Chapter 19

18 0 0
                                    

  Lee's POV 

Maaga kaming ginising ng mga kasamahan nami sa shoot kinabukasan. Kailangan nang maghanda. Sya nga pala di ko pa nakikita ang dalawang modelo namin. Dumating kami ng set ng mas maaga. Mga lights man lang ang andon at sinetset-up ang mga ilaw. Chineck muna ni Cade ang buong set habang ako naman umupo muna sa sulok upang linisin at inihanda ang aking camera. Mapapalaban nanaman kasi sya. Ang suot ko eh puting sando lang at itim na short. Kasalukuyan kong pinupunasan ang lente ng aking camera nang biglang umingay. Nandito na silang lahat kasama ang mga model. Tumayo na ako at naghanda. Papunta na ako sa aking pwesto ng bigla akong mapatda. ANO ANG GINAGAWA NI ORWIN DITO? Bigla ako nanlambot. Six years, akala ko pagnagkita kami ulit wala na akong mararamdaman ngunit heto, apektado parin ako. Tiningnan ko si Cade at katulad ko gulat na gulat din sya. Mas lalo pa akong nagulat nang lumingon ang isa pa. Si ADRIAN. . . So? Sila pala ang mga modelo. Patay sa akin tong si Shanniah sa akin pah-uwi namin. Alam kong sya ang may kagagawan nito. Ito sguro ang utang ko na sinasabi nya. Bwsit! Utang? Itong mga to ang may utang sa akin. Lumapit sa akin si Caden at bumulong. "Relax lang." Nagthumbs up lang ako sa kanya. "Alright guys ready na?" pasigaw kong tanong. Lumingon sa kinaroroonan ko ang dalawa. Kung nagulat ako mas nagulat silang dalawa. Lalo na si Adrian. Nagulat nalang ako ng makita kong imbes guilt ang makita ko sa mukha ni Orwin eh galit ang nakikita ko. Bakit sya pa yata ang galit? Tanong ko sa aking sarili. "Pwesto na." sabi ko. Naghubad silang pareho ng pang-itaas nilang damit. Oo na. Hot na sila. Di ko na kelangang sabihin pa yon. Click dito, click don. Minsan tinagalan ko ang pagkuha para mahirapan silang dalawa. "Tumingin kayo sa isa't-isa." sabi ko pa. Nagulat sila at mukhang naguluhan. Ang totoo tapos na kami. Ngunit gusto ko lang silang paglaruan. "Tingin na. Dali." utos ko pa. Gnawa naman nilang dalawa at mukhang naiilang. Napangiti ako. "Ilapit nyo ang mukha nyo sa isa't-isa." utos ko pa uli. Bilib naman ako kasi kahit naiilang silang pareho sinusunod nila ako. "Lapit pa." sigaw ko naman. Nakita kong kumukunot na ang noo ni Orwin. Habang si Adrian naman mukhang naiihi na samantalang si Caden pinipigilan ang tawa. "Lapit pa sabi." utos ko pa ulit. Ginawa naman nila ang pinag-uutos ko. Click dito, click don. "Sige, maghalikan kayo." seryoso kong utos. Nang marinig ako ni Caden di na nya napigilan ang tawa nya. Humalakhak sya. Gago talaga. Mabubuko ako eh. "Pinaglalaruan mo ba kami.?" galit na tanong ni Adrian. Tina-asan ko sya ng kilay at sumagot ng, "Bakit? Kelan ba ako nakipaglaro sa inyo?" nagulat sya sa sagot ko. Tumayo si Orwin at tinignan ako ng masama. "Sir, we are not posing for a magazine who features bromance stories, this is for a magazine who features Healthy Lifestye. What you did is totally uncalled for. You are unprofessional." galit nyang sabi. Ang kaninang crews na natatawa ngayon naman ngumanganga na dahil sa nangyayari. Ngumisi lang ako at hindi ko sya pinansin. "Pack-up na tayo guys, we are done for today." sabi ko pa. Alam kong galit na galit sila lalo na si Orwin. Kung nakamamatay nga ang tingin kanina pa ako natumba. Aalis narin sana ako ng may naisipan akong sabihin, "Siya nga pala Adrian, wag kang magkunwaring nagagalit dyan dahil sa pinagawa ko sayo dahil alam kong gusto mo yong pinagawa ko sa inyo. Wag kang ipokrito. Sobra pa dyan ang nakita ko." matapos ko sabihin yon umalis agad ako. Ngunit di nakaligtas sa mga mata ko ang pamumutla ni Adrian at ang Kaguluhan sa mukha naman ni Orwin. Umagapay sa paglalakad ko si Caden na tatawa tawa pa. Siniko ko nga. Ngunit di pa kami nakakalayo ng biglang hinila ako ni Orwin at kinaladkad. "Mag-usap nga tayo." matigas nyang utos. "Bitiwan mo nga ako. Nakakadiri ka. Nandidiri ako sayo." asik ko pa sa kanya. Nagulat sya sa narinig niya. Binitiwan nya ako bigla at tinignan ako ng masama. Oh di ba? Pagkatapos nang ginawa nya sya pa ang galit. Bravo! "Iba ka rin ano? Ikaw na nga ang may kasalanan sa akin ikaw pa tong galit. Astig ka dre." sabi ko pa. "Anong kasalanan ko? Ano ang sinasabi mo? Ikaw ang may kasalanan sa akin dahil ikaw ang hindi bumalik. Nag-antay ako sayo ngunit hindi ka na bumalik, p*tang ina mo. Pagkatapos ngaun makikita kita dito? Wow ang galing. Nireject ko tong project na ito alam mo ba? Pero gnawa nila ang lahat mapapayag lang ako. Ang laki ng talent fee ko dito p*tang ina mo. Ikaw ba ang may kagagawan ng lahat ng ito? Bakit? Hihingi ka ng tawad? G*go hindi ko un ibibigay sau." litanya nya. Nagulat ako. See? Binabaliktad ako ng g*go kaya ayon nasuntok ko. At sa lakas ng suntok ko napabulagta sya sa may buhangin. Dinaganan ko sya at kinwelyuhan. "G*go ka, wag mo akong binabaliktad. Bumalik ako after two years. Bumalik ako." hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napahikbi nlang ako. Bumalik sa akin ang lahat ng sakit na naramdaman ko noon. Nagulat sya ng umiyak ako. "Ikaw ang g*go, binalikan kita. Bumalik ako. Pero napakawalanghiya mo. Ikaw na nga tong may kasalanan sa akin ikaw pa tong galit." dugtong ko pa. Umalis ako sa pagkadagan sa kanya at umupo. Ganon din sya. "Ano ang sinasabi mo?" naguguluhan nyang tanong. "Bumalik ako 2 years ago, alam yon ni yaya." umpisa ko. "Gusto sana kitang sorpresahin ng araw na iyon. Ngunit ako ang nasorpresa sa nakita ko." dugtong ko pa. "Ano ang nakita mo?" tanong pa nya. "Grabe ang galing mo! Tinatanong mo talaga sa akin yan.?" balik ko sa kanya. "Sagutin mo nlang ang tanong ko. Bakit hindi ka nagpakita sa akin?" tanong pa nya ulit. "Bakit pa ko magpapakita sayo? Sapat na ang makita kang nasa kama at hubo't hubad kasama si Adrian na hubo't hubad din para hindi na magpapakita sau kahit na kelan." malungkot ko sagot. Nagulat sya at parang di makapaniwala. "Pinagsabihan ko si yaya na wag nang sabihin sau ang pagpunta ko don. Kaya siguro wala rin syang sinabi sau. Ngaung alam mo na. Sa tingin mo sino sa atin ang may karapatang magalit? "Wala akong alam Lee, hindi ko alam yang pinagsasabi mo. I have been faithful Lee. Wala akong ginawang masama." sagot nya. "Alam ko ang nakita ko. Tanungin mo si Adrian." sabi ko naman sabay tayo at iniwan don si Orwin na mukhang gulong-gulo. 


Itutuloy. . . . . . .

If We Ever Meet Again... SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon