Chapter 7

24 0 0
                                    


It's been a month since our last conversation. Kung hindi ako ang iiwas, siya ang umiiwas. Kaya mas lalo kong naconfirm na wala lang ako sa kanya. Tsaka, busy din ako sa banda. Yes, I joined the band because why not?

Anyway, nandito ako ngayon sa garden namin. It's our project in science kaya todo alaga kami sa pananim naming gulay. I was watering our gulay here kasi ako ang nakaassign ngayong araw.

"Anna!" napalingon ako kay Xavi. He pointed the plant na dinidiligan ko kaya tiningnan ko ito.

"Shit!" nalulunod na pala. Ugh! Why was I spacing out kasi?

Xavi chuckled. "Are you okay?" he asked.

I sighed at napaupo. I stared at the plants. "Mukha ba akong okay?"

"Let me guess?" He put his hand on his chin like he was thinking. Napailing ako. Weirdo!

"Si Dylan ba?" he pointed out.

Napaismid ako, naiinis lang ako na marinig ang pangalan niya. "Nag-away kayo?" he asked.

I shook my head. "Ano lang?" he asked again.

"Ewan ko! bat di mo siya tanungin? Diba kayo naman ang magbestfriend?"

He chuckled. "Yeah but he doesn't share."

"Do you still love him?" he asked and narrowed his eyes on me.

I sighed. Para ko narin namang bestfriend itong si Xavi kasi sa kanya ako nagv-vent out minsan ng inis ko kay Dylan. Buti nga hindi niya naman ako sinusumbong don sa bestfriend niya.

"Maybe."

I too is unsure of what I feel kasi I'm too young and confused.

"Hmmm... why don't you tell him?"

"Akala mo naman madali."

"I don't know. Hindi pa naman ako nakakaranas mainlove." Natatawang sabi niya.

Weirdo kasi e kaya ayan. "Kung ako sayo wag kang maiinlove, masasaktan ka lang!"

"Woah! Woah!"

Natawa ako sa reaction niya. Nacurious tuloy ako sa kanya. "May nagugustuhan ka ba na babae? Or nagagandahan? May crush ka ba?"

"Hmmm... I don't know?" hindi siguradong sagot niya.

Tsk. weirdo talaga! Tumayo na ako at nag-ayos ng gamit. Babalik na ako ng room para kuhanin ang bag at magpapractice ng banda.

"Hey, can I ask something? I was reading a novel kasi and I haven't finish it pa." sabi niya kaya napahinto ako sa pag-aayos.

"Ano yun?"

"The girl in the novel is torn between choosing the man he loves or the man who loves her. Who do you think should she choose?"

"Does the man she loves love her too?" I asked.

He shrugged, "the man is a little bit confusing."

Napaisip naman ako.

"If you were the girl, who will you choose?" he asked.

"Kung hindi ako mahal ng taong mahal ko, I guess, I'll choose the man who loves me nalang. Kasi matutunan naman ang pagmamahal e. Matututunan ko din siyang mahalin. Masasaktan lang ako kung pipiliin ko yung taong mahal ko." I answered.

"Okay! I'll let you know kung sino ang pipiliin nong babae." He grinned.

"Ewan ko sayo, Xavi! Mauna na ako ha." Paalam ko at umalis na.

Naabutan ko si Dylan sa room na mag-isa. He looks stressed. I don't know why. Hindi ko siya pinansin at tahimik lang na kinuha ang gamit ko.

"I'm sorry."

Napatigil ako sa pag-aayos ng gamit. Hindi ko siya nilingon. Bakit siya nags-sorry? Naramdaman kong tumayo siya at pumunta sa likuran ko kaya medyo nagpanic ako. I don't want him that close. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Shit naman!

I closed my eyes to compose myself. Napalunok muna ako bago siya nilingon. He's so close, I can't breathe.

"Bakit?" I asked.

"For hurting you and not considering your feelings." Sabi niya.

I bit my lower lips and stared in his dark eyes. "I want you to know that you are special to me, Anne. You're an important person to me."

Halos hindi ako makahinga dahil sa sinabi niya but it brings warmth in my heart. I'm glad to know what.

"I don't want to lose you again. And I don't want to hurt you." Dagdag niya pa.

"That's why I choose to be your friend. We're good as friends, Anne."

Muntik na akong maduwal sa sinabi niya. What? I am important and he doesn't want to hurt me. He doesn't want to lose me that's why he choose to be just a friend.

Hindi ko alam kung matutuwa o maiiyak ako sa puntong ito. My heart knew what I want. It's shouting disagreement!
But I choose my brain to rule this time. I sighed and smiled at him. "You're right."

It's better off this way. Hindi kami masasaktan at hindi kami maghihiwalay. Tama, we're good as friends.

Nagpaalam na ako agad sa kanya pagkatapos ng pag-uusap naming yun.

Nakatulala ako habang naglalakad papunta sa music room kung saan magp-practice ang banda. Napostponed yung Acquaintance namin noon at next week na ulit ang schedule nito. We're going to perform kaya nagp-practice kami ng todo.

"Hoooy!" napatalon ako sa gulat dahil kay Kiro.

Inis ko siyang inirapan at pinalo ng librong hawak ko. "Nakakainis ka!" sigaw ko.

Tawa naman siya ng tawa kahit nasasaktan ko na. "Aray ha! Stop it. You're hurting me." sabi niya sabay hawak sa dibdib na akala moy doon ko hinampas.

"Ang corny mo." Sabi ko at nilampasan siya.

Akala ko talaga suplado din itong si Kiro kasi mukha siyang suplado nong unang pag-uusap namin pero nagkamali ako. Maloko pala siya. Nakakatuwa naman dahil hindi ako naging awkward sa banda. Actually lahat sila ang daling pakisamahan. Kaya madali ko silang naclose lahat. But Kiro here is more extra.

"Hi guys!" bati ko sa mga kasamahan. Binate naman nila ako pabalik.

"Ano ba kasing iniisip mo at lutang ka? Problem with acads?" he asked habang inaayos ang gitara niya.

I shook my head. I want to say I have a problem with my heart. It's broken. But I shrugged it off kasi ang corny ko naman kung ganon. Alam kong corny itong si Kiro pero ayokong sabayan kasi mas lalong c-corny.

"Alam mo may bagong bukas na snackhaus sa malapit. Punta tayo later?" he asked with a smile. Nawawala ang singkit niyang mata dahil sa pagngiti. Naalala ko tuloy si Trent. Si Trent na hindi na mahagilap ngayon.

"Inaaya ka talaga ni Kiro ng date, Anna." Sabat ni Ashton.

Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. I felt my cheeks burning. Wait, bakit?

"Hoy! I didn't say it's a date. Kung gusto niyo sumama kayo." Depensa agad ni Kiro. Natawa naman ang mga kasamahan namin.

"Sus. Etorp." Rinig kong bulong ni Harvey an gaming pianist.

"Di na kami sasama, masira pa diskarte mo!" natatawang sabi ni Vico, our drummer.

Mas lalo tuloy uminit pisngi ko dahil sa panunukso nila kay Kiro. I am: speechless. It's not like magugustuhan naman ako ni Kiro 'no? Ang gwapo gwapo, talented and smart niya tas magkakagusto siya sa akin? No way! I am not that pretty naman. Maraming mas maganda sa'kin at hindi kami bagay.

"Naku tigilan niyo nga. It's not like magugustuhan ako ni Kiro 'no. May girlfriend yan!" sabat ko.

Natawa lang sila sa sinabi ko. "Walang girlfriend yan, Anna." Sabi ni Ashton.

Okay, wala siyang girlfriend? Bakit wala? Napatingin ako kay Kiro, he just smirked.

When I First Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon