Wala naman masyadong nangyari nong Intrams. Busy kasi kaming lahat. Tumulong ako mag score sa Volleyball girls kasi wala naman akong larong sinalihan. Hindi kasi ako athletic. Ewan ko ba, wala akong skills sa sports.Takot ako sa bola kaya hindi ako marunong maglaro ng mga larong may kinalaman sa bola. Kaya hindi ko na sinubukan. Overall champion ang G12 at 2nd naman kaming mga G10. Oks na 'yon kaysa wala edi pahiya kami?
Anyway, nabuburyo na ako dito sa bahay. Unang araw palang ng sembreak. Hindi naman kasi ako pinayagang magbakasyon kina Lola e. Ewan ko ba sa mga magulang ko, mga praning!
"Lipat mo nga sa Slamdunk!" utos ng Kuya ko.
Inirapan ko siya. Kitang ako ang nauna manood e, uutusan pa akong maglipat. Pero nilipat ko nalang din kasi baka suntukin ako. Char! Hindi naman nanakit ang Kuya Alex. Madalas nga silang mag-away ni Ate Aria pero hindi naman niya sinasaktan. Si Ate Aria ay pinanganak bago ako. May dalawa pa kaming ate na mas matanda saming tatlo. May mga asawa na 'yon kaya kaming tatlo nalang ang natira rito sa bahay.
Si Kuya hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil nagbulakbol. Criminology ang course niya at 3rd year na sana kaya lang huminto dahil nabuntis niya ang girlfriend niya.
Yep, may anak na itong Kuya namin pero parang binata parin kung umasta. Ewan ko ba sa kanya kaya siya iniwan ng girlfriend niya e.
Si Ate Aria naman ay nag-aaral ng College. 2nd year college na siya sa kursong Tourism.
Sa huli, nagustuhan ko naman ang panonood ng Slamdunk. Ang gwapo ni Rukawa e. Hihi
Pagkatapos naming manood inutusan ako ni Kuya na umakyat sa bubong ng bahay. May sanga kasi ng avocado ang napunta roon at marami itong bunga. Walang hiya ako pa talaga ang inutusan pwede namang sungkitin niya na lang.
"Tama na nga yan, madami na!" sigaw ko mula sa taas.
"Ge, tama na. Masarap 'to pag hinog na." sabi naman niya.
Inirapan ko lang siya at sandaling tumambay sa bubong para magselfie at nang may ma story naman ako.
Nilagyan ko ng caption na, "sa bubong ng bahay"
Maya-maya may notification galing kay Dylan. Syempre, D's effect activated again. My gosh! Pag ako talaga nahulog dito sa bubong, si Dylan ang may kasalanan.
Dylan: Mahulog ka.
Napangisi ako dahil sa naisip na reply.
Me: Hulog na nga e
Me: charot!
Syempre dapat hindi mawawala ang charot lalo na pag di ka sure kung ano kayo. Lol
Dylan: Nice
Anong nice don? Amaw talaga itong si Dylan. Tsk.
Magkatext kami ni Dylan buong sembreak. Kaya lang ang bagal as in sobrang bagal magreply. Minsan pag umaga nagtetext kami, ginagabi na siyang magreply. Ganon ba siya kabusy? Minsan din gabi na siya kung magtext. Aswang ka boi? Gaya ngayon.
Inaantok na ako at matutulog na sana nang bigla siyang magtext.
Dylan: Tulog ka na?
Mabilis akong nagtipa ng irereply.
Me: Zzzzzzzzzz. Yep, nag s-sleep texting ako.
Dylan: Hahaahahah sira
Me: Ginagaya mo na ako ah
Dylan: Hmmm...
Me: Hmmmpyaaa? Kinakain diba yan?
Dylan: Joke ba yan Anna?
Me: Opo kaya bigyan mo ako ng sampong tawa.
Dylan: Hahahhaaahahahahahahaha
Me: Wow, may pasobra. Special ba ako?
Dylan: Hmmm...
Me: Hmmm ka ng hmmm ano ka nagm-moan?
Naiinis na kasi ako sa hmmm niya parang walang ibang alam sabihin e. Cooperate naman sana siya na mapahaba ang usapan dahil siya unang nag text. Leche! Kung di ko lang 'to mahal e!
Dylan: Hahahhahaahaah wth
Dylan: Were you imagining me moaning? Ikaw ha!
Uminit ang pisngi ko nang mabasa ang text niya. Lecheng Dylan 'to! Ayoko nab aka san pa mapunta ang usapang 'to!
Hindi na ako nakapag-isip ng reply dahil ang init talaga ng mukha ko para akong lalagnatin. Nagulat ako ng biglang magvibrate ang phone ko at makita ang pangalan ni Dylan na tumatawag.
Bakit kailangan tumawag? Pero syempre sinagot ko parin.
"Hello?"
I heard him laughed. Ugh! He's going to tease me, I knew it!
"What?" sabi ko ulit.
"Were--- hmmmm were u imagining it Anna?" he said in a husky voice.
Nanindig lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa boses na ginamit niya.
"Ahhhhh! Stop it! Damn you!"
He burst into laughing again. He was making fun of me. Leche talaga!
"But Anna---"
I cut him off.
"Manyak!"
Tumawa na naman ulit siya.
"What? Ako talaga Anna? Sino kaya sa ting dalawa ang nag-iimagine na---"
"Ahhhh! Hindi ko nga inimagine! Siraulo ka!"
"HAHAHHAAHAHAHAHAHA"
"Ayoko na. Papatayin ko na tong tawag," sabi ko gamit ang nagtatampong boses.
"Okay okay hahahaah I'll stop na,"
"Che!"
"Ayan tampo na si bb girl,"
"Anong bb girl? Sinong bb girl?"
"Ikaw bb girl Hahahah"
Natawa ako sa bb girl niya.
"Ang corny at cringeyyyyyy!"
"HAHHAHAHAHAAH"
Ang sarap ng tawa niya ha. Walang hiyang Dylan 'to!
"Anyway, inaantok ka na?" tanong niya.
Nawala ang antok ko dahil sa kamanyakan niya.
"Medyo," sagot ko nalang para hindi halatang gusto ko pa siyang kausap.
"Ikaw ba?" tanong ko rin.
"I miss you," sabi niya.
"HUH?!" tama ba ang pagkakarinig ko? sinabi niyang I miss you? eh iba naman tanong ko ha?
Pero bwiset! Napapangiti ako at kinakabahan at the same time. Hindi ko alam kung healthy bas i Dylan si puso ko kasi ang lakas lagi ng kabog pagdating sa kanya e.
He chuckled, "Nothing, I said see you on Monday."
"What? Hindi naman 'yon e! Sabi mo, I miss you!"
"Anong sabi ko?"tanong niya.
"I miss you!" mabilis na sagot ko dahil hindi ko matanggap na hindi niya aaminin na sinabi niyang miss niya ako.
"I miss you too hahahahaha"
Ayyy leche!
"Gagantihan kita tandaan mo yan!" sabi ko.
"Bad yan hahaha"
"Che! Bad mo mukha mo!"
"Hhaahaha okay Anna. Let's sleep, it's getting late."
Napatingin ako sa aking wall clock. Oo nga mag aalas dose na pala.
"Okay!"
"Goodnight Anne! Sweet dreams,"
"Goodnight. Sweetdreams."
"I miss you, see you on Monday!" then he ended the call.
Sooooo matutulog akong may ngiti sa mga labi ngayon!
BINABASA MO ANG
When I First Fell In Love
Teen FictionAnna never expected that her high school love change her life forever. Surrounded by friends and enjoying the highs and lows of teenage life, she thought she had everything figured out. But when she reconnects with Dylan, a snob and cold yet undenia...