Chapter 15

8 0 0
                                    


Saturday came and it was Kiro's birthday. Gaya nga ng usapan namin ni Vanny sumama siya.

It was 5pm when we arrived at Kiro's house. Hindi na kami nagpasundo sa kanya dahil hassle naman 'yon. Birthday niya tapos papasundo pa kami? Ngi. He offered but I declined.

"Happy birthday Kiro!" I greeted.

Nagdadalawang isip ako kung yayakapin ko ba siya but I hugged him anyway.

"Naks, best gift!" sabi niya.

Pinalo ko siya sa braso dahil don.

"Sira! Ito 'yong gift," sabay abot ko ng regalo ko.

Tinanggap niya naman ito at sinuri habang nakangiti. Napailing ako habang nakangiting pinapanood siya, ang cute lang.

"Oy, nandito pa ako. Happy birthday Kiro!" si Vanny.

"Thank you, Van. Nasa loob na si Ashton, hinihintay ka niya."

Kiro winked at me dahil tinutukso niya si Vanny kay Ashton. Alam din pala niya.

"Luh? Pake ko naman don! Tara na nga, nasan ba siya?"

Natawa nalang kami ni Kiro dahil nauna ng pumasok si Vanny. Giniya kami ni Kiro sa Garden nila, nandon na ang kabanda namin at ibang kaklase at kaibigan ni Kiro. Pinansin ko naman ang mga kakilala at nginingitian ang mga nakakasalubong ko ng tingin.

Nilagay muna namin ang gift doon sa table para sa mga gifts tapos si Vanny naman ay pinaupo na ni Ashton doon sa table nila.

"Tara... Ipapakilala kita kay Mama," sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

"Wait ano?" napahinto ako sa paglalakad kaya huminto rin siya.

He smirked, "Scared ka?"

"Hindi naman hahaha Nahihiya lang?"

"Don't worry, mabait si Mama."

Hala naman! Hindi naman kailangan pero sige na nga bilang respeto narin na nandito ako sa party. Huhu Nakakahiya

Pumasok kami sa loob ng bahay nila Kiro, dumiretso kami sa kusina kung nasaan ang Mama niya. Binabati ko rin ang mga taong nakakasalubong namin. Relatives ata ni Kiro.

"Ma!" tawag ni Kiro sa Mama niya. Nagb-bake ata siya dahil may mga flour sa mesa.

"Oh anak?" nilingon niya si Kiro at napunta ang tingin niya sa akin.

Maganda ang Mama niya, may mga features si Kiro na manang mana sa kanya. Gaya nalang ng mata at ilong.

"Ma, si Annastacia. Nililigawan ko po,"

Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Kinabahan tuloy ako kasi naman itong si Kiro.

"Hello po," I greeted then smiled.

Hindi ko alam anong gagawin ko kaya iniextend ko nalang ang kamay ko for a handshake.

"Luh? Masyado namang formal, Anna. Let's make beso nalang,"

Ngumiti siya kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil don. Lumapit ako sa kanya para bumeso.

"Itong si Kiro ba nanliligaw ng maayos? Naku! Pag ikaw talaga sinaktan ng batang 'to, sabihin mo sa akin uupakan ko 'to." Biro niya.

"Ma naman," napahawak si Kiro sa batok niya.

"Hehe maayos naman po, Ma'am." Sabi ko.

"Too formal, Anna. Just call me Tita. Okay?" she smiled sweetly.

"Okay po, Tita."

"Labas na po kami, Ma. Kakain lang," paalam ni Kiro at hinawakan ako sa magkabilang balikat at dahan dahang tinulak palabas ng kitchen.

When I First Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon