Chapter 21

5 0 0
                                    

Kami na ba ulit?

Hindi ko alam. Hindi ako makatulog nong gabing 'yon kahit pa sumasakit ang ulo ko. Hindi ko naman siya tinanong kasi nashock ako sa confession niya! Pero diba sabi niya mahal niya ako? At sinabi ko rin na mahal ko siya. Kami na ba ulit?

Sinabunutan ko ang buhok ko at kinuha ang cellphone na nasa side table. Itetext ko ba siya? Nakakahiya naman! Pero kasi hindi ako matatahimik kapag hindi ko siya tinanong! Pero gabi na, alas dose na nga baka tulog na 'yon.

Nag vibrate bigla ang cellphone kaya sa sobrang kaba nahulog sa mukha ko.

Leche! Ang sakit!

Hawak-hawak ko ang ilong ko na natamaan habang nilagay ang phone sa tenga.

"Leche Dylan! Nahulog sa mukha ko ang cellphone!" sabi ko.

Narinig ko siyang natawa.

"Anong tinatawa tawa mo? Masakit kaya!" galit kunwari na sabi ko.

"After my confession, aawayin mo 'ko Anne? Hmmm?" he said softly.

Feeling ko nanlambot ang mga tuhod ko at buong katawan ko dahil sa sinabi niya.

"Hindi kita inaaway ah. S-sinabi ko lang naman na masakit." Kandautal na sabi ko.

Ano ka ba Anna? Leche naman! Kinakabahan ako sa tawag na'to. Ahhhh! Lagi naman akong kinakabahan pagdating sa kanya e, ano pa bang bago?

"San masakit? I'll kiss the pain away," sabi niya.

"Ang landi mo!" sabi ko.

Natawa na naman siya. Ang saya niya ha? Leche! Pero effective naman ang panlalandi kasi nakalimutan ko ang sakit. Char!

Dumaan ang katahimikan pagkatapos niyang tumawa. Feeling ko ang awkward.

"Dy..." mahinang tawag ko sa pangalan niya.

Itatanong ko na ngayon kinakabahan ako. Baka pala ako lang nag-assume 'no? Kaya nga tatanungin Anna e! Siraulo ka ba? Nababaliw na ata ako.

"Hmmmm..."

Ayan na naman ang hmmmm niya!

"Hoooy!" sabi ko.

"Hahahaha bakit?"

"Wag ka nga mag hmmm..."

"Anne, nag-iimagine ka naman ah."

"Hindi ah! Sira!"

"Hahahahaha. Okay hmm hindi na,"

Leche talaga! Ang tigas ng ulo.

"May itatanong ako," sabi ko.

"Hmmm?"

Sinasadya talaga ng loko pero di ko na pinansin 'yon.

"Naguguluhan ako e. Di ako sure."

"With what?"

"Tayo na ba ulit?" lakas loob na tanong ko.

He chuckled.

"Gagi! Seryoso kasi, wag mo 'kong tawanan!"

"I love you," sabi niya.

Nahugot ko na naman ang hininga ko. My ghad! Ano raw?

"Let's make it official, Anne."

"Okay," pigil hiningang sagot ko.

It was so awkward I mean kami na ulit ... parang hindi ako makapaniwala?

Lunes, tahimik akong pumasok sa school ain't the usual me na makikichika agad sa mga kaibigan.

"Oh bat tahimik ka?" nagtatakang tanong ni Vanny.

When I First Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon