Chapter 10

25 0 0
                                    


"Kiro..." I whispered. Yumuko ako dahil ayokong salubungin ang mga mata niya. Nahihiya ako. But he held my chin and lift it gently para maiharap ako sa kanya.

"Hmmm?" he answered. He was staring at me.

"Why do you like me?" I asked while looking at him in the eyes.

He smiled.

"There's no exact reason, I just like you."

Natawa ako sa sagot niya. "Pwede ba yun? Ayaw mo lang mag explain e!"

He laughed too. "Tinatamad ako e," sabi niya.

I hit him on the chest. "Hey! Joke lang!" hinawakan niya ang kamay ko at nilagay ulit sa balikat niya.

"Ang sakit mong manapak ah," he pouted kaya natawa ako sa mukha niya.

"I want to make you happy," nakangiting sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.

"You look more beautiful when you're happy," he added.

I smiled. I guess... I am starting to like him.

"I know right!" sabi ko nalang.

Nang matapos ang isang kanta, naupo na kami ni Kiro. Buti naman kasi masakit na yung paa ko. Ako lang mag-isa sa table kasi may mga kasayawan ang mga kaibigan ko.

I looked around to look for a certain person, nagulat nalang ako nang biglang tumabi sa'kin. And my heart starts beating so fast again. The Dylan's effect.

"Wala kang isasayaw?" I asked. Pinaglaruan ko ang basong hawak ko. Inangat ko ang tingin ko para makita siya. But he was also looking at me kaya iniwas ko agad ang tingin ko. Hindi ko talaga matagalan ang titig niya.

"You want to dance?" he asked.

Napatingin ako sa paa ko na hinihilot ko ngayon kaya napatingin din si Dylan dito. Naalala ko tuloy nong grad ball na gusto ko siyang makasayaw tapos eto na ngayon nag-aaya na kaso masakit naman paa ko. Tsaka, wag na nga baka aasa na naman ako.

"Uwi na tayo?" he said.

"Bakit? Nakatira ba tayo sa iisang bahay?" tanong ko.

"Hindi... pa." bulong niya na hindi ko naman narinig.
"Ano?"

"Hatid kita."

Napatingin ako sa paligid. Mukhang malapit na naman matapos kaya tumango ako.

Nakita ko si Vanny kasayaw si Leo kaya sinenyasan ko siya. Napatingin muna siya kay Dylan tsaka tumango na din.

Tumayo na ako kaso muntik akong maout of balance dahil nga masakit ang paa ko buti nalang nahawakan agad ako ni Dylan sa waist. Napalunok ako dahil sa lapit nya sa'kin, amoy na amoy ko ang pabango niya.

Tumayo na ako ng maayos. "K-kaya ko na," I stuttered.

Pinaningkitan niya ako ng mga mata, "Are you sure?"

Tumango ako at ngumiti para siguraduhing okay nga ako.

"Come," he offered his hand and I bit my lips while staring at it. It's just a hand. Tatanggapin ko ba?

"Bi,"

Pareho kaming napalingon ni Dylan sa tumawag ng pangalan ko. It was Kiro.

"Uuwi na kami," paalam ko.

"Hatid na kita?"

Umiling ako nahihiyang napangiti sa kanya, "Ahh, Ihahatid ako ni Dylan," I said.

Si Dylan naman kasi ang unang nag-ayang ihatid ako, bastos naman kung irereject ko siya samantalang pumayag na ako.

Tumingin muna siya kay Dylan bago tumango. "Okay. Ingat kayo. Ingat sa pagd-drive, pre." He pat Dylan's shoulder.

"Thanks. Bye," paalam ko.

"Let's go," aya ni Dylan at kinuha ang kamay ko. Dahil sa gulat hindi na ako nakapag react. Why did he do that? But then I just pursed my lips and stop myself from asking. This isn't good.

Nagvibrate ang phone ko nang malapit na ako sa gate kaya napahinto ako at binasa.

From: Vanny
Bahay dumiretso wag kung saan saan
-

Natawa ako sa text niya.

"Bakit?" tanong ni Dylan.

"Iuwi mo daw ako sa bahay wag kung saan saan, text ni Vanny." Sabi ko.

"Lol. San naman kita dadalhin?"

I just shrugged.

"Baka kasi isalvage mo raw ako," biro ko.

He just chuckled.

Sumakay na siya sa motor niya, sumampa na din ako at sa balikat niya lang ako humawak dahil sanay naman akong sumakay ng motor kaya alam kong hindi ako mahuhulog. Mabagal lang naman siya magpatakbo.

"Kayo na ba?" he suddenly asked.

"Hindi pa?" hindi siguradong sagot ko.

"Pa?"

I bit my lower lips. "Sasagutin ko ba?" tanong ko.

"Bakit ako tinatanong mo? Ako ba niligawan?"

Natawa ako sa sagot niya. The idea of Kiro courting Dylan is crazy.

"Sige sabihin ko ikaw nalang ligawan para ikaw na yung sumagot," biro ko.

"It's not funny, Anne." Seryosong saad niya kaya tumikhim ako para magseryoso din. Sabi ko nga hindi mabiro si Mr. Suplado.

"He's nice. He said he wants to make me happy." Sabi ko.

"He should." Tipid na sabi niya.

I sighed. What was I trying to do? Make him jealous? As if! Wake up, Annastacia. He doesn't care. Naging tahimik ang byahe because no one dared to speak hanggang makarating kami sa bahay.

Bumaba na ako agad and stood beside him. I stared at his dark eyes. Lumunok muna ako bago nagsalita.

"Ipapamigay mo ako?"

Shock was evident on his face so I laughed.

"Charot! Goodnight. Thanks sa paghatid," sabi ko at tinalikuran siya.

"Ingat sa pag-uwi," dagdag ko pa at nanakbo na papasok sa bahay.

So stupid of me, hindi niya naman ako pagmamay-ari.

Nagbihis na agad ako at naghalf bath bago nahiga sa kama. I was staring at the ceiling when my phone suddenly vibrated. It was a message from Kiro.

From Kiro:
Are you home?
-

Me:
Yes.
-

Kiro:
Buti naman. Goodnight, alam kong napagod ka :(

Me:
Goodnight.
-

I closed my eyes to sleep but my phone vibrated again. I thought it was from Kiro but I immediately got up when I read Dylan's name.

My heart is beating so fast again and my hands are trembling. I opened the message and read it.

From: Dylan
You're not a thing to be given. You are more than that because you're a person. An important person to me.
-

This is making me confused. Dylan is making me confused. Ganun na lang ba ako sa kanya? Isang importanteng tao? But isn't that enough? Of course, it isn't. Dahil kung ganito lang, wala akong karapatan sa kanya, wala akong karapatang magselos dahil walang kami.

I am starting to like Kiro but Dylan ...

I still love him.

Sinong pipiliin ko? Do I even have to choose?

When I First Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon