PROLOGUE

76 2 0
                                    

Love is not just a feeling but a choice. It's either you stay or leave. It's either you choose the one you love or the one who loves you. But one thing is for sure about love, it hurts no matter what because when you fall in love, you should expect that you will fall apart too.

Love came to me in unexpected way. I never imagined falling for someone I did not like. 

It was in 5th Grade when I transferred school because of my father's work. It was in 5th Grade when I met this someone who will turn my world upside down. It was that moment when I learned to love deeply. It was that moment when I learned that when I fall in love, it is deeply or not at all.

"I'm Annastacia Bianca Fernandez." Pakilala ko.

I stiffened when everybody kept quiet and maybe waiting kung may idudugtong pa ba ako. But I stayed quiet too. Napayuko ako dahil hindi ko alam kung ano pang sasabihin ko at dahil narin nakatingin sa akin ang mga bagong kaklase ko.

"So where school are you from?" tanong ni Ma'am Jasmine na nasa tabi ko.

Inangat ko ang tingin ko at sinagot siya.

"Buhay Elementary School Ma'am."

"Okay. You can now take your seat." She said then smiled.

Sinunod ko naman ang utos niya at naghanap ng bakanteng upuan. Nagtaas ng kamay ang isang babae sa likuran kaya napatingin ako sa kanya. Nginuso niya ang bakanteng katabing upuan. Naglakad ako papunta doon.

"Welcome to Grade 5 Acacia, Annastacia. And class, be good to your classmate ha."

"Yes Ma'am!" sagot ng iba.

Lumingon pa ang iba sa'kin at ngintian ako. Nginitian ko din sila pabalik. Sana maging kaibigan ko silang lahat.

"Hi, I'm Stella."

Napalingon ako sa katabi ko. She's smiling at me and offered her hand. Kinuha ko naman ito agad,

"Hi, I'm Annastacia" pakilala ko.

"Mr. Ruiz, you're late!"

Napalingon kaming lahat sa kakapasok na lalaki. Una kong napansin ay ang height niya. I guess he's shorter than me. Ang buhok niya ay nakagel parang si San Goku. He looks clean in his uniform. But he has that grumpy face. Ang snob ng mukha.

Hmmmm... suplado oh let me scratch that bastos pala. Hindi niya kasi pinansin si Ma'am at pumasok nalang.

"Dylan!" tawag nong lalaking singkit ang mata sa likuran.

Napatingin ulit ako doon sa lalaki and to my surprised he's also looking at me. Nakakunot ang kanyang noo, maybe wondering because I'm new to him. Umiwas naman ako agad ng tingin baka ano pang masabi niya.

"So bakit ka nagtransfer dito?" tanong ni Stella.

Madaldal pala 'tong katabi ko. But I like it tho, ayoko naman magmukhang loner. Buti nga kinausap pa ako nito eh.

"Malapit kasi 'to sa pinagtatrabahuan ni Papa." Sagot ko.

I was glad naging katabi ko siya kasi chinika niya lang ako ng chinika kaya hindi naging boring ang araw ako. Stella has many friends that's why nong nag recess na maraming kaibigan niya ang lumapit sa amin para makipagkilala at makipagkaibigan.

Even the boys were friendly except for that Dylan guy. I was right, he's really snob and unfriendly. I shrugged, why would I care? As if, the world would stop rotating if he'll ignore me.

Lumipas ang mga araw, lingo, buwan marami na akong naging kaibigan and Stella is the closest one. Naging maayos din ang performance ko sa klase ngayon hindi katulad nong nasa dati pa akong paaralan.

Naglilinis kami ngayon sa park. Dahil dito kami naassign sa araw na 'to. Araw-araw paiba-iba kami ng area na lilinisan. And I hate cleaning here in the park kasi ito ang pinakamalaking area na dapat linisan.

Napastretching ako dahil sa sakit ng likod ko kakawalis. Napahinto ako nang makita si Dylan na nakaupo sa swing at may hawak na PSP. Napapikit ako dahil sa inis. Ayoko pa naman sa lahat ay ang hindi tumutulong.

"Tsk. Hindi na naman tumutulong si Dylan," napahinto rin si Joy sa pagwawalis at tiningnan ang tinitingnan ko.

"Puntahan mo kaya?" utos ko.
Napaatras siya na animo'y natakot. "No way. Nakakatakot kaya yan si Dylan. Baka magalit."

Aba anong karapatan niyang magalit? Eh responsibilidad niya ang maglinis dito. I really hate that guy. Unang kita ko palang sa kanya, alam kong sakit siya sa ulo.

Nagmartsa ako papunta sa kanya at namewang sa harapan niya.

"Hoy! Maglinis ka naman!" sigaw ko kahit ang lapit ko na sa kanya.

Sinamaan ko siya ng tingin kahit hindi niya ako nakikita dahil nakatuon lang ang pansin niya doon sa PSP.

"Kaya niyo na yan." Sagot niya.

Tamo nakakainis! Ang tamad tamad! Bakit pa kasi magkagrupo kami e. Nakakabwisit!

"Gusto mo bang itapon ko yan?" sigaw ko sa kanya sabay nguso sa PSP.

Huminto siya sa paglalaro para tingnan ako. He smirked.

"Sige nga." Paghahamon niya.

Abaaaat! Nilapitan ko siya at tumakbo naman ang boset! Ayun! Naghabulan kami, kami tuloy dalawa ang huling nakauwi para magtapon ng basura.

"Kasalan mo 'to!" sigaw ko sa kanya.

I really hate him, I swear. I will never be friends with him. I will never like him. Ang hambog na yun!

And that's how our story started. Are you ready to know how will it end?

When I First Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon