Lee's POV
Maaga akong nagising kinabukasan. Bumangon ako at pinuntahan si Aling Tely upang magpaluto ng dadalhin namin ni Orwin sa Ilog pagkatapos binalikan ko si Orwin at ginising. "Orwin gising na. May pupuntahan tayo." ngunit walang response. Ginising ko sya ulit ngunit wala parin. Umakyat na ko ng kama para magising ko sya ng maayos ngunit laking gulat ko ng hatakin nya ako at hinalikan sa pisngi sabay yakap ng mahigpit. "Good Morning" bati pa nya. I just pinch his nose and said, "Bumangon ka na jan may pupuntahan tau. Maliligo tau sa ilog. Nagpahanda na ko kay Aling Tely ng pagkain natin na dadalhin." "Mamaya na. Dito na muna tayo. Nag-eenjoy pa ko kakayakap sayo eh." sabi pa nya. "tsk, namimihasa ka na ah. Di pa nga tayo eh. Makayakap ka naman at makahalik akala mo naman tayo na." pero di naman ako pumapalag sa mga yakap nya. "Don din naman tau pupunta eh." sagot naman nya. Ngumiti lang ako. Babangon na sana ako ng maramdaman kong may tumutusok sa gilid ko kaya biniro ko sya. "Grabe hinohold up mo ba ako?" tanong ko sa kanya. "Bakit?" balik tanong nya sa akin. "Kasi mukhang may sandatang nakatutok jan sa tagiliran ko ah." sabay tawa. Namula sya bgla. Ang cute lang. Tinignan nya ako sabay ngisi. Patay na! Bigla nyang hnawakan ang kamay ko at itinapat sa harapan nya. Hindi agad ako nakahuma. Imbes na mapikon hinawakan ko pa ito at piniga. Ayon napabangon sya bigla at sapo-sapo ang kanyang sandata. Alam kong gaganti sya kaya bago pa sya makagalaw eh nakalabas na ko ng kwarto. "Bilisan mo dyan at mainit na mamaya" sigaw ko pa pagkatapos. Nakaalis kami ng bahay bandang alas nuebe na nang umaga. Buti nlang di ganon kasakit ang init ng mga panahon yon. Anyhow malapit lang naman sa bahay ang ilog. Mga 5 minutes walk lang naman. Pagdating namin don inilatag agad namin ang blanket naming dala at inihanda ang mga pagkaing dala namin pagkatapos nagpahinga lang ng kunti. "Ligo na tau." aya nya sa akin. "Sige mauna ka na. Sunod nlang ako." sabi ko pa. Tumayo sya at hinubad ang itim nyang sando. Akala ko un lang ang huhubarin nya. Nagulat nalang ako ng pati short nya eh hnubad nya. My golly, maliligo sya nang nakabrief lang! "Isuot mo nga yang short mo. Baka may makakita sau dito." saway ko sa kanya. Ngumisi lang sya at di ako pinansin. "Bakit di mo ba gusto ang nakikita mo?" tanong pa nya. Lumiyad pa tlaga eh. Tsk, alam naman nyang bakat eh. Gifted kasi. Halos manuyo ang laway ko sa aking lalamunan. Iniwas ko ang aking tingin don sa nakabakat. "Bihis ka na please." pagpupumilit ko pa sa kanya. Wala naman akong ibang iniisip eh. Ayaw ko lang na may makakitang iba sa katawan nya. "Ayaw! Pagmamatigas pa nya. "Hindi naman nakakahiya tong ayos ko ah. Puti naman ang brief ko at maganda naman ang katawan ko. Wala namang nakakahiya sa katawan ko." dugtong pa nya. Wala na akong nagawa nang tumakbo na sya papuntang ilog sabay lusong. After 15 minutes siguro niyaya nya ulit ako at nagpahinuhod naman ako. Hinubad ko lang ang white shirt ko tapos naligo narin. Lumayo lang ako ng kunti sa kanya. Langoy dito, langoy doon. Sisid dito sisid don. Pumunta ako sa mas malalim na parte ng ilog. Okay lng kasi d naman malakas ang agos saka magaling naman akong lumangoy. Sumisid ako, pag-ahon ko nagulat ako ng makita ko si Orwin sa harapan ko nang nakangiti. Lalangoy sana ako palayo ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko sabay hila at yakap nya sa akin. Damang-dama ko ang katawan nya. Hindi na ako pumalag. Gusto ko din naman eh. Niyakap ko narin sya para patas na kami di ba? Lol. Tinignan nya ako sa mata. Nagkatitigan kami. Nagulat nalang ako ng inilapit nya ang kanyang mukha sa akin at hinalikan ako at sa bibig mismo saka binitawan ako sbay langoy palayo. Hinabol ko sya, naghabulan kami. Tawa pa ng tawa ang loko. Ang tagal naming naghabulan. Nang mahuli ko sya binatukan ko kaagad at napa aray naman sya. "Sadista mo talaga." reklamo pa nya. Nginisihan ko lang din sya. "Bakit ka kasi bigla bigla nalang nanghahalik eh, kaya bagay lang yan sayo." sabi ko pa. "Weh? Gusto mo din naman eh. Kinikilig ka nga oh!" tukso pa nya sa akin. Pakiramdam ko pati singit ko namumula na eh. Bumalik ako sa tubig at nagtampisaw ulit. Makulit talaga itong si Orwin. Merong sabuyan ako ng tubig, yakap-yakapin, halik-halikan sa pisngi, batukan ko naman pagkatapos. Ang harot harot ng lalaking to. Pagkatapos naming magtampisaw sa tubig umahon na kami. Lunch time naman na kasi. Kumain kaming dalawa ng walang usapan. Nagpahinga lang kami ng kunti pagkatapos kumain. Humiga sya sa inilatag naming blanket. Since naka brief nga lang sya mdyo naaasiwa ako ng kunti. Bakat talaga kasi saka kitang kitang ang hulma kaya kinuha ko ang towel at kinover ko sa ibaba nyang katawan saka umupo sa tabi nya. Ngumiti lang sya sa akin at ipinikit ang kanyang mga mata. Nang medyo malalim na ang paghinga nya humiga rin ako at tumabi sa kanya. Ipipikit ko narin sana ang mga mata ko ng bigla nya akong niyakap saka nagtanong, "Maniniwala ka bang mahal kita?" Tinignan ko sya. Seryoso syang nakatingin sa akin. Hindi ako nakaimik. "Maniwala ka man o hindi boss yan ang totoo. Mahal na kita. Mahal na mahal. Alam kong nag-usap taung magdahan dahan muna at aalamin ang tunay nating nararamdaman pero ako kasi sigurado na eh." dugtong pa nya. Ang hindi nya alam matagal na akong sgurado sa nararamdaman ko. Nadala lang ako ng selos kung bakit iniiwasan ko sya nitong mga nakaraang araw. Lalo pa't nalaman ko mismo kay Caden na mahal rin ni Adrian si Orwin. Nagseselos ako pagnakikita ko silang magkasama at masaya. Niyakap ko din sya. Nagulat sya! Lalo pa nang inilapit ko ang mukha ko sa mukha nya sabay halik sa lips nya. Smack lang. Ilalayo ko na sana ang mga bibig ko sa mga bibig nya ng hinawakan nya ang ulo ko sabay bigay sa akin ng isang nagbabagang halik. Pilit binubuksan ng dila nya ang mga bibig ko. Nagpahinuhod naman ako. Grabe ang ibinibigay nyang halik sa akin. Nakakalunod at nakakapaghina ng tuhod. Tinapos nya ang halikan namin after 40 years. Joke. Syempre kailangan din naming huminga kaya ganon. Hahalikan pa sana nya ako uli ng pinigilan ko na sya. Nasa ilog kaya kami. Any moment pwdeng may darating na tao. "Mahal mo ko?" tanong nya sa akin na nakangiti. Tumango nalang ako saka ngumiti. "Sabihin mo nga." pagdedemand pa nya. "Oo nga. Mahal din kita." pag-amin ko. Ngumiti sya ng wagas at minsan pa kinintalan nya ako ng isang mabilis na halik sa mga labi. Pagkatapos naming mag-aminan nakatulog kaming pareho. Hapon na ng magising kami. Masaya naming niligpit ang mga dala namin saka umuwi. Pagkauwi namin agad din kaming nagbanlaw ng sabay. Harutan dito harutan don nanaman ang nangyari. Pagkatapos naming maligo nagbhis na saka humiga sa kama. Dahil sa kapaguran siguro sabay din kaming nakatulog ng magkayakap at may mga ngiti sa mga labi.
Itutuloy. . . . . .
BINABASA MO ANG
If We Ever Meet Again... Someday
RomanceThis story is not my own work. I posted it here to share not only the story itself but the lesson you can get. Ready yourself to fall in love, breakdown and get angry.hehehe joke lang po