Orwin's POV
Ano ang nangyari kay Lee? Bakit hndi nya ako pinapansin? Ano ang nagawa kong mali? Ni hindi man lang nya ako nilapitan at binati pagkatapos naming manalo kanina sa laro. Ano ba ang nangyayari. "Ano bang nangyayari sau Pre? Mukhang di ka mapakali ah?" tanong ni Adrian. Nasa canteen kami ngaun at kumakain kasama ang mga kasamahan namin sa team. "Ah wala naman." sagot ko nalang. Mga ilang minuto pa ang lumipas ng namataan kong papasok sina Lee at Shanniah ng Canteen. Lalapitan ko sana sila ng kinausap naman ako ni Adrian. "Pre sabay taung uuwi mamayang hapon ah." "Cge." sagot ko naman sa kanya habang ang mga mata eh nakapokus kina Lee. Naguguluhan na talaga ako. Alam kong nakita nya kami pero ni hindi nya ako tinitignan. Kanina ko pa hinuhuli ang mga tingin nya pero talagang umiiwas ito. "Saka may sasabihin ako mamaya Pre." dugtong pa ni Adrian. Lumingon ako sa kanya. "Ano ang sasabihin mo pre? Hindi ba pwdeng sabihin mo na ngaun?" tanong ko naman. "Mamaya nlang pagtayo nlang dalawa. Mdyo personal kasi eh." sagot naman nya. "Ah okay." sabi ko nalang. Minsan pa tinignan ko si Lee ngunit laking gulat ko ng magkasama na sila nila Caden at masayang nag-uusap habang paalis. Gusto kong magwala. Kumikirot ang dibdib ko. Kung saan pa't tanggap ko na ang nararamdaman ko saka naman parang naging kumplikado ang lahat. Oo nagseselos ako. Alam kong may gusto din si Caden kay Lee, kitang kita yon sa mga kilos nya. Nakakaasar. Kahit sabihin pang pareho kami ng nararamdaman ni Lee pero wala akong kasiguraduhan don dahil kung ako sigurado na sa nararamdaman ko si Lee naman confused pa. At natatakot akong baka mabaling ang tingin nya kay Caden lalo pa't palagi silang magkasama. Shit. Kailangan ko nang kumilos. "Halika na Pre pasok na tau." yaya ni Adrian sa akin. Pumasok kaming dalawa sa panghaponang klase namin na magulo ang isip at natapos ang mga ito na wala akong learnings ni kunti. "Uwi na tayo!" yaya ko kay Adrian. "Cge pre, kunin ko lang ang sasakyan ko." sagot naman nya. Nang nasa byahe na kami tinanong ko si Adrian kong ano ang sasabihin nya. "Pwde ba Pre daan muna tau sa coffeebreak at magkape? Don ko nalang sasabihin." sagot nya. Nahalata kong parang ninenerbyos sya. Parang kinakabahan. Nacurious tuloy ako sa sasabihin nya. Pagkadating namin ng coffeebreak tinanong nya ko kung ano ang order ko. Pagkakita ko ng mga nakadisplay na mga cake nagu2m ako bigla saka natawa ako don sa pangalang ng isang cake nila. "Ice Caramel Macchiatto nalang saka itong Better than Sex na cake. Subukan ko nga kung mas masarap nga to sa sex." sagot ko sabay tawa. Napatawa din si Adrian pati narin ang cashier at ang ilang crew na nakarinig. Rockyroad Frappe ang inorder ni Adrian para sa kanya at pinarisan nya ng oreo cheesecake. Pagkakuha namin ng order namin umupo na agad kami sa isang mesa na nasa isang sulok para walang makakarinig sa usapan daw namin. Infairness ah. Masarap nga ung better than sex nilang cake. Paubos na ang inorder naming cakes at drinks ng mag-umpisang magsalita si Adrian. Halatadong kinakabahan sya. "Pre may sasabihin ako sayo. Pero sana wag kang magalit at sana walang magbabago sa atin pagkanarinig mo na ang mga sasabihin ko. Sana maintindihan mo ako." panimula nyang salita at kahit na kinakabahan din ako sa kung ano ang sasabihin nya umuo nlang din ako. "Matagal na tayong magkakilala pre, matagal na tayong magkaibigan. Hindi ko naman to ginusto pre pero may nag-iba na sa akin. Alam kong hindi ito dapat nangyari pero wala akong magawa. Nangyari na. Hindi ko na napigilan pero ginawa ko naman ang lahat para pigilan to eh pero kaso lang pre ang hirap. Kahit anong pigil ko nararamdaman at nararamdaman ko parin ito. Alam ko makakaapekto ito sa pagkakaibigan natin lalo pa't siguro hindi tau pareho ng nararamdaman kaso lang pre hindi ko na tlaga kayang pigilan. Kaya naglakas loob nalang akong sabhin ito ngaun sau kahit pa walang kasiguruhang magugustuhan mo ang sasabihin ko. Maniwala ka pre sinubukan kong pigilan pero hindi ko kinaya." Ibinitin muna nya ang sasabihin upang huminga at mag-ipon ulit ng lakas ng loob habang ako naman hindi na mapakali sa kinauupuan ko. Kinakabahan nadin ako sa tinutumbok ng mga salita nya. "Sana talaga maintindihan mo pre." pagpapatuloy nya. "Hindi ko talaga sinasadya. Nagising nalang ako isang araw na iba na ang nararamdaman ko. Mahal na kita hindi bilang isang kaibigan kundi bilang ikaw." Kahit pa alam ko na ang gusto nyang sabihin nagulat parin ako. Iba parin talaga pag narinig mo na. Tinignan ko lang sya. Pilit inuunawa lalo na ang sitwasyon. Nakayuko lang sya at mukhang umiiyak. Naawa naman ako sa kanya. Gusto ko syang e comfort bilang isang kaibigan kaso dyahe, daming tao kaya hinayaan ko nalang muna sya. Siguro kung dati nya pa ito sinabi sa akin ng hindi pa dumadating sa buhay ko si Lee bka nagalit ako sa kanya. Sa kaibuturan ng puso ko naiintindhan ko ang nararamdaman nya. Tumayo nalang ako, tinapik ang balikat nya. Tumingin sya sa akin na namumula ang mga mata. Ngumiti ako sa kanya at dahil don mdyo nagliwanag na ang mukha nya. Inaya ko na syang umuwi. Habang nasa byahe kami wala kaming imikan. Pagkadating sa bahay hindi muna ako bumaba sa sasakyan nya. Ayaw kong lumipas ang nangyari nang walang gnawang aksyon dahil baka sa huli masisi pa nya ako dahil hindi ko agad nasabi sa kanya ang mga dapat kong sabihin. "Pre, nakakagulat ang mga sinabi mo kanina. Hindi ko ineexpect yon. Wag kang mag-alala naiintindihan kita. Kaso lang pre ngaun palang sinasabi ko na, alam kong masasaktan ka pero kailangan ko na tong gawin ng mas maaga. Hindi tayo pareho ng nararamdaman." huminga muna ako ng malalim habang sinasabi un. Sumisikip din ang dibdib ko dahil nasasaktan ko sya. Kitang kita ko un ngaun habang nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha nya. "Hindi kita pinipigilan dyan sa nararamdaman mo pero kung ako ang tatanungin mo mas maiging ibaling mo nlang sa iba yang nararamdaman mo dahil hindi ko kayang suklian yang pagmamahal mo. Masasaktan ka lang dahil may mahal na akong iba. Oo, tama ka ng dinig. May mahal na akong iba Pre. Pasensya na kung nasasaktan kita ngaun pero mas mbuti nang ganito kaysa sa umasa ka." dugtong ko pa. Walang tigil ang pag-agos ng mga luha nya. Awang-awa na ako sa kanya pero wala akong magagawa. Masasaktan at masasaktan ko sya. "Wag kang mag-alala magkaibigan parin tau. Walang magbabago don. Pangako.". Nakita ko syang ngumiti kahit papano dahil sa huli kong sinabi. Kahit papano gumaan din ang pakiramdam ko. Bago pa ko bumaba eh niyakap ko muna sya. Bababa na sana ako ng sasakyan nya nang makita kong nasa harap ng pintuan si Lee at nakatingin sa amin. Hindi tinted ang crystal ng sasakyan ni Adrian kaya kitang kita nya ang pagyakap ko dito. Hindi ko mailarawan ang ibinabadya ng mukha nya. Dalidali syang pumasok sa loob. Nagpaalam ako kay Adrian saka pumasok. Kumaway pa ako bgo sya umalis. Wala si Lee sa sala. Nasa kwarto nya sya sigurado. Paakyat na sana ako sa taas ng lumitaw si Yaya sa may bukana ng kusina. "Anak, ano ang gusto nyong hapunan.?" tanong pa nya. "Kahit ano nlang ya." sagot ko naman. Umakyat na ako sa taas. Nang mapadaan ako sa kwarto ni Lee nagtatalo ang isip ko. Kakatok ba ako oh hindi? Kakausapin ko ba oh hindi? Nagdadalawang isip ako. Pagod ako sa mga nangyari ngaung araw. Physically and emotionally. Kaya ipinagliban ko na muna ang pagkausap sa kanya.
Itutuloy. . . . . . .
BINABASA MO ANG
If We Ever Meet Again... Someday
Roman d'amourThis story is not my own work. I posted it here to share not only the story itself but the lesson you can get. Ready yourself to fall in love, breakdown and get angry.hehehe joke lang po