Chapter 13

20 0 0
                                    

Orwin's POV


Two weeks! Two weeks na ang nakalipas ng malaman ko ang nararamdaman sa akin ni Adrian. Ganon pa man wala namang nagbago. Magkaibigan parin kami. Nagtatawanan kumakaing magkasama. Wala namang problema sa amin. Iisa nlang talaga eh. Si LEE nlang. Kasi hanggang ngaun hindi parin kami nag-uusap ng matino. Halatang iniiwasan nya ako at nasasaktan ako dahil don. Bago pa ko magising sa umaga nakaalis na sya papuntang skul. Sa hapon naman nauuna syang umuwi lagi. Kumakain mag-isa at natutulog ng maaga. Namamaga na nga ang mga kamay ko kakakatok sa pinto nya pero walang sumasagot. Wala ring reply pagtntxt ko.

Kapag nagkasalubong kami sa skul umiiwas. Tuwing babatiin ko naman tumatango lang. Ngunit pag si Caden ang kausap nya napakawagas ng tawa nya. Minsan nga gusto ko na silang sugurin eh pinipigilan ko lang ang sarili ko pano kasi wala pa naman akong karapatan.

Pero cguro nga talaga sa buhay ng tao may dumadating talaga na oportunidad kahit na paminsan-minsan.

Lunch time nang maisipan kong umuwi. Pagkadating ko sa bahay sinalubong agad ako ni yaya. Alam na nga pala ni yaya ang lahat at laking pasasalamat ko ng hndi man lang sya nagulat at nandiri at nagsumbong kay Mama. Bagkus sinupurtahan pa nya ako.

"Anak nasa taas si Lee nag-iipake."

"Aalis sya dito?" nagulat kong tanong kay yaya.

"Tange hindi. Nagpaalam lang syang uuwi sa kanila. Byernes naman ngaun at walang pasok bukas." sagot ni yaya.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Kinabahan ako don ah. Tsk. Uuwi pala sya ah. Pwes, susundan ko sya. Alam kong pareho kami ng nararamdaman ewan ko lng kung bkit ganon sya. Patunay ung madalas nyang pagnakaw ng tingin sa akin kapag inaakala nyang di ako nakatingin. Bakit alam ko? Syempre pareho kasi kami. Madalas ko rin syang tignan. Ang kaibahan nga lang namin ako gusto kong malaman nya na tinitignan ko sya samantalang sya pilit pang itinatago.

Nagpaalam ako kay yaya at pumaitaas para rin makapag impake ng mga damit kong dadalhin.

Pagkaalis nya ng bahay eh umalis din ako para sundan sya. Ingat na ingat akong di nya mahuhuli. Sumakay sya ng jeep, tinignan ko ang pangalan ng ruta ng jeep na sinakyan nya at sumakay din ng jeep na may rutang ganon. Buti nlang magkasunod lang kami. Pagbaba nya ng Tagbak Terminal nakita ko syang umakyat sa isang bus. Pagkaakyat nya umakyat nadin ako ngunit sinigurado kong hndi nya ako makikita.

Municipality of Zarraga. Un ang una kong nakita nang huminto ang sasakyan at bumaba sya. Sinundan ko ulit sya. Sumakay agad sya isang pampasaherong tricycle. Ako naman inarkila ang isang motor para sundan ang sinasakyan nya. 15 minutes lang sguro ang nakalipas ng matanaw kong huminto ang tricycle na sinasakyan nya sa harap ng isang malaking bahay. Inantay ko munang makapasok sya bago nagdoorbell din sa may gate. Namumukhaan ko ung bumukas ng gate. Ito ung kasama nya nang magkabungguan kami sa gate ng skul nung enrolment.

Pagkabukas nya ng gate lumaki ang mga mata nya. Nakilala nya yata ako.

"Orwin di ba? Yan ang pangalan mo?" tanong pa nya sa akin.

"Ah oo." sagot ko nlang din.

"Bakit ka andito? Ouch para namang wala akong manners." sabi pa nya sabay tawa.

Pinapasok nya ako tapos nagpakilala. Ah Alma pala ang pangalan nya.

"Bakit ka andito nga pala.?" tanong pa nya sa akin.

"Sinundan ko kasi si Lee." walang kagatol gatol kong sagot.

"What? Bakit mo naman sinundan si Kuya Lee dito? Magkakilala pala kayo?" tanong pa nya sa akin.

"Sagutin ko muna ang huli mong tanong. Oo magkakakilala kami. Sa bahay namin sya nakatira." sagot ko naman.

Nagulat sya at nanlaki ang mga mata.

"Saka ang sagot sa una mong tanong, sinundan ko si Lee dito para manligaw." dugtong ko pa.

Mas lalo pang lumaki ang mga mata nya at napanganga.

"What? Bakla ka.? Tanong agad nya.

"Hindi ah.! Sagot ko naman. At un napilitan akong ekwento sa kanya ang lahat. Mukhang naintindihan nya naman ako at parang kinilig pa yata. "Pakitawag na nga ang Kuya Lee mo, pagnagtanong kung sino wag mong sabihing ako." dugtong ko pa.

"Ayos ah". Sagot naman nya.

Lee's POV

Sa wakas! Nasa bahay na ako makapagpahinga na ako ng maayos. Umakyat na ko sa taas at agad na humiga sa kama pagkapalit ko ng damit ko. Matutulog muna sana ako saglit ng may istorbong kumakatok sa pintuan ng kwarto ko. Nang binuksan ko ang pinto tumambad agad sa aking ang mukha ni Alma.

"Kuya may may bisita kau. Nasa sala." sabi pa.

"Sino naman?" tanong ko.

"Ewan ko kuya. Di ko kilala eh." sagot nya.

Nakapagtataka. Bakit di nya kilala eh tagadito sya.

"Eh asan si Mama?" tanong ko pa.

"Nasa bayan pa kuya, may knuha kina Auntie mo. Mamayang hapunan pa un babalik." sagot naman nya.

"Sige bababa na ako." nasabi ko nalang.

Naghilamos lang ako saka bumaba na. Ngunit di pa ko nakaapak sa unang step ng hagdan ng makita ko ang sinasabing bisita namin ni Alma. Nanlaki ang mga mata ko at parang gusto kong tumakbo pabalik sa kwarto ko.

Ano ang ginagawa ni Orwin dito?

Orwin's POV

Kitang kita ko ang pagkagulat na rumehistro sa mukha ni Lee ng makita ako. Gulat na gulat sya. Ngumiti ako sa kanya habang pababa sya ng hagdan. Si Alma naman kumindat lang sa akin.

"Ano ang ginagawa mo dito?" pangbungad nyang tanong sa akin.

"Sinundan ka syempre para magkaron naman tayo ng quality time together. Para makapag-usap ng matino. Pag usapan ang mga bagay-bagay na nagpapagulo sa sitwasyon natin." walang paligoy ligoy na sagot ko.

Napatanga sya at namula.

"Ang dami mong dala. Hindi ka uuwi?" pag-iiba nya ng tanong.

"Hindi kasi sabay taung babalik." sagot ko naman.

Napatanga sya ulit. Napangiti naman ako.

"Asan mama mo?" tanong ko.

"Nasa bayan." sagot nya.

"Eh papa mo.?" tanong ko uli.

"Bumalik muna sa Cavite may inayos lng." sagot nya naman. "Hali ka na nga, tanong ka ng tanong eh, magpahinga ka na muna. Don ka sa may guest room." dagdag pa nya.

"Ayaw! Don ako sa kwarto mo." sabi ko.

Nagulat nanaman sya pero hindi na umimik.

"Sumunod ka sa akin." utos pa nya.

Umakyat na kami sa taas at pumasok sa isang kwarto. Maganda ung kwarto. Malawak at malinis. May sariling banyo at malaking kama. Ung mga wall napinturahan ng puti. Napaka calm ng ambience dito.

"Yon ang banyo. Magbihis ka at magpahinga muna tayo. Pagod ako." sabi pa nya.

Pumasok ako ng banyo at nagbihis. Paglabas ko napangiti nlang ako ng makita ko syang nakatulog na. Humiga nalang din ako sa tabi nya at natulog narin.

Itutuloy. . . . . . . .

If We Ever Meet Again... SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon