Nagkaayos kami ni Dy that day but I admit our relationship was already stained. Alam kong konting pagkakamali na naman, tuluyan nang matatapos. But because I love him I continued to fight for us and try to save our failing relationship.
We celebrate our Christmas and New Year with our families. Hindi ko pa nam-meet formally ang parents niya at ganon din naman siya sa akin but they knew na we're in a relationship.
It was my 18th birthday and we only had a simple celebration. Wala akong 18 roses or dances ek-ek. Simple fam and friends gathering lang.
Babe:
Anong susuotin ko babe? Magf-formal ba?
I laughed at his text. Sinabi ko naman sa kanya na simple lang ang celebration and no need to be formal. Feeling ko kinakabahan siya! Hahahaah My god! Si Dylan Ruiz kinakabahan?
Me:
Casual lang babe. Sinabi ko na naman sa'yo diba?
Dylan:
Yeah lol. See you later. I love you. Mwua :*
Me:
Mwua :*
We had a simple program like nag devotion and birthday greetings and wishes pero hindi naabutan ni Dylan and friends. They texted me nang nasa labas na sila ng bahay.
Tiningnan ko muna ang sarili sa salamin. I was wearing a simple maroon dress and white sandals na regalo ni Ate Aria sa akin. Naglagay ako ng konting liptint bago lumabas.
"HAPPY BIRTHDAAAAAAAY!" Demi, Dina, Ella and Gelly and Xavi greeted. I invited Xavi too because he's Dy's bestfriend and kaibigan ko rin naman siya.
"Thank you!" sabi ko at bineso sila isa-isa.
"Ito ang regalo namin sa'yo!" sabi ni Ella. Nahati sila sa gitna at bumungad sa akin si Dy na may hawak na boquet of roses.
Tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
Presents no longer excites me. His presence is.
"Happy birthday baby," he greeted and kissed my cheeks.
"Oy! Oy! Tama na 'yan baka makita pa kayo ni erpats at hindi na tayo papatuluyin!" natawa kami sa sinabi ni Demi.
Bumitaw na ako sa yakap at giniya sila papasok sa bahay. Winelcome naman sila nina Papa at pinakilala ko naman sila isa-isa.
"Pa, si Dylan po." Sabi ko.
Alam niya nan a boyfriend ko si Dy kasi sinagot ko siya nong tinanong niya ako. Ang sabi niya lang non, "Ah yong anak ni Sir Ruiz?"
Nagshake hands sila ni Papa.
"Welcome iho, feel at home lang kayo ah." Sabi ni Papa.
"Yes Sir," sagot naman ni Dy.
"O sya, maiwan ko na muna kayo. Ikaw na bahala sa kanila, anak."
Tinanguan ko lang siya at binaling ang atensyon kay Dy na napahawak sa dibdib at bumuntong hininga.
"Okay ka lang?" natatawang tanong ko.
"Muntik na akong magkaheart attack babe," sabi niya kaya natawa ako.
Pagkatapos naming kumain, nagchikahan lang kami na syempre pinangunahan ni Demi. It was seven pm when they decided to go home. Dylan also needs to go home early at hindi na hinintay ang main friends. Hinatid ko sila sa labas ng bahay. May dala-dala silang motor kaya okay na na hindi sila ihatid.
"Happy birthday ulit ate!" sabi ni Dylan kaya hinampas ko siya sa balikat.
"Anong ate?" inis na sabi ko. Mas matanda lang naman ako ng two months sa kanya e!
BINABASA MO ANG
When I First Fell In Love
Fiksi RemajaAnna never expected that her high school love change her life forever. Surrounded by friends and enjoying the highs and lows of teenage life, she thought she had everything figured out. But when she reconnects with Dylan, a snob and cold yet undenia...