Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas kami sa store. Tahimik ulit kaming naglakad ni Dylan. Nauna siyang maglakad at nasa likuran niya lang ako.
It feels so awkward kung sasabay ako sa kanya e. Ilang taon ring hindi kami nagpansinan ne kaya naninibago ako. I smiled. Ang tangkad na talaga niya. He's shoulders became broader. Ang daming nagbago, ngayon ko lang napansin. Ah tsaka yung boses niya mas naging buo.
Nabangga ako sa likod niya nang bigla siyang huminto. "Aray." Daing ko at napahawak sa noo ko.
He stared at me for a while. "Dito ka." At hinila ako sa tabi niya. Sa right side kung saan malayo sa daanan ng sasakyan. Lihim akong napangiti. Dylan looks snob and serious but he's really sweet inside. I don't know if he shows this kind of attitude sa ibang babae. Speaking of...
"So how's your relationship going with Kate?" I asked para narin may mapag-usapan kami.
"Nothing's going on." He answered.
I raised my eyebrow. "Sure ka?" paninigurado ko.
Kumunot ang noo niya parang ayaw niya sa pinag-uusapan naming. Tsk. nagsusuplado na naman. "Why?"
Napaisip ako. Baka isipin nitong nagseselos ako sa kanila. "Our classmates said na ang sweet sweet niyo daw parang magjowa kayo. Ganun." Sabi ko nalang.
Ayokong isipin niya na inoobserbahan ko sila "minsan" kaya sinabi ko yun.
"Our classmates? Really, huh?" nananantyang sabi niya sa'kin. Inirapan ko tuloy. "Ano pang ibang sinasabi ng mga classmates natin tungkol sa'kin? Are they backstabbing me?"
Nag-isip kunwari ako. Should I tell him?
"Actually, yes." Kumunot ang noo niya sa sagot ko.
"Sabi nila suplado ka daw masyado at nakakatakot ka magalit. Ang landi landi mo rin daw kasi kung sino sino lang na babae ang kasama mo."
Half of what I said was true. Hindi ko nga alam bakit sa tuwing pinag-uusapan nila minsa si Dylan e tumitingin sila sa'kin o kaya shinishare nila ang ganap sa buhay ni Dylan sa'kin.
"Sabi nila o sabi mo lang?" he narrowed his eyes while asking that.
"Hooooy! Bakit naman kita ibabackstab ha? Tanongin mo pa sila. Nagsasabi lang naman ako ng totoo e." depensa ko.
"Edi matakot sila kung tatanungin ko."
Natawa ako sa sinabi niya. He's right. Baka nga matakot ang mga yun. Eh kasi naman itong lalaking 'to napakaistrikto at suplado. Parang hindi majoke ganun sabayan pa ng boses niya na parang kulog. Manginginig ka talaga pag nagsalita siya lalo nat wala sa mood. Di niya rin kasi macontrol ang emosyon niya minsan lalo na pag galit.
"Eh ikaw? What do you think of me?" seryosong tanong niya kaya nabigla ako.
Impromptu naman to e. leche!
"You're nice. You're smart, computer-geek, suplado, sweet, ano pa ba?"
Nakita ko sa peripheral vision ko na napangiti siya. Oh God, ngayon ko lang narealized na ang gwapo niya pala ngumiti. Alam kong gwapo siya pero ngayon ko llang naappreciate. Yes, he's my ex but we're too young back then na parang laro lang yung relationship namin. Duhh! Grade 6 kami nun, 12 years old. Mga immature pa kami noon hanggang ngayon naman ata. We're still young, anyway.
"Sweet huh?" yun lang ata ang napansin niya sa lahat ng sinabi ko.
"Oo. Sweet ka sa marami." Nakasimangot na sabi ko kaya natawa siya.
Suplado at strikto siya at may mga natatakot sa kanya pero lapitin parin siya ng babae. Well, gwapo kasi. Tss. Kaya ko nasabing sweet kasi base yun sa naoobserbahan ko MINSAN.
BINABASA MO ANG
When I First Fell In Love
Teen FictionAnna never expected that her high school love change her life forever. Surrounded by friends and enjoying the highs and lows of teenage life, she thought she had everything figured out. But when she reconnects with Dylan, a snob and cold yet undenia...