Lee's POV
Nagising ako dahil sa mga katok sa pinto. Bago pa ko bumangon eh tinignan ko muna ang katabi ko. Shiit lang! Ang gwapo talaga kahit tulog. "Wag mo nga akong masyadong titigan baka matunaw ako nyan." what? Gising sya? Tsk. Hnayaan ko na lang nga. Di na ko sumagot. Tinungo ko ang pinto at binuksan ito. "Kuya, pinapagising na kau ni Tita at maghahapunan na." si Alma lang pala. "Saka alam na pala ni Tita na may bisita ka kuya. Sinabi ko kanina sa kanya." dugtong pa nya. "Sige susunod na kami." sagot ko naman. "Okay. Sige sunod nlang kau Kuya." Niyaya ko na si Orwin sa may dining area. Pagdating namin don nakaupo na si Mama. Umupo na din kami ni Orwin. Bago pa kami mag-umpisang kumain ipinakilala ko muna si Orwin kay Mama at si Mama kay Orwin saka ikunwento kong pano kami nagkakilala at na sa kanila ako nagboboard. MaPR tlaga itong si Orwin agad nyang nakuha ang loob ni Mama. Pagkatapos naming kumain pinasunod kami ni Mama sa kanya sa sala. "Maupo kaung dalawa! Umpisa ni Mama. "May pag-uusapan taung importante." dugtong pa nya. Kinabahan naman ako bigla habang si Orwin naman kalma Lang. "Nadulas ang bibig ni Alma kanina at nasabi sa akin ng wala sa oras ang pakay mo dito Orwin. Gusto ko lang ipaalala sa inyo na lalaki kau pareho. Alam nyo ang mangyayari sakaling ipagpatuloy nyo yan. Huhusgahan kayo ng ibang tao at inaalala ko lang ang anak ko. Nag-iisa lang yan at ayaw naming pareho ng ama nya na nahihirapan sya. We want nothing but the best for our only son." "Alam ko naman po yon Tita. Naiintindihan po kita. Kaso po mahal ko po 'yong anak nyo. Handa ko po syang ipaglaban sakaling mapagpasyahan nyang ipaglaban din ako. Di ko pa po tlaga nasasabi sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Ngaun lang po nya yan narinig. Seryoso po ako Tita. Hindi naman po kasalanan ang magmahal dg ba po? Mahal ko po tong anak nyo. Mahal na mahal po." sagot naman ni Orwin. Nagulat ako sa mga narinig ko. Mahal pala talaga nya ako. Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko kasi nasa harap kami ni Mama. "Naiintindihan ko. Pero kung sakaling bgyan ko ng basbas ang pakay mo sa anak ko handa mo bang gawin ang lahat wag lang syang masaktan? Handa ka ba sa sasabihin ng ibang tao? Masakit mang isipin at tanggapin na ang kaisa-isa mong anak na pinagplanuhang ikasal sa babae at magka-anak sa huli eh. . . Hindi pa natatapos ang sasabihin ni Mama eh pinutol ko na. "Ma naman. Hindi ko naman po sinabing sasagutin ko yan at pareho kami ng nararamdaman." sabi ko. "Anak, sa akin ka nanggaling kaya kilala kita. The fact na hndi mo sya sinapak ng sinabi nyang mahal ka nya eh proof na un na na nagustuhan mo rin ang mga sinabi nya." ani pa ni Mama. Tumawa bgla si Orwin at ako naman napanganga sa sinabi ni Mama. "Bueno, total anjan na yan at sa tingin ko di ko rin naman mapipigilan yan sige pinapayagan ko na kau. At Ako na ang bahala sa Papa mo Lee. Ang tanging hiling ko lang sana hindi mawawala ang respeto sa inyo at Orwin, ano man ang maging desisyon ng anak ko igalang mo at intindihin. Wag mo syang saktan." dugtong pa ni Mama. Tumango nalang kami pareho ni Orwin. Pagkatapos naming mag-usap nila Mama umakyat na kami sa taas para matulog. "Matulog na tayo. May pupuntahan tau bukas ng umaga." sabi ko kay Orwin. Pagkatapos naming half bath humiga na kami sa kama. "Gudnyt" sabi ko. "Gudnyt din sabi nya sabay kiss sa pisngi ko. Natulog ako ng may ngiti sa mga labi.
Itutuloy. . . . .
BINABASA MO ANG
If We Ever Meet Again... Someday
RomansaThis story is not my own work. I posted it here to share not only the story itself but the lesson you can get. Ready yourself to fall in love, breakdown and get angry.hehehe joke lang po