Lee's POV
(Note: Please do read the chapter 8. You couldn't understand this chapter if you haven't read the last chapter.)
Ahem, akala nyo kung ano ang gagawin ko no? Malakas ba makagreen? Lol. Nang mapansin kung nakatulog na si Orwin pinagmasdan ko sya. Minimorize ko ang bawat detalye ng mukha nya. Ang mata nyang kahit nakapikit eh nagbabadya parin ng isang libong kiliti, ang ilong na may magandang hugis, at bibig na nag-aanyaya ng halik. Kay ganda nyang pagmasdan kahit na tulog. Pinaglakbay ko ang aking kanang daliri sa malalago nyang kilay, sa maganda nyang ilong, at sa mala rosas nyang mga labi. Natetempt akong ilapit ang mga bibig ko sa mga bibig nya. Pwde ko naman siguro syang halikan no? Hndi naman nya un malalaman siguro kasi tulog naman sya. Kaso. . . . . Argh. . . Nagtatalo ang puso't isip ko. Mali. . . Mali. . . Mali. . . Sabi ng utak ko pero Tama naman yong sinasabi ng puso ko. Naguguluhan na din ako. Bakit ko gingagawa ito? Bakla na ba ako? Nababakla na ba ako? Argggh! Sige na nga! Kahit ngaun lang pagbibigyan ko ang puso ko. Confident naman akong di naman nya malalaman eh. Malalim na yata ang tulog nya. Unti-unti kong inilapit ang bibig ko sa mga bibig nya. Kunti nalang, kunti nlang, one inches nalang. . . . 1 2 3. . . . At. . . . . . . . . . . boooom, bigla syang dumilat. .Waaaaaaaaaahhhhhhhhh.. "Ano ang ginagawa mo?" tanong nya sa akin. Waaahh. . . Ang seryoso nang mukha nya. Huhu. . . Putek naman kasi, bakit ko kasi ginawa yon? Nakakahiya. Namumula na ako sigurado. Hindi ako nakaimik. Lupa kainin mo na ako. Hiling ko pa. "Plano mo ba akong halikan?" tanong pa nya ulit. Kung kanina napakaseryoso ng mukha nya ngayon naman nakangisi ang g*go nya. "Hindi ah! Ano ka? At bakit naman kita hahalikan?" balik tanong ko sa kanya. Napangisi pa sya lalo. "Eh bakit ang lapit lapit ng mukha mo sa akin? Plano mo talaga akong halikan eh." pagpupumilit nya. "Hindi nga, tinignan ko lang yang mga bibig mo. Ang pula-pula kasi, baka kako may lipstick. Para ka kasing nakalipstick eh." sagot ko naman. "Weh? Humahaba yang ilong mo oh. Lol" at humalakhak pa ang g*go. "at natural na mapula tong bibig ko oi. Natural to." turo pa nya sa mga bibig nya. Sasagot pa sana ako ng makarinig ako ng mga katok sa pinto. Si yaya pala, handa na ang hapunan. Tumayo na ako at naunang maglakad habang si Orwin naman tawa parin ng tawa. Pinagtatawanan ng g*go ang kahihiyan ko. Nauna akong bumaba sa kusina. Nadatnan kong nakaupo na don si yaya. Wow! Paborito ko ang ulam. Adobong baboy. "kain na anak. Umupo ka na". Sabi ni yaya. "Asan na ang alaga ko? Di ba nasa kwarto mo un?" tanong pa nya. Bago ko pa masagot ang tanong nya nakita ko nang paparating si Orwin na ngiting-ngiti. "Oh anak, ba't ang saya saya mo"? Tanong ni yaya kay Orwin. "Wala lang po yaya, nanaginip po kasi ako Ya." sagot naman ng ogag. "Ano naman un anak"? Tanong ulit ni yaya. Habang ako naman tahi-tahimik lang at knakabahan. "Nanaginip po ako ya na may humahalik po sa akin." sagot nya kay yaya habang tumatawa sabay tingin at kindat sa akin. Tinignan ko sya ng masama. "Wui, Orwin, bakit nga pala di nyo kasama kanina ung kasama mo nung nagkabungguan tau sa skul?" pag-iiba ko ng usapan. "Absent kasi sya, bukas pa sya papasok. Papapakilala kita sa kanya bukas." sagot naman nya. Nagnod nlang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Paminsan-minsan sumasabay din sa usapan nila, pagtinatanong nga lang. Nauna akong natapos. Nagpaalam akong mauna na sa taas. Umu-o naman sila. Pagkaakyat ko, pumasok ako ng banyo, naligo at nagtoothbrush. Pagkatapos ko sa banyo nagbihis na ko. Pagkatapos kong magbihis ng sandong puti at boxer shorts at magpatuyo ng buhok eh humiga na ako sa kama. Binutengteng ang c.p kung cnu ang mga nagttxt. Mostly nangangamusta lang lahat kaya kintamaran ko na ang magreply. Itinabi ko ang aking cp at ang laptop ko naman ang binuksan ko. Inopen ko ang FB at woahhh, umabot na nang 2 thousand plus ang FR sa akin at mahigit 200 ang messages sa inbox ko. Di ko na binuksan ang mga un at tinungo ang search tab. Parang may naggaguide sa mga kamay ko para e search kung may akawnt ang luko sa FB. Tinype ko ang Orwin Antonio sa Search tab sabay enter at yown, may result agad. Tatlo cla ang magkapangalan kaya tatlo ang lumabas sa result. Hinanap ko ung kanya at woshh, nakita ko din agad. Inopen ko ang profile nya at una kong nakita ang add friend. Ea-add ko ba? Nagdadalawang isip nanaman ako. Bka kasi kung ano nanaman ang sasabihin ng loko. Hnayaan ko nlang un at tingnan ang kanyang albums. I am about to open his album entitled "Me" ng may kumatok sa pinto. Isinara ko lang ang laptop ko at binuksan ang pinto at sino pa ba ang kakatok sa pintuan ko kong hndi si Orwin? "Makikitulog ako dito". Walang pasakalye nyang sabi ng mbuksan ko na ang pinto. Bigla nlang syang pumasok pagkatapos. Di man lang nya inantay ang sagot ko? May magagawa pa ba ako? Ayon na sya oh, nakahiga na sa kama ko gamit ang unan nyang dala-dala. Hindi na ko nagsalita pa. Piningot ko lang ang ilong nya at pumasok ng banyo para umihi. Pagkatapos kong umihi lumabas na ko ng banyo at lumaki ang mga mata ko sa nakita ko. Si Orwin, pinakialaman ang laptop ko. Putek talaga ang lalaking to. Pakialamero tlaga. Nang mapansin nya ang paglabas ko sa cr tumingin sya sa akin. At ngumingisi nanaman at alam ko nanaman kong bakit. "Bakit mo tinitignan ang FB ko"? Tanong nya sa akin. Sabi na eh. "Tinignan ko lang naman. May masama ba?" balik tanong ko sa kanya. "Hindi naman". Sagot din nya. "Yon naman pala eh". Iningusan ko sya at knuha ang laptot ko sa kanya at pinatay na. "Pakialamero!" dugtong ko pa. Humalakhak ang luko. "Grabe, obsess ka na talaga sa akin no? Nalaman mo lang na may kakaiba akong nararamdaman sau eh gumaganon ka na." sabi pa. "G*go!" ang tanging nasambit ko nlang. Humalakhak ulit ang g*go. "Sya nga pala, ako na ang nagkusang mag add ng sarili ko gamit ang akawnt mo. Lol." dagdag pa nya. I just rolled my eyes pagkatapos eh humiga narin sa kama ko. "Usog ka nga! Sabi ko. Umusog naman ang luko para magkasya kaming dalawa sa kama. "Boss nalang." narinig kong sinabi nya. "Anong Boss nlang?" tanong ko sa kanya. "Boss nlang tawagan natin total magbestfriend na tau." sagot nya. Umuo nalang ako sa kanya. "Matulog na tau. Maaga pa tau bukas." sabi ko. "Sige matulog na tau." pagsang-ayon nya. Ipinikit ko na ang aking mga mata at hayaang tangayin ng antok ang aking diwa. Itutuloy. . . . .
BINABASA MO ANG
If We Ever Meet Again... Someday
RomanceThis story is not my own work. I posted it here to share not only the story itself but the lesson you can get. Ready yourself to fall in love, breakdown and get angry.hehehe joke lang po