Chapter 13

24 0 0
                                    

I don't know what to feel anymore. Nakauwi na ako sa bahay at kasalukuyang nakatitig na naman sa kisame habang iniisip kung bakit hindi nalang ako ulit? Charot!

Ewan ko ba, ayaw na nga rin ni Dylan sa akin e. Kaya dapat hindi ko na ipinipilit ang sarili ko sa kanya pero hindi ko naman ginawa yun ah. Hinayaan ko lang kung anong mangyari. Siya naman 'tong lapit ng lapit sa akin at ako naman itong si marupok binibigyan ng meaning lahat ng kilos niya. Dictionary ka ghorl?

Sasagutin ko ba si Kiro? Paano kung sasagutin ko si Kiro? Mawawala ba ang nararamdaman ko para kay Dylan. Pwede ba 'yon? Matuturuan ba ang pusong magmahal?

In my experience, hindi naman. I just go with the flow and nahulog sa kanya. Hindi ko naman siya type dati. What if subukan ko kaya? Paano kung magfail? Paano kung si Dylan parin talaga? Edi masasaktan ko si Kiro? Si Kiro na walang ibang ginawa kundi pasayahin ako. Hindi ko naman maatim na saktan ang taong puro kabutihan lang ang ginawa sa akin.

Napatigil ako sa pag-iisip nang magring ang cellphone ko. Sino namang tanga ang tatawag ng ganitong oras? Mag aalas dose na ah. Inabot ko ang cellphone ko na nasa side table, muntik pa akong mahulog sa kama dahil tinatamad akong bumangon. Hindi ako mahilig sa tawag kaya papatayin ko nalang sana but when I saw Dylan's name nahulog na talaga ako sa kama at nasagot ko pa 'yong tawag.

"Hello," his voice was husky and deep. Wtf?

"Damn it!" I whispered. Nanginginig ako sa hindi ko malamang dahilan. Eto na naman ang D's effect. Hindi talaga ako masanay sanay sa kanya.

"Hello?" sagot ko. "Bakit?"

"Just checking on you," he answered.

I bit my lower lips. Shet shet shet! PAASA KANG GG KA! PAFALL TALAGA BWISEEEEEET!

"Mukha ba akong answer sheet para icheck mo?"

S I L E N C E

"CHAROT! WALEY!" Natawa ako sa kacornyhan ko.

"Hay naku, nabagok ba ulo mo kanina Annastacia?" he chuckled.

"Sira ulo ka ah!" inis ang boses ko pero ang totoo napapangiti ako. Shocks Anna kinilig ka don? Napangiti ako nang marinig ulit ang tawa niya. Minsan ko lang siyang marinig tumawa and I appreciate it so much when he laugh and he's with me or because of me. Actually, lahat naman ng ginagawa ni Dylan pinapansin ko.

And there I realized I'm in love with him. I still love him. Damn young love!

"Ang tahimik naman," he said.

"Ikaw itong tumawag kaya ikaw dapat ang magsalita,"

Tahimik lang siya sa kabilang linya kaya nag-isip ako ng pwedeng gawin. "Alam ko na, kantahan mo nalang kaya ako! I mean kumanta ka nalang," sabi ko.

"Ikaw ang may magandang boses sa ating dalawa Annastacia."

"Eh? di naman. Sige na kasi!" pamimilit ko.

"Wait..." nakarinig ako ng munting kaluskos galing sa kabilang linya. Ano namang ginagawa 'non?Pagkatapos maya-maya I heard the sound of the guitar.

"Naks! Haharanahin mo ako?" tumawa ako para kunwari nagbibiro ako.

Nag tsk lang siya tsaka nagstrum ng guitar.

Grade 8 pa ata siya nagpapractice mag gitara. Oo alam ko kasi minsan nagdala siya ng gitara sa school.

"Anong kakantahin mo?"

"Love yourself," sagot niya natatawa.

Ay fishtea naman! "Sige mag momove on na talaga ako," biro ko kunwari.

When I First Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon