Sa wakas natapos na ang Science Contest kaya Intramurals na naman ang aatupagin namin. Kami ang overall champion sa Municipal Level Science Contest. 'Yong mga nanalo sila ang magrerepresent na naman ng Municipality namin sa Division Level.Naging okay naman si Dylan pagkatapos nong nangyari. Buti hindi niya na masyadong dinibdib 'yon kasi wala naman siyang boobs. Kasi diba ang English ng wag mong dibdibin ay don't boobs it.
Hahahaha corny!
Anyway, tambay muna kami sa room ngayon dahil busy din ang mga teachers. Bukas na ang opening ng Intrams e.
"Oy Dy," hinarap ko si Dylan na nasa likuran ko. Magkatabi sila ni John dahil nag-uusap sila ng kung ano.
"Hmmm?"
Gagantihan ko siya ngayon ng banat niya noon sa Science Lab. May nabasa ako sa Facebook kagabi kaya naisipan kong gawin sa kanya. Hahahaha Akala niya siya lang marunong ha?
"Medyo nahihirapan kasi ako e, ano ngang tagalog ng expensive profit?"
"Mahal na kita?" patanong na sagot niya.
"Weh? Talaga? Hahahahahah" namumula na ata ako sa kakatawa dahil nadali niya ang tamang sagot!
"Wait..." kumunot ang noo niya.
"Ano ha? Hahahaha Yiiieeeee."
"Mahal na kita... Oh! You tricked me!" tinuro niya ako habang nakahawak ang kamay sa bibig niya.
"Luh siya? Trick talaga? Hahahahah Ewan ko sa'yo!" tinalikuran ko na siya kasi tapos na akong magprank.
"Hey you tricked me!" sabi niya.
Leche naman 'to. Nilingon ko siya ulit kaya lang napaatras ako dahil muntik ko na siyang mahalikan. Bat nandyan kasi ang mukha nyan! Jusko! Kinabahan ako don ha! Hindi pa ako handang makuha ang iniingatan kong first kiss!
"Hoy! Walang hiya!" sabi ko.
Tawa naman siya ng tawa. Syempre, gusto niya naman 'yon o baka nga sinadya niyang ilapit ang mukha niya doon.
"Ehem! Nakita ko 'yon! Yiieeeee,"
Bumaling ang atensyon namin kay Kate na tinutukso ata kami? Di ako sure. Pero sure na ako dahil nagtama ang mga mata namin at nanunukso niya akong tiningnan.
"lol! Hahahahaha" sabi ko nalang.
Nagkatinginan ulit kami ni Dylan at nagkibit balikat siya. Parang sira!
"You tricked me too!" sabi ko at humarap na ulit sa harapan.
Oo nga pala wala ang mga kaibigan ko rito kasi nagpractice sila ng sayaw. Mga dancerist kasi ang mga 'yon, ako lang ang hindi.
So sad. Char! Magpapractice rin naman kami mamaya ng banda e pag itetext na nila ako. Speaking of banda... Nasa harap sila ng room ko.
Gumala ang tingin ni Kiro sa room at nong magtama ang tingin namin ngumiti siya at kinawayan ako.
"Practice," he mouthed.
Tinanguan ko siya at sinimulan ng ayusin ang mga gamit ko.
Nilingon ko muna si Dylan bago umalis. Ang buang, hinawakan ba naman ang kamay ko na parang pinipigilan akong umalis.
"Don't leave me," sabi niya kaya natawa ako.
"Sira! Magpapractice na kami, bitawan mo na ako,"
"Sure ka? Practice lang?"
Hinawakan ko ang buhok niya at bahagyang hinila. Ang brutal ko na ata? Hahahah But in fairness ang lambot ng buhok ni Dylan.
"Practice nga! Parang sira ka naman e. Bitaw na kasi naghihintay na sila,"
BINABASA MO ANG
When I First Fell In Love
أدب المراهقينAnna never expected that her high school love change her life forever. Surrounded by friends and enjoying the highs and lows of teenage life, she thought she had everything figured out. But when she reconnects with Dylan, a snob and cold yet undenia...