumunod. Pero hindi ako pinansin ng mga soon kaklase ko dahil nagbabasa sila. Ang sipag naman.

"Dito ka umupo sa tabi ko." sabi niya.

Ay, joke lang pala yung sinabi ko kanina. Mabait naman pala itong si ateng. Mwahaha.

Agad naman akong umupo sa tabi niya. Inilagay ko na ang bag sa upuan ko.

"Hindi ka ba nagtataka bakit todo aral ang mga kaklase natin?" Sabi ng babae. Malay ko ba, ewan ko.

Hindi ako nakapagsalita ng diretso kase hindi ko alam ang nangyayari sa silid na ito. Why study hard? Tss.

Pero ang wierd lang ng awra dito. Parang may something.

"By the way, I am Christine." Inabot niya ang kamay niya saakin ng may smile sa mukha niya. Senyas ng pakikipag-kamay.

Pero bago akong makipag-shake hands sa kanya, tinignan ko muna mukha niya kung plastic ba o hindi. Parang hindi naman kaya nagshake hands na ako sa kanya.

"Ako si Jane." Tipid kong sagot.

"Okay, you're transfeeree so wala ka pang alam. Kaya nag-aaral tong mga to because ayaw nila masangkot sa away o sa tinatawag naming Vampire War. If you are a Bloodarian, walang magtatangkang patayin ka." Sabi niya.

Ay, ganon? May patayan pala dito?

Napatawa nalang ako.

"Ha-ha-ha. What do you mean by Vampire War?" natatawa kong tanong sa kanya.

"Walang nakakatawa." walang bakas ang kanyang mukha na parang totoo ang sinasabi niya.

What the hell she's talking about? Is she serious? Oh my gosh! Hindi naman April Fools Day ngayon ah.

A Vampire's Love #WattpadStoryAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon