Chapter 11

27 0 0
                                    

Lunes, maaga akong pumasok dahil tinext ako ni Janna. Hindi niya raw natapos ang assignment niya kagabi kaya kokopya siya ngayon. Medyo hindi niya kasi nakuha yung isang solvings sa Math. Nagets ko naman kaya tutulungan ko siya.

"Ayy gurl, pakopya!" bungad niya pagdating ko sa room.

Kinuha ko naman agad sa bag ko ang assignment at binigay sa kanya. Pinanood ko lang siya at tinuro nadin sa kanya yung hindi niya magets.

"I'm done!" anunsyo niya.

"Hoy! Pakopya din!" si Rica na kakarating lang. Tumabi agad siya kay Janna at kinuha ang papel nito.

"Hoy ikaw!" hinarap ako ni Janna.

"Hoy ako. Bakit?"

"Hinatid ka ni Dylan nong Friday ah. Ayiiieeee!" sabay kurot niya sa tagiliran ko. Hinampas ko naman agad ang kamay niya.

"Gaga! Anong ayiiiee."

"Sus, if I know kinikilig yang bilat mo! Ikaw pa, basta sa ex mong yun!"

Napailing ako dahil sa sinabi niya. "Bunganga mo, Janna!"

"Ay bakit?! Hindi ba totoo? Marufokfok ka kaya pagdating kay Dylan! So anong nangyari? Ikaw ha! Wag mo akong echosen alam kong meron yan!" mahabang lintanya niya.

Wala pa nga akong sinasabi pang eechos agad.

"Ano bang iniexpect mong mangyari?" kunot-noong tanong ko.

"Wala naman, baka muling naibalik na ang tamis ng pag-ibig niyong dalawa."

"Hinatid lang, nagbalikan na?"

"Alam mo namang wala silang label diba?" singit ni Rica.

"Friends nga lang kami diba?"

"Friends my ass!"

"So anong plano mo dun kay Kiro? Sasagutin mo ba yun?"

I just shrugged. Hindi pa naman kasi ako nakakapagdecide.

"Sinong pipiliin mo, iha?"

"Kailangan ko ba talagang mamili?"

"Aba! Oo, hindi naman pwedeng sabay silang umaaligid sa'yo 'no."

Naalala ko tuloy yung tinanong ako ni Xavi, kung ako yung babae sino ang pipiliin ko? yung mahal ko o mahal ako? And I answered, yung mahal ako kasi matututunan ko namang mahalin yun. And thinking of it now, matututunan nga ba?

Ah, oo nga pala. Hindi niya naman ako inupdate kung anong nangyari don sa story na binabasa niya. Matanong nga mamaya.

"Kung ako sa'yo paprangkahin ko si Dylan kung mahal niya pa ako. Cause girl, he's so confusing! Kung mahal ka niya, he should make you his girlfriend at kung hindi naman, he must leave you alone and stop acting like he's a jealous boyfriend!"

Akala naman niya madali yun. Tsk.

"Ewan ko, Janna. Nasstress ako," sagot ko nalang.

Buti tinigilan niya na rin ako dahil sa pagdating ng ibang kaibigan. Nagbatian kami at nagchika about sa nangyari nong Acquaintance. Katulad ni Janna, kinulit din nila ako anong nangyari nong hinatid ako ni Dylan.

Ano bang iniexpect ng mga 'to?

"Wala ata si Ma'am," puna ni Rhea.

Napatingin ako sa relo ko, 8:30 na nga. Mukhang hindi na siya papasok. Inikot ko ang tingin ko sa classroom, si Dylan din hindi pa dumarating. Late na naman ata? Eh ang lapit lapit ng bahay e.

Speaking of, pumasok na siya suot ang malinis niyang uniform. Nagtama ang tingin namin pero umiwas naman ako agad. Ayan na naman ang puso ko. Kumakabog na naman ng malakas. Kailan kaya mawawala ang epekto ni Dylan sa'kin? O mawawala pa kaya?

When I First Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon