Lee's POV
Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng mga katok sa pinto. Tumingin ako sa bintana at nakita kong madilim na pala. Nakatulog agad ako nung humiga na ako sa aking kama pagdating ko kanina. Tumayo na ko sa kama at binuksan ang pinto at tadaaan. . . . Standing right in my door step is no other than the hot and handsome Orwin the great! Whattt? Crap! Erase that! You haven't read anything. Lol. He is only wearing a sando and a boxer shorts while I am wearing a shirt with a print "Catch Me I'm Fallen" and a jersey shorts. Pagkabukas ko ng pinto agad2x syang pumasok at humiga sa aking kama. Parang kanya eh no? Tsk. Ni hndi man lang bumati muna. Lumapit nalang ako sa kama at umupo narin. Ibubuka ko na sana ang aking bibig upang magtanong ngunit naunahan nya akong magsalita. "Is the message in your shirt for me? Hmm? Namula yata ako sa sinabi nya. Pano kasi nakangiti sya ng pagkaganda-ganda habang sinasabi ung mga un. Kinilig yata ako bigla. What? What the. . . . . ? Kilig? Where the hell did that idea came from? Am I being possessed? Tsk. Imbes na sagutin ko ang tanong nya eh tinanong ko nlang din sya kung bakit sya nasa kwarto ko. "Wala lang. Gusto ko lang makipagkwentuhan sayo para magkakilala pa tau ng mbuti. Mula kasi nung magkabunggu-an tayo sa may gate ng skul may naramdaman na akong kakaiba sau. Gusto nga sana kitang kausapin non kaso hinatak nlang ako bgla ni Adrian. Gusto kitang maging kaibigan. Alam mo yon? Parang may pwersang humahatak sa akin papunta sau. Hndi ko nga maintndhan. Alam ko nong Sunday lang tau nagkakilala ng pormal pero kasi pakiramdam ko matagal na kitang kilala. Kaya nga binibiro at inaasar nlang kita minsan kasi di ko kayang pakibagayan tong nararamdaman ko. Naiintndihan mo ba? Napatulala ako ng marinig ko ang mga sinabi nya kasi pareho kami ng nararamdaman. At ang bilis-bilis nanaman ng tibok ng dibdib ko. "Natulala ka na dyan? Nagulat ba kita? Oi hndi ako bakla ah. Baka un ang isipin mo." sabi nya nang di ako umimik. Ngumiti ako sa kanya sabay batok. "Aray, ba't ka ba nambabatok? Ang sakit non ah. Batukan din kaya kita." sabi nya sabay amba ng kamay. Syempre ayaw kong matamaan kaya tumayo ako at dumistansya sa kanya sabay ngisi. "Tsk, bumalik ka nga dito, hindi na ako gaganti." sabi nya. Umupo ako ulit sa kama ngunit laking gulat ko ng hatakin nya ako sa kanyang tabi sabay sabing. . . "Humiga ka nga". Syempre kama ko naman to at saka gusto ko rin namang humiga eh humiga narin ako. "Alam mo, patay na ang papa ko kaya ang kasa-kasama ko nalang sa buhay eh ung mama at si yaya. Iyong mga relatives naman namin nasa Bacolod." umpisa nya nang makahiga na ako. Di ako nagsalita at nakinig lang sa kanya. "Nag-iisang anak lang ako at halos si yaya na ang nagpalaki sa akin busy kasi lagi si Mama. Minsan naghahanap ako ng atensyon. Ang hirap pag nag-iisang anak ka lang. Wala kang makakausap." dugtong pa nya. "Eh parang masaya ka naman eh. Parang masayahin ka namang tao". Sagot ko sa kanya. "Masayahin tlaga ako, kaso minsan di ko maiiwasang malungkot lalo na pag andito na ko sa bahay pagnakauwi na ko dito." sagot din nya. "Eh ikaw ba?. Tanong pa nya sa akin. "Ako? Nag-iisang anak din ako katulad mo. Ang pinagkaiba lang natin eh, kumpleto pa ang parents ko at I think I am lucky kasi supurtado nila ako sa lahat ng gagawin ko. Masayahin din akong tao. Independent. Hndi ako spoiled." sagot ko kay Orwin. "Ah, ang swerte mo pala." sabi pa nya. "Maswerte ka rin naman eh. Maganda ang buhay mo. Di ka naman pinababayaan ng mama mo saka mahal ka naman non cgurado." Tumingin lang sya sa akin at ngumiti. "May girlfriend ka ba?" bigla nyang tanong. Parang gusto kong tumawa. Ang seryoso ng usapan eh tapos bgla nyang ipinasok ang ganyang tanong. "Wala na. Matagal na kaming hiwalay non. Eh ikaw? " sagot ko sabay tanong din. "Wala narin! Naghiwalay kami nung umalis sya papuntang America. Ayaw pa nga sana nyang maghiwalay kami kaso I don't do long distance relationship." sagot nya. Ngumiti sya sa akin, hinawakan ang aking mukha at iniharap sa kanya sabay sabing, "Total, wala naman akong gf at wala ka rin bka pwdeng ikaw nlang maging gf ko?" sabay ngisi. Ayon, napaaray nanaman sya kasi binatukan ko. "Nawiwili ka na kakabatok sa akin ah." sabi pa nya at sumimangot. "Gago ka kasi, ginagawa mo akong bakla". Sagot ko naman. Sumeryoso ang mukha nya at itinutok ang paningin sa kisame. Nakatihaya kasi sya. Ako naman nagseryoso nadin. Tumagilid ako sa paghiga. Tinignan ko sya. "Alam mo pareho naman tau nang nararamdaman eh. Parehong-pareho." sabi ko sa kanya. Mukhang nagulat sya sa narinig nya mula sa aking kaya bigla syang humarap sa akin at shocks. . . . . Nagblush yata ako bigla. Isang dangkal lang kasi ang lau ng mukha nya sa mukha ko. Grabe, may mga daga yatang bglang naghbulan sa dibdib ko. Ngumiti sya sa akin ng pagkatamis-tamis at magsasalita sana pero bgo pa sya makapagsalita eh inunahan ko na sya. "Opps teka, alam na nating pareho na pareho tau ng nararamdaman pero sa tingin ko di pa natin alam din pareho kung ano itong mga nararamdaman natin. Hindi tau sigurado kaya kung pwde hayaan nalang muna natin ito at wag na munang isipin at kung pwde wag na muna nating pag-usapang muli. Hayaan nalang muna natin kung ano man ito. Bka pareho lang taung nasasabik na magkaroon ng isang kapatid kaya ganon." Nakatingin lang sya sa akin habang nakikinig. Naintindihan nya naman siguro ako kaya sya napapangiti ngaun. "Sige, alamin at siguraduhin muna natin ito. Hindi din ako sigurado eh. Banyaga sa atin pareho ang ganitong pakiramdam kaya tama ka, dapat tayong magdahandahan. Pero may isang request lang sana ako." sagot naman nya. "Ano namang request yon?" tanong ko. "Kung pwde mula ngaun magbestfriend na tayo". Sagot naman nya. "Oo ba" sagot ko naman. Ngumiti sya sa akin ipinikit ang mga mata sbay wikang. "Salamat, sige ma2log muna tayo, di pa nakakaluto si yaya ng hapunan natin eh. Kakatok naman un mamaya paghanda na ang hapunan natin." Ngumiti rin ako at nagnod nalang. Ipinikit namin ang aming mga mata pareho. Syempre ako nakatulog na kasi kaya pumikit lang ako. Inantay ko lang na makatulog siya kasi may gusto akong gawin. Lol.
Itutuloy. . . . . .
BINABASA MO ANG
If We Ever Meet Again... Someday
RomanceThis story is not my own work. I posted it here to share not only the story itself but the lesson you can get. Ready yourself to fall in love, breakdown and get angry.hehehe joke lang po