We were having a seminar about moral recovery na hineld sa Mariwasa Hall. Kasama ko ang main friends ngayon.
Sa likuran kami banda umupo. Sa likuran namin nakaupo ang boys with Dylan. Katabi ko naman si Vanny at Nicole.
They were making fun of us like kakalabitin tas magp-pretend na hindi sila ang gumawa. Hindi naman nakisali si Dylan don. Ang pinakamakulit lang ay si John, ang walang hiyang si John!
"Ano ba?" reklamo ko at nilingon si John. Magkatabi sila ni Dylan pero kami ang magkatapat.
"Ano? Hindi ako ah. Si Dy," sabay turo niya kay Dy na nakikinig sa lecturer.
"Che! Tumigil ka ha sasapakin talaga kita!" banta ko.
Abat tinawanan lang ako ng siraulo. Maya-maya naramdaman ko na namang kumalabit siya kaya sinapak ko na. Natatawa ako kasi ang epic ng mukha niya.
"Leche ka talaga!"
Ayan na naman siya kaya nong sasapakin ko sana ulit siya pinigilan ni Dylan ang kamay ko at umiling.
Ayy, sinamaan ko si John ng tingin kasi natatawa siya.
Sabi ko nga, behave na ako e.
Pagkatapos ng seminar hindi na ako hinintay ni Dylan, hindi lang man siya nagpaalam at nauna ng lumabas. Nakakatampo naman.
Pagkatapos ng seminar, hindi ako sumabay sa main friends na maglunch. Sumabay ako kina Ella kasi nagbaon sila ng lunch at sa room sila kakain. Gusto ko rin kasing matulog sa room kaya sumabay na ako sa kanila.
Nakatulog na ako't nakabalik na si Dylan at magsisimula na ang first period sa hapon, hindi niya parin ako pinapansin. Ano bang problema niya? Nagselos ba siya kanina? Eh hindi naman siya seloso. Hindi ko rin siya pinapansin kasi hindi niya ako pinapansin. Wala naman akong kasalanan e.
Second period, major subject na namin sa ICT. Sa Computer Laboratory kami nagkaklase. Wala raw si Sir pero pumasok parin kami sa room dahil hindi pa pwedeng umuwi. Hindi pa papayagan ng guard.
Pinagbilinan kami ni Sir na kung wala siya magpapractice kami kung pano iconnect 'yong server sa client. Magkatabi kami usually ni Dylan pero dahil siya ang nakatokang magpractice ngayon, hindi kami magkatabi.
"Nag-away kayo?" pang-uusisa ni Demi. Siya ang katabi ko sa kabilang side.
I shrugged, "Hindi naman."
"Weh? Kanina pa kayo hindi naglalandian." Sabi niya kaya natawa ako.
"leche ka Demi!"
Ganon ba talaga kami ka PDA sa room? Na maninibago sila kung wala kaming ginagawa?
"Hahahaha. Mukhang galit si Master e," sabi niya.
Sabay naming nilingon si Dylan nang bigla niyang hampasin ang mesa. Nagulat kaming lahat at lahat ng kaklase namin tiningnan ako. Anong klaseng tingin 'yan?
"Hoy lapitan mo na!" bulong ni Rey.
"Bakit ako?" bulong ko rin.
"Malamang, ikaw ang girlfriend." Bulong naman ni Gelly.
"Alangan namang si Dina ang lalambing dyan!" sabi ni Demi.
"Hala, bakit ako?" si Dina.
Natawa kami sa reaction niya pero natahimik ulit dahil mukhang masisira na ni Master ang computer. At kung mangyayari 'yon syempre yari kaming lahat.
Tumayo na ako at dahan dahang lumapit sa kanya.
"Okay ka lang?" tanong ko.
Hindi niya ako pinansin at napabuntong hininga siya ng malakas. Dalawa ang upuan na nandoon kaya umupo ako sa tabi niya. Binitawan niya ang mouse at ang dalawang kamay ay sinuklay niya sa ulo, he looked so frustrated.
Haaays...
Hinawakan ko siya sa balikat,
"Anong problema?" tanong ko.
"Babe," tawag ko.
Bumuntong hininga ulit siya at hinawakan ang mouse.
"Ayaw magconnect e!"
"Icheck ko nga," sabi ko sa kanya. Binigay niya naman sa akin ang mouse. Chineck ko ang firewall o kung ano pa. Pati rin 'yong DHCP.
"Ioff kasi yan," sabi ko.
"Huh?"
"Ioff yan sabi ni Sir kaya hindi ka makaconnect kasi naka on." Sagot ko.
Distracted ata siya nong naglecture kami non kay Sir kasi nagkatampuhan kami. Ang rason? Nainis ako sa kanya kasi pinayungan niya 'yong kaklase namin dati tapos ako hindi. Walang hiya diba?
Binigay ko sa kanya ang mouse at siya na ang pinagawa ko. May kinalikot pa siya doon bago tuluyang kumunnect. Umalis na agad ako at bumalik sa inuupuan ko.
"Demi, ikaw na." sabi niya.
Dumaan siya sa likuran ko at umupo sa katabi kong computer.
Nagkatinginan kami ni Demi kasi nandon parin ang unapproachable aura ni Dylan.
"Goodluck," he mouthed.
Bwisit na Demi! Wala naman akong kasalanan. Tumitig lang ako sa computer at di siya tinapunan ng tingin.
"Busy," bulong niya.
Kanina ko pa nararamdaman ang titig niya kaya ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kahit kami nan i Dylan hindi parin nawawala ang epekto niya sa akin.
"Huh?" nilingon ko siya.
Inirapan niya ako at binaling ang atensyon sa computer. Dahil wala si Sir, magdodota na naman siya. Hinayaan din naman siya ni Sir mag install ng dota dito dahil naglalaro sila minsan.
Di na niya naman ako pinapansin. Nauubos na ang pasensya ko, ang bilis ko pa naman mainis.
"May problema ka ba?" tanong ko.
"May problema ba tayo?" Hinarap ko siya para makapag-usap kami.
Doon niya ako nilingon.
"Hindi mo ako pinapansin. May nagawa ba ako?"
He sighed at hinarap ako ng maayos.
"Wala, okay?" sagot niya.
Mas lalo akong nainis sa sagot niya.
"Wala kahit meron? Bahala ka nga!" sabi ko at humarap na ulit sa computer.
Nilapit niya ang upuan sa akin at sinandal ang ulo niya sa balikat ko.
"I'm sorry, I was just jealous."
I sighed. Kinakalma ko ang sarili dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko.
"Sana sinabi mo," mahinahon na sabi ko.
"I'm sorry. I thought my reason was petty,"
"Bakit? Si John ba?"
Tumango siya.
My ghad! Eh nag-aasaran lang naman kami non kanina.
"It scares me seeing you happy with someone else."
"Hindi naman dapat siya pagselosan kasi kaibigan lang naman 'yon Dy."
"Minsan naiisip ko kung masaya ka pa ba sa akin?"
Inalis ko ang ulo niya sa balikat ko para harapin siya ng maayos.
"I love you," sabi ko hoping that whatever doubt na nararamdaman niya ay mawala. I kissed him on his forehead.
"Ikaw lang Dy, I love you so stop overthinking."
BINABASA MO ANG
When I First Fell In Love
Teen FictionAnna never expected that her high school love change her life forever. Surrounded by friends and enjoying the highs and lows of teenage life, she thought she had everything figured out. But when she reconnects with Dylan, a snob and cold yet undenia...