Isang buwan ang lumipas, it was the 8th day of May. Nakatulala lang ako sa kisame dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko sa buhay. Napatingin ako sa phone na katabi ko.
Gabi na at hindi nagtetext si Dy buong araw. Hindi narin kami masyadong nag tetext these past few days. It feels like everything is changing magmula nong umalis siya. He went to his Lola's place dahil aasukasuhin niya na ang pag enrol sa college. Pero alam kong nakauwi na siya kahapon.
I understand that he was busy pero kahit isang text man lang hindi niya magawa. Kahit sabihin niya lang na hindi muna siya makatext kasi ganito, ganyan pero wala e. Ako nalang nag-iisip kung anong ginagawa niya kaya kung saan na napapadpad ang isipan ko.
Sunod-sunod ang nagging tampuhan namin ni Dy, kahit konting bagay. Pinag-aawayan na namin. Hindi naman tulad ng dati na isang araw lang maaayos na namin kasi nagkikita kami hindi namin matiis na hindi pansinin ang isa't isa. Hindi gaya ngayon na, lumilipas na ang isang araw hindi parin kami nagkakaayos.
He was being cold and I too kasi 'yon ang pinaparamdam niya sa akin e. Parang napagod na akong ibaba yong pride ko kasi feeling ko ako nalang lagi. Parang ako nalang may gusto na ipagpatuloy pa ang relasyon namin. Parang ako nalang ang lumalaban para sa aming dalawa.
He didn't say anything but I can feel it. And my instinct doesn't fail me.
He texted me yesterday, pero sandali lang. Nag-away pa kami kasi nagtampo ako sa kanya, nagseselos ako sa artistang sinabihan niya ng maganda. I just did that kasi gusto ko lang na lambingin niya ako because I missed him so damn much! Pero nagalit siya, he didn't even say sorry kasi wala daw siyang kasalanan. My fault again.
Akala ko okay na kami. Hindi ko alam. Hindi niya pa ako tinext ngayon. I also noticed na hindi na niya ako tinatawag na babe. Nagiging cold na talaga siya. May iba ba? Nagsawa na ba siya sa'kin?
Ang daming pumapasok sa isipan ko. Walang kasagutan.
This is really hurting me, big time. Hindi na kami gaya ng dati, hindi ako tanga para hindi mapansin yun.
I love Dylan pero nakakapagod... nakakapagod siyang mahalin. Ayoko namang sumuko. Ako nalang ba ang kumakapit sa relationship na'to? Kasi diba noon pa man gusto niya ng sumuko. Should I let him go? Magiging okay ba ako kung bibitawan ko na siya? Magiging okay ba siya?
I've been thinking about this for days. I just want his consistency and assurance, mahirap bang ibigay 'yon? Mahal niya pa ba ako?
Nagdadalawang isip ako kung itetext ko ba siya pero sa huli tinext ko na. I want to know, whatever happens, happens. I will accept everything and move on. Madali lang naman 'yon diba? Madali nga ba?
Me:
I can feel that everything is changing. Cold na tayo sa isa't isa. Sabihin mo lang na ayaw mo na, papakawalan kita.
Nanginginig ako habang tinatype ko ang message na yan. I want him to tell me that nothing is wrong, na napaparanoid lang ako pero ayaw kong mag-expect. Naf-feel ko na ayaw na niya. You know we have this what we called girl's instinct. At kahit kalian hindi pa ito nagkakamali.
Hindi siya agad nakapagreply. Gusto ko tuloy bawiin 'yong text ko. I regretted sending that message but it was too late. He replied after 10 minutes. Nainis ako kasi may load naman siya, makakapagreply naman pala!
Babe:
I think I, we don't love each other anymore.
Natulala ako sa message niya. I didn't expect him to tell me that directly. We don't love each other anymore? I know in myself that I love him. I still love him. Pero siya? He doesn't love me anymore?
BINABASA MO ANG
When I First Fell In Love
Novela JuvenilAnna never expected that her high school love change her life forever. Surrounded by friends and enjoying the highs and lows of teenage life, she thought she had everything figured out. But when she reconnects with Dylan, a snob and cold yet undenia...