Orwin's POV
Naguluhan ako sa mga sinabi ni Lee. Paano nangyaring nahuli nya kami ni Adrian na hubo't hubad sa iisang kama? Naguguluhan at nalilito ako. Ni minsan hindi ako naghanap ng iba kahit pa walang kasiguruhang babalik pa sya. Tapos ito? Isang tao lang ang makakasagot ng mga tanong ko. Kailangan kong kausapin si Adrian. Pinuntahan ko siya sa kwarto namin. Pagkapasok ko sa kwarto nagulat ako sa nadatnan ko. Nasa loob si Caden at kausap si Adrian. Nang makita ako ni Caden tumayo sya at ngumiti sa akin. Nagulat ako. "August 25, 2011 nang umuwi si Lee. Sosorpresahin ka sana. Ngunit siya ang nasorpresa sa nakita nya sa kwarto mo mismo. Nang gabing un gusto kitang bugbugin matapos pumunta sa akin ni Lee na umiiyak. Kanina nang makita ko kau nagulat ako. Ngunit mas nagulat ako sa reaction mo. Walang guilty akong nakita sa mga mata kundi sakit, galit, at panunumbat kaya nagtaka ako. Nang hilahin mo kanina si Lee pinuntahan ko rin itong si Adrian para kausapin." kausap sa akin ni Caden. "Kausapin mo sya at nang maayos nyo narin ang gulong namagitan sa inyong dalawa." dugtong pa nya. Tinapik pa nya ako sa balikat bago lumabas. Nang tignan ko si Adrian hilam sa luha ang mukha nya. Umupo ako sa kama sabay tanong, "Ano ang nangyayari? Mali mali, ganito pala ang dapat na tanong. Ano ang nangyari 4 years ago?" Humagulgol bigla si Adrian. "Patawarin mo ako Orwin. Patawarin mo ako." sabi pa nya. Walang tigil. "Bakit ano ba ang ginawa mo? Ipaliwanag mo!" pagpupumilit ko pa. "Kasi, nong gabing umuwi si Lee may ginawa ako. Narinig kong tumawag siya kay yaya napauwi na sya. Nagpanic ako. Nanaig ang pagkaselfish ko dahil sa pagmamahal ko sa iyo. Hinaluan ko ng pampatulog yong tubig na ininom mo. Pagkatapos inakyat kita sa taas tapos hinubaran saka rin ako naghubad para pagdating ni Lee makikita nya tayo sa ganong ayos para isipin nyang may nangyari sa atin, na may nangyayari sa atin." paliwanag nya. Nanlumo ako. Kaya pala. Dumilim ang paningin ko kaya nasuntok ko si Adrian. Kumalabog sa loob kaya dali-daling pumasok ang mga crew at si Caden. Susuntukin ko pa sana uli si Adrian ng pigilan ako ni Caden. "P*tang Ina mong g*go ka. Magkaibigan tau pero bakit mo nagawa sa akin yon?" umiiyak na ako. "Sinira mo ang buhay ko. Alam mong mahal na mahal ko si Lee." dugtong ko pa. Dinig na dinig ko pa ang pagsinghap ng mga tao sa loob. "Sorry Orwin. Patawarin mo ako." nasabi nlang ni Adrian. "Wala nang silbi yang paghingi mo ng tawad." sagot ko sa kanya. "Asan si Lee?" tanong ko kay Caden. "Umalis sya pagkauwi nya kanina. Mauuna na raw syang umuwi." sagot naman ng isang crew.
Nanlumo ako sa narinig. "Wag ka nang manlumo dyan. Oh ito." si Caden. "Address ni Lee yan sa Cavite." dugtong pa nya. Ngumiti ako kay Caden sabay yakap. "Salamat Pare." "Walang problema Pre, gusto ko rin namang maging masaya na si Lee." ang sagot nya. Ngumiti ako at nagpasalamat uli. Alam kong may nararamdaman parin sya kay Lee katulad rin ng nararamdaman ni Adrian sa akin. Ang kaibahan lang, ang kay Caden, totoo, at mapag-unawa, mapagparaya, samantalang ang kay Adrian selfish. Mapapatawad ko pa naman sya pero hindi muna sa ngayon. Si Lee kasi ang priority ko sa ngayon. Pagkatapos nang nangyari nag-impake narin ako. Uuwi muna ako ng Iloilo. Papalipasin ko muna ang dalawang araw bago sundan si Lee sa Cavite. After two days. . . . . .
Lee's POV
Haist! Kakapagod tong araw na to. Papasok na sana ako ng condo ko ng mapansin kong di na nakalock ang pinto. "Hindi ko ba nailock to kaninang umaga?" tanong ko pa sa aking sarili. Yaan na nga lang kasi imposible namang may magnanakaw dito. Napakatight ng security kaya dito. Binuksan ko nlang ang pinto saka pumasok. Ang dilim ah! Pinuntahan ko ang switch ng ilaw at in-on ito. Ayon maliwanag na. Iniligay ko lang ang mga gamit ko sa may couch saka pumasok ng kwarto. Binuksan ko ang ilaw sa kwarto ko at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko, may lalaking nakadapa sa kama ko at naka boxer shorts lang. Lalapitan ko sana ng biglang tumihaya at mas lalo akong nagulat sa nakita ko. Ang lalaking nakahiga sa kama ko ay walang iba kundi si Orwin. Bigla nalang lumabas sa bibig ko ang isang impit na sigaw na na gumising kay Orwin. "Good Evening Boss." bati nya sa akin. Napairap ako bigla. "Ano ang ginagawa mo dito at bakit ka nakapasok?" tanong ko pa sa kanya. "I love you boss." nagulat ako sa answer nya sa akin. Naggalit galitan ako kahit pa na nasa loob loob ko kinikilig ako ng sobra. "Sagutin mo ang tanong ko." pagpupumilit ko pa. "Nandito ako para mag-explain boss." sagot naman nya. "Hayaan mo namang makapagpaliwanag ako boss. Wala akong kasalanan don. Kagagawan lahat yon ni Adrian." dugtong pa nya. Iknuwento nya sa akin ang lahat-lahat, mula umpisa hanggang huli. Pagkatapos nyang magkuwento hilam narin sa luha ang mukha ko. "Mahal na mahal kita boss. Kung sana pagkakita mo sa amin kinausap mo kami baka hindi na tayo umabot sa ganito. Hindi na sana tau nasaktan ng sobra." sabi nya sa akin sabay yakap. "Nagulat ako sa nakita ko non boss.
Nasaktan ng sobra. Ang sa isip ko lang non eh ang tumakbo." sagot ko naman. "Nagpromise pa ako na kapag nagkita tau ikaw naman ang iiyak." dugtong ko pa sabay ngiti. "Bakit? Nagkatotoo naman un ah. Napaiyak mo kaya ako. " nakapout pa nyang sabi. Ang cute. "Tayo na ba ulit boss?" tanong pa nya. Ngumiti lang ako sabay halik sa labi nya na tinugon naman nya. Masayang masaya ako. Nasa akin na ulit ang happiness ko. Pagkatapos nang lahat na nangyari kami parin talaga. Nanaig ang pagmamahal namin sa isa't-isa. Natulog kami ng gabing yon na masayang masaya. "Salamat po Panginoon sa bagong buhay naibinigay mo po sa akin kasama si Orwin. Sana po patuloy na po ito at wala na pong magiging problema. Bantayan at gabayan mo po kami lagi Panginoon. Maraming salamat po uli. . . . . . . . . . .
The END. . . . .
Author's note: Salamat po sa mga bumasa nang story na ito, sa pagsubay at pag-aantay ng bawat update. Maraming salamat po talaga.
BINABASA MO ANG
If We Ever Meet Again... Someday
RomanceThis story is not my own work. I posted it here to share not only the story itself but the lesson you can get. Ready yourself to fall in love, breakdown and get angry.hehehe joke lang po