Chapter 5

22 0 0
                                    

 Lee's POV 

Araw ng linggo, araw na ng paglipat ko sa aking boarding house. Nakahanda na nga ang mga gamit ko mula ulo hanggang paa. Excited na ako! Orwin's POV "Yaya! Sigaw ko habang bumababa ng hagdan. 4:30 P.M na un ng hapon, araw ng linggo. "Alis muna ako Ya, may pupuntahan kami ni Adrian." "Anak naman, alam mo namang ngaun na lilipat ung boarder natin eh di ba? Kailangan mo syang makita at makilala." "Eh Ya naka oo na ko don eh. Mamaya nalang po pagdating ko." "O sya cge, ikaw na nga ang bahala. Mag-ingat kau ah! "Okay Ya. Salamat Po. Lumabas na ako ng bahay at nag-abang ng jeep. May Motor naman ako kaso sa pasukan ko nlang gagamitin un. Sayang din ang panggasolina ko don eh. Gagala lang naman kami. Lee's POV Naalimpungatan ako ng huminto na ang bus na sinasakyan ko mismo sa Tagbak terminal. Nakatulog pala ako. Bumaba na ako ng bus at sumakay ng jeep papuntang boarding house. Habang lulan ako ng jeep hndi ko talaga maipagkakailang naeexcite ako. Ewan ko nga ba! Parang kung may anong kiliti ang dulot sa akin ng kaisipang don na ko titira sa boarding house buong duration ng klase. Pinara ko na ang jeep ng mapansin kung nasa tapat na ako ng gate ng bahay. Bumaba ako ng jeep at nagdoorbell. Maya-maya lang bumukas na ang gate at sinalubong ako ng babae ng may malawak na ngiti sa mga labi. "Hali ka, pasok ka anak." Ngumiti din ako at sumunod sa kanya papasok. "siya nga pala anak, wala dito ang alaga ko ngaun kasi may pinuntahan sila ng barkada nya. Mamaya ka nalang daw nya ewewelcome at kilalanin. Wag kang mahihiya dito okay? Kung may kailangan ka wag kang mahhyang magsabi ha? "Okay poh." sagot ko naman. "At isa pa pala, since dito ka narin titira anak eh, yaya nalang din ang itawag mo sa akin. "Okay po Yaya. " sagot ko naman. "Ilang taon na nga po pala yong alaga mo ya? Tanong ko pa. "Magbebente na un anak. Graduating na un next year sa Business Management at iisang skul lang kau." ang sagot ni yaya. Ngumiti nlang ako at di na nagsalita. "Hali ka na anak, hatid na kita sa kwarto mo." "Cge poh Ya." Umakyat na kami sa itaas. Binuksan nya ang kwarto at pinapasok nya ako. "So panu anak, ilagay mo na yang mga gamit mo jan at magrelax. Kung gusto mong mag snack pumanaog ka lang don sa kusina at andon lng ako. Wag mahiiya." "cge po ya." Inilagay ko na ang mga gamit ko sa cabinet at pagkatapos nahiga. Hndi ko namalayang nakatulog na pala ako. Mga bandang 9:30 ng gabi ng magising ako. Lalabas na sana ako ng kwarto ng may naring akong parang may nag-uusap sa labas. Lumapit ako sa pintuan upang maring ko ng maayos ang kanilang pinag-uusapan. Lalaki: Andyan ba sya sa loob Ya? Ah, si yaya pala at cguro yang kausap nya eh ung alaga nya. Ang ganda ng boses ah. Baritono. Lalaking-lalaki. Yaya: Oo. Kanina pa. Tulog na tulog na nga cguro kasi kanina pa kinakatok para maghapunan sana pero hndi sumasagot. Lalaki: Ah okay Ya. Ipaghanda mo nlang bukas ng masarap na agahan. Yaya: Sige anak. Lalaki: matutulog na ako ya at ya, wag nyo po ako isumbong kay mama na ginabi nako ng uwi ah. Di ko na narinig ang sagot ni yaya kasi bumalik na ako sa aking kama. Nagbago na ko ng isip. Hndi na ko lalabas para kumain total di naman ako nagugutom. Matulog nlang ako. 

Itutuloy. . . .  

If We Ever Meet Again... SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon