Chapter 27

4 0 0
                                    

Dylan didn't text me that day. Tinitext ko naman siya at tinatawagan pero hindi niya ako sinasagot. I sent him encouraging words and stuff to make him feel better. Pero feeling ko, he won't let me help him. Feeling ko wala akong epekto sa kanya. Feeling ko ang useless ko as a girlfriend dahil wala akong magawa to make him feel better. Kahit ano na ang pumapasok sa isipan ko.

In the end, nainis lang ako sa sarili ko at sa kanya. I shouldn't feel this way, nagiging selfish ako. Iniisip ko ang sarili ko kaysa sa feelings ni Dy. But I can't help it! He's making me feel this way and I hate it.

Me:

Ang useless ko as a gf 'no? I couldn't make u feel better

I texted him that para lang magreply siya. I waited for hours hanggang sa makauwi na ako sa bahay at gumabi na but Dy didn't reply. Mas lalo lang akong nainis kaya iniyak ko nalang.

Dy always makes me cry. Kapag nag-aaway kami or bigla nalang siyang nagiging cold. I hate the cold version of Dylan, para kasing nakakalimutan niya na girlfriend niya ako. Nakakalimutan niyang mahal niya ako. Mahal niya nga ba ako?

Sa tuwing nagkakatampuhan kami, we ignore each other. We treat each other like we're invisible. We're cold to each other. Pinapansin namin ang iba pero hindi kami nagpapansinan. Pinapakita namin sa isa't isa na okay kami kahit wala ang isa't isa. It was immature and toxic. Pero ginagaya ko lang naman siya, maybe it was pride that is winning over the love we have for each other.

Kinabukasan, hindi ko siya pinansin. I was avoiding his gaze. Naaawa ako sa kanya kasi he looked miserable pero mas iniisip ko ang nararamdaman ko kaya pinipigilan ko ang sarili kong maging marupok.

"Okay ka lang? Nag-away kayo?" tanong ni Demi nang mapansing nakatulala ako sa seat ko.

"Huh?"

"Alam na," sabi niya.

I just sighed at umiwas ng tingin sa kanya. Nahagip ng tingin ko si Dy na nakikipag-usap kay Jones. Minsan nagtatawanan silang dalawa kaya feeling ko okay na siya, ako lang 'yong hindi.

Hindi ko agad iniwas ang tingin ko nang magtama ang mga mata namin. I looked at him coldly. Dy doesn't like it when I looked at him this way. According to him it was so cold and emotionless.

Feeling ko nararamdaman niya rin ang nararamdaman ko sa tuwing ganon ang gingawa niya. Binaback fire ko lang naman kung anong mga ginagawa niya so don't blame me.

"Hindi talaga kami sanay na hindi kayo naglalandian, Anne." Si Demi kaya hinampas ko siya sa braso.

"Siraulo ka talaga! Masanay ka na!" sabi ko.

"Ooohhhh, kaya mo?" panghahamon niya.

Hindi ako nakasagot agad. Kaya mo bang wala si Dylan sa buhay mo Anne? Gayong nasanay ka na nadyan siya lagi?

"Kakayanin ko," sagot ko.

"Don't me! Marupok ka kaya!"

Natawa nalang ako sa kanya. Umayos na kami ng upo nang pumasok si Sir Macky. Nilagay niya ang mga gamit niya sa mesa at napatingin sa aming lahat.

"Bat ang tahimik niyo?" nakangiting tanong ni Sir.

Nagtama ang mga mata namin at agad naman akong umiwas ng tingin. Aside sa pagtuturo ng Personal Dev na subject, si Sir Macky din an gaming Guidance Councillor.

"Musta Techno Dy?" rinig kong tanong ni Sir. Napatingin naman sa kanya lahat ang mga kaklase namin. Sa blackboard lang naman ang tingin ko at hindi nag abalang tingnan siya.

"Talo Sir e," sagot niya.

"Ganon ba? Sayang! Sabi ni Sir Gio mas mabilis daw 'yong gamit na installer ng first sa'yo."

"Oo nga po, Sir."

"Ikaw Anna, musta?"

Nagulat ako nang bigla akong tanungin ni Sir. Nagkatinginan tuloy kami ni Dy kaya inirapan ko siya.

"Okay lang po Sir," sagot ko.

Makahulugan niya kaming tinignan ni Dylan kaya kinabahan ako.

Pagkatapos ng klase ni Sir, sabay kami nina Demi na nag recess.

"Hoy, lambingin mo na 'yon." Sabi ni Gelly.

"Ikaw nalang kaya? Total ikaw naman nag suggest." Pambabara ko sa kanya.

"Ay waw! Ako ba girlfriend?" sabi niya at hinila ang buhok ko.

"Ano ba kasing pinag-awayan niyo?" tanong naman ni Ella.

"Ewan ko," sagot ko.

"Hindi ako naniniwalang ewan ko," si Dina.

"Hindi ako naniniwalang diet ka!" sabi naman sa kanya ni Demi kaya nagtawanan kami.

"Ako na naman nakita mo! Walang hiya ka!" hinampas ni Dina si Demi sa braso.

Bumili lang kami ng food sa canteen para sa room na kakain. Sa labas kami ng room tumambay at umupo sa floor dahil malinis naman 'yon. Paanong di malinis e shoes off kaming lahat na nasa second floor dahil sa kaartehan ng mga adviser namin.

Nakaharap ako sa pintuan ng room pero nang marinig ko ang mga yabag ni Dy, kinabahan agad ako. Ano ba puso! D's effect activated again.

Humarap ako kay Demi na katabi ko kaya nagtaka siya. Nakuha niya lang nang mapatingin siya sa likuran ko.

Napatalon ako sa inuupuan nang biglang hawakan ni Dy ang balikat ko. I knew it was him but I pretended I didn't know. Hindi ko siya binalingan.

"Wait lang," sabi ko at inalis ang kamay niya sa balikat ko.

"Ano ngang sabi mo?" tanong ko kay Demi. Pinanlakihan ko siya ng mata para makipag cooperate siya.

"Anne, let's talk." Sabi niya sa malamig na boses.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa boses na gamit niya. Pati sila Demi natakot kaya iniwan nila kaming dalawa sa labas ng room. Tumayo ako galing sa pagkakaupo at bumuntong hininga bago siya hinarap.

Sa gilid ng room namin ay ang CR at hagdan. Naglakad ako papunta doon at sumandal sa railings ng hagdan. Sumunod naman siya at sumandal din sa railings.

Kinakabahan ako ng sobra-sobra dahil sa iniisip ko na baka ito na... matatapos na kaming dalawa ngayon. Maraming pumapasok sa isipan ko, tinatanong ko ang sarili ko kung anong mangyayari? Pano kung maghihiwalay nga kami kakayanin ko ba? Kakayanin ko ba? Madali lang naman mag move on diba?

"Bakit? Anong pag-uusapan natin?" panimula ko.

Tiningnan niya ako gamit ang namumungay na mga mata. Pagod ka na ba Dy? Akala ko sa isip ko lang 'yon sinabi.

"Pagod ka na ba Dy?"

Napayuko siya habang kinukusot ng kamay ang mga mata. Dahan-dahan siyang tumango. Napaiwas ako ng tingin dahil namumuo narin ang mga luha sa aking mata. Bakit naman ganon? Bakit naman siya napagod? Feeling ko ako dapat ang mapagod sa relasyon namin e. Kasi ako lagi ang umiintindi, ako lagi ang umiiyak at nasasaktan.

"Bakit? Sinusubukan naman kitang intindihin ah. Ginagawa ko naman ang lahat para mapasaya ka. 'Yong akin lang naman, iparamdam mo naman sa aking kailangan mo ako."

"I'm sorry," sabi niya.

He looked at me with his bloodshot eyes.

"Why are you giving up easily?" nahulog na nang tuluyan ang mga luha ko sa mata.

"Am I not worth the fight?" tanong ko ulit.

He went closer to me and hugged me tight.

"I'm sorry babe," sabi niya. "I'm sorry."

When I First Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon