Chapter 11

19 0 0
                                    

Lee's POV 

Halos sila Orwin at Adrian lang ang nag-uusap habang nasa byahe kami. Ni hindi ako kinakausap ni Adrian at paminsanminsan isinasali naman ako ni Orwin sa usapan iyon nga lang tango, oo, at hindi lang ang lagi kong sagot. Ano ba naman kasi ang alam ko sa kung saan sya nanggaling na napuntahan narin ni Orwin? Bago lang kaya ako dito sa Iloilo. Patawa-tawa pa tlaga eh. Pagkadating nami sa skul nagpasalamat naman ako dahil sa pagpasakay nya sa akin sa kanyang sasakyan. Bumaba ako pagkatapos at dali-daling naglakad papuntang building ko. Ni hindi ako lumingon sa kanila. "Boss teka, teka, antay naman. Hatid na kita." habol sa aking ni Orwin. Huminto ako saglit at lumingon at nakita kong parang itinulos sa kanyang kinatatayuan si Adrian. Pano naman kasi ako ang piniling samahan ni Orwin. "Aantayin pa ba kita dito Pre.?" pasigaw na tanong ni Adrian kay Orwin. "Wag na pre, mauna ka nlang don sa classroom natin." sagot naman ni Orwin. Nakita ko syang napasimangot ng marinig nya ang sagot n Orwin. Napangiti naman ako ng lihim. "Ako ang nagwagi" kanta ko pa sa aking isipan. Tsk. Gusto kong humagalpak sa kakatawa dahil sa mga naiisip ko. Lol. "Bakit ka nakangiti"? Tanong ni Orwin sa akin. Tsk. Napapangiti na pala ako ng di ko namamalayan. "Wala naman, tara na nga! May pahatid-hatid ka pang nalalaman eh no? Ano tayo magshota? Biro ko pang tanong. "Bakit shota lang ba ang pwdeng ihatid? At bakit? Pwde ba kitang shotain?" nakangiting balik tanong nya sa akin. "Baliw" tangi kong sagot sa kanya. Pero infairness, kinilig yata ako. Tsk. Nang makarating na kami sa building ko nagpaalam din agad sya sa akin. Ako naman pumasok narin at nakita ko kaagad si Shanniah na nakaupo na sa kanyang upuan. Binati ko sya at ganon din ang gnawa nya. "Sabay ulit tayo mag-snack at lunch mamaya." sabi pa nya. Ngumiti lang ako at umuo. Dumating naman agad ang aming instructor at katulad din kahapon, pagkatapos nyang magpakilala bakbakan din agad sa discussion. Breaktime. . . . . . "Punta tayong canteen Lee." yaya ni Shanniah sa akin. Si Shanniah lang talaga ang nakakalapit sa akin mula umpisa ng klase. Kumportable kasi ako sa kanya. "Cge." sagot ko naman. Naglalakad na kami papuntang canteen nang makasalubong namin si Caden. Nakasuot lang ito ng pambasketbol uniform. "San kau pupunta?" tanong nya sa amin. "Sa canteen." maikli kong sagot. "Ha? Hindi kau manonood ng game? May friendly match kami ngaun ng mga manlalaro ng Dela Rama University. Gaganapin un sa may gym ng skul natin ngaun." pagbibigay alam sa amin ni Caden. "Ha? Meron ba? Magkasama kami kaya ni Orwin kanina. Lokong un wala man lang sinabi." sabi ko pa. "Hndi nga rin alam non eh. Nagulat nga rin un kanina. Di nga nakadala ng uniform eh. Buti nlang may dalang extra uniform lagi itong si Adrian. Yon ang gagamitin ni Orwin mamaya." Napasimangot ako pagkarinig ko sa sinabi ni Caden. "Nood tayo Lee." yaya sa akin ni Shanniah. "Nood na kayo Lee. Gusto ko andon ka, este kau pagnaglalaro ako mamaya. Dagdag inspirasyon din un." nakangiting pangungumbinsi sa akin ni Caden. "Ikaw nga Cade umamin ka? May gusto ka kay Lee no? Nababakla ka na no? Umamin ka." singit ni Shanniah. Namula naman ako bigla. "Ano ba Shan! Nakakahiya naman yang tanong mo." saway ko kay Shanniah. Tinignan ko si Caden sabay wikang, "Wag mo nang sagutin, nagbibiro lang itong si Shan. Cge na, manonood na kami." pahinuhod ko nlang sa dalawa. "Weh? Di ako nagbibiro ah. Gusto ko talagang malaman eh. Halatang halata na kasi eh. Ikaw nga Caden umamin ka. Wag kang mag-alala maiintindihan ko naman. Ako pa! Saka wala namang masama don eh. At isa pa ngaun lang naman kitang nakitang nagkakaganito sa isang lalaki eh. Iba ang tingin mo kay Lee." patuloy pang pagtatanong ni Shanniah. "Shan ano ba? Itigil mo nga yan!" saway ko ulit kay shanniah. Hihilahin ko na sana sya nang magsalita si Caden. Patay na! "Oo." walang kagatol-gatol na sagot ni Caden. "Alam din naman nya yan eh". Dagdag pa ni Caden. Napatutop sa kanyang mga bibig si Shanniah at "Alam mo na? Tanong nya sa akin. Tumango nalang ako. Alam ko namumula na ako. Nagulat kami ng bigla nalang tumili si Shan. Mabilis ko namang natakpan ang bunganga nya. Grabe lang kung makatili. "O tapos ano ang reaksyon mo Lee?" tanong pa nya sa akin. "Syempre nagulat. Sino ba ang hindi. Malawak naman ang isip ko at naiintindihan ko din naman. May karapatan naman yang magmahal at hindi naman talaga napipigilan ang puso. Ang tanging hiling ko lang hndi sana un makakaapekto sa umuusbong naming pagkakaibigan." tanging sagot ko nalang. Tumango tango naman si Shanniah habang si Caden naman nakangiti ng malawak. "Eh, pero teka Lee, kapag niligawan ka nyan (sabay turo kay Caden) may pag-asa ba? Pangungulit pa ni Shanniah. "Wala! At alam nya narin yon". Sagot ko naman. At napatutop nanaman ulit sya sa kanyang mga bibig. "Ang prangka mo naman. Ayan lang si Cade oh! Naririnig tau. Ang harsh mo ah." reklamo pa ni Shan. "Eh may mahal na akong iba eh!" nagulat silang pareho sa sagot ko. Ako nga rin eh. Nagulat din sa naisagot ko lalo pa ng lumitaw ang mukha ni Orwin sa utak ko. Whaat? Nakita kong parang nasaktan si Caden, pero alam naman nya eh di ba? Na wala akong nararamdaman sa kanya. Merong kunti pero pagkakaibigan lang un. Magtatanong pa sana si Shan ng hinila ko na sya papuntang canteen. Habang naglalakad kami lumingon ako kay Caden at nandon parin sya sa knatatayuan nya kanina at mukhang natitigilan. Lumingon sya sa akin at nginitian ako. Ngumiti rin ako at nagsenyas na susunod kami. Nang makita nyang nakangiti ako eh mukhang bumalik din sa dati ang mukha nya ng di pa nya narinig na may mahal na akong iba. Pagkatapos naming makabili ng pagka-in namin ni Shan eh pumunta na agad kami ng gym. Pagkapasok namin ang una ko agad napansin ay sina Orwin at Adrian na magkatabing nakaupo sa may bench. Nakaakbay ang huli kay Orwin. Napasimangot tuloy ako. Ang hindi ko alam eh inoobserbahan pala ako ni Shan. Ikinuyom ko ang aking mga kamay at nagdadabog hbang naglalakad. Agad naman kaming napansin ni Orwin. Kumalas sya sa pagkakaakbay ni Adrian at sasalubungin dapat kami ng bigla kong hinila si Shan para umiba ng daan. Nagtataka man eh, nagpahila nalang sa akin si Shan. Nakita kong napahinto si Orwin at tumingin sa akin ng may pagtataka. Nang makaupo na kami sa mataas na parte ng mga upuan eh minsan pa tinignan ko si Orwin. Bumalik sya sa dati nyang knauupuan at nakikita kong tinitignan nya ako ng paminsan minsan. "Si Orwin ang tinutukoy mong mahal mo ano.?" pabulong na tanong sa akin ni Shanniah. Nagulat ako syempre. "Kanina ko pa kasi inoobserbahan ang mga galaw mo eh. Sagutin mo man ang tanong ko o hindi alam ko narin naman ang sagot. At sa nakikita ko mukhang pareho din kau ng nararamdaman eh. Gosh! Kakakilala nyo lang din di ba? Love at first sight ba ang nangyari.?" dugtong pa nya. Hindi nlang ako umimik. Ano naman ang sasabihin ko? Mukhang nababasa na nya ako eh. "hay naku, crush pa naman sana kita Lee. Ang gwapo-gwapo mo kasi. Tsk! Di pa nga ako nanliligaw basted na agad. Sige na nga okay na sa akin ang bestfriend na role sa buhay mo." pabiro pa nyang dagdag. Ngumiti lang ako sa kanya. "On a serious note Lee, hindi ko talaga ineexpect ung mga nalaman ko today. And never have I imagine na magkakagusto ka sa isang lalaki, ganon din kay Caden. Lalaking lalaki tlaga ang aura nyo eh. Naguguluhan kaya ako ngaun. Pero syempre nga, sino ba naman ako para hindi intindihin ang lahat? Kahit sino naman may karapatang magmahal. Ke tama man o hndi sa paningin ng ibang tao pagmamahal parin yon. Supurtado kta Lee." dagdag pa ni Shan. "Tnx Shan. Kung naguluhan ka mas naguguluhan ako Shan. I have never felt this before. This is new to me. I don't even know how to handle this. Nagkagirlfriend din ako. Hanggang ngaun, parang hindi ko parin kayang pakibagayan ang ganitong pakiramdam. Ang bilis nang mga pangyayari." sagot ko naman. Tumango tango lang si Shanniah. Natapos ang laro ng di namin namamalayan at panalo sila Orwin by two points. Pagkatapos na pagkatapos ng laro umalis agad kami ni Shan sa Gym. Habang paalis kami nakuha ko pang lumingon kina Orwin at nakita kong binigyan ng tubig ni Adrian si Orwin sbay punas sa pawis nito sa noo. Nawala ako sa mood sa nasaksihan ko. Hanggang sa natapos ang lahat ng klase ko ngaung araw eh hndi nawala ang pagkabadtrip ko. Hnahayaan lang ako ni Shan at pilit pinasasaya pero wala rin. Umuwi ako ng boarding house ng nag-iisa. Itutuloy. . . .

If We Ever Meet Again... SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon