Chapter 1

71 2 0
                                    


  Ako po si Lee Daniel Argoncillo nag-iisang anak nina Maundy Austin Argoncillo - isang Cardiologist and Katerina Argoncillo - isang dentist. Hindi naman kami ganon kayaman ayos lang. Sapat lang ang pera namin sa pang araw-araw na gastusin at kunting luho. Kami ay tubong Cavite at don ako nag-aral mula elementarya hanggang 2nd year college. Ngaung magti-3rd year college na ako napipintong lilisanin ko na ang lugar na kinalakhan ko. Wala akong magagawa. Ito ang kagustuhan ng mga magulang ko. Oo nga pala, para may idea naman kau kung ano ang hitsura ko ededescribe ko ang sarili ko. Hindi naman ako ganoon katangkaran tamang tama lang. 5'9" toned ang mga muscles, medyo maputi, may katangusan ang ilong, nangungusap na mga mata at may mapupulang mga labi (syempre walang bisyo eh). Kung sa mga babae pa, masarap halikan. Ang buhok? Tama lang din at maalon-alo at nakagel lagi kaya parating nasa ayos depende sa get up. Pumurma? Lalaking-lalaki. Nakajacket lagi na itim at ang panloob eh laging puting t.shirt para malinis tignan. Nakapantalon lagi at mahilig sa rubber shoes. Naiimagine nyo na ba? Wala naman akong tanong tungkol sa kasarian ko. Madaming gilrfriends at ilang sex experiences. Di naman ako ganon ka manyak eh. Saka marespeto akong tao. "Nakapag pack ka na ba ng mga gamit na dadalhin mo sa Iloilo anak?" (tama kau ng basa mga dre. Sa iloilo kami lilipat) tanong ng aking ina pagkauwi ko galing sa galaan. "Opo Nay" ang sagot ko sa aking ina. Nakaimpake na talaga ako kahapon pa. Excited ba ako? Nah, hndi. Pano kasi wala naman akong kilala don eh. Di ko alam kung ano ang madadatnan ko don, namin don. Magmamigrate na kasi cla auntie sa Australia at ini-offer ang bahay nila sa amin sa Iloilo. Nasayangan naman si Mama kasi napakalaking bahay yon. May flower garden, botanical at kung ano ano pa. Malapit pa sa fishpond na pagmamay-ari din ni Auntie. Umakyat na ako sa aking kwarto at nagpahinga. 9:30 na din naman kasi ng gabi at bukas kasi lilipad na kami papuntang Iloilo kasi kelangan naming maabutan ang enrolment don. Don na din magpapatau ng clinic cna mama at papa. Mababait naman cla kaya nasisiguro kung ndi cla mawawalan ng mga customers dagdagan pang mga magagaling tlaga cla sa larangang napili nila. Nagising ako bandang alas singko ng umaga. Dapat kasi nasa airport na kami at naka check-in 1 hour before the flight. "Anak handa ka na ba? Tanong ni papa. "Opo Pa" ang sagot ko naman "Halika na", si mama naman yon. Gumayak na kami. Nag antay ng flight namin. Inilabas ko ang aking ipod at nakinig sa music. Nasabi ko bang magaling akong kumanta? Hmmmn. Di sa pagmamayabang pero nagtataglay ako ng boses na nakakahalina. After 50 minutes cguro lumanding na ang eroplanong sinasakyan nami sa Iloilo Airport. Bumaba kami ng eroplano, dumaan sa checking area at lumabas at nag antay ng taxi na maghahatid sa amin sa Zarraga. Yes, you read it right. Zarraga, Iloilo. Nang maihatid na kami sa mismong bahay ni Auntie napa WOW tlaga ako. Ang ganda ng bahay at malaki kumpara sa bahay namin sa Cavite. Pumasok na kami at nagpahinga muna sandali. Pinaghanda kami ng pagkain ng katiwala ni Auntie at pagkatapos non hnatid nya na kami sa kanya-kanyang kwarto. At ulit, napa wow nanaman ako kasi ang ganda ng kwarto ko, napinturahan ng blue at malawak at may malambot na kama. Humiga ako sa kama at hndi namalayang nakatulog pala ako. BAndang alas otso na nang gabi ng magising ako. Tamang tama lang para sa dinner. "O anak, kumain ka na, masarap ang pagkaing inihanda ni Tely", ani ni mama. "cge po ma" daglian kung sagot at napansin kong wala si Papa. "Asan si Papa ma", tanong ko kay mama, sagot naman ni mama nag-iinuman daw sa kblang bahay nayaya raw kasi bgong kakilala. "Bukas pala anak mag eenrol kana sa U.S.A. Sabi ni Mama. "U.S.A Ma? Ano yang USA? Tanong ko naman kay mama. "University of San Agustin anak, at sasamahan ka nlang bukas nitong anak ni Tely (katiwala ni Auntie) don din kasi un nag-aaral" paliwanag ni mama. "Okay po Ma." pagkatapos maghapunan umakyat na ko sa taas at nagbukas ng fb. Like dito like don, chat sa mga kaibigan ko at tapos non natulog na ako. Kinabukasan. "Hi Kuya, ako po pala si Alma anak ni Telly. Good morning po. Ako ang sasama sau ngaun. Si Alma? Magandang babae at 1st year nursing student din sa USA sa pasukan. Ngumiti lang ako sa kanya at niyaya na syang umalis para maaga kaming matapos. Nakakailang nga lang syang kasama kasi tingin ng tingin kasi sya sa akin. Tinanong ko sya bakit? Ang sabi lang nya, "Ang gwapo-gwapo mo kasi kuya eh, madaming babae at bakla ang magkakandarapa sayo sa skul." tinanong ko sya, "Bakit ngaun lang ba cla makakakita ng gwapo? Sbay tawa. "Hndi naman kuya, may mga gwapo din don, lalo na si Orwin ang team captain ng basketball team namin. Mas matangkam lang sau ng kunti" saka tumawa rin. Umokay nlang ako at nagtulugtulugan sa bus. Pagdating namin ng Tagbak Terminal eh sumakay kami ng Jeep na Jaro liko kasi dumadaan daw un sa USA. Pagdating namin don, "ah cge, okay din naman pala ang skul, malaki din at maganda kaht papano, di katulad ng sa Lyceum kung saan ako nanggaling pero malinis. Pumila kami don sa ngbbgay ng forms nag fill-up at pumila sa cashier. Sya nga pala BSED major in Math ang kursong knuha ko sa Lyceum at ipagpapatuloy ko yan dito sa USA. Papalabas na kami ng gate ng biglang, "Aray, p*tang ina, ang sakit ah. Nalaglag pa ang mga papeles ko. Tinignan ko ang nakabunggo sa akin at holy cow, nagulat ako sa nakita ko, ang nasa harapan ko ay isang matangkad na lalaki, mas matangkad ng kunti sa akin, moreno, may makapal na kilay na bumagay sa mukha, matangos na ilong at mapupulang labi. Namumungay na mga mata at nakasuot ng pambasketball na uniform. Hndi ko maipaliwanag ang naramdaman ko ng mga panahong iyon. Sumikdo ang dibdib ko at sobra akong knabahan at nakita kong parang ganon din sya sa akin. Di nga sya kumukurap eh. Kung di pa sya inaya ng mga kasama nya eh hndi pa sya aalis. Lumakad narin ako kasi hnhntay na ako ni Alma. Nilingon ko ang lalaki at lumaki ang mata ko ng lumingon din sya. Nagkasalubong ang tingin namin at sa dahil nahya ako tumalikod ako uli ngunit d nakalgtas sa paningin ko ang ngiting sumilay sa kanyang mga labi. Cnu kaya sya? 

Itutuloy. . . . . .  

If We Ever Meet Again... SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon