Chapter 17

20 0 0
                                    



Lee's POV 

Six Years Later ... 


 Hindi po ako natuloy sa pagtiteacher. Isa na po akong professional photographer. Nag-iba po ang aking hilig mula ng makabalik ako ng Iloilo at dahil narin sa sakit na naranasan ko. Flashback. . . Four Years Ago. . . . Excited na excited ako. Sa wakas, graduate na ako. Yahoo! Makakabalik na ako ng Iloilo. Nitong mga huling 3 months eh hindi na ko nagpaparamdam kay Orwin kasi balak ko syang surpresahin. Graduate na rin siya pero di pa nya nagagamit ang kursong tinapos nya ngunit may trabaho na sya kaso hindi rin nya sinasabi kung ano sa akin ang trabaho nya, surprise daw. Pagtinitignan ko ang FB nya lalo pa syang gumugwapo sa mga pics nya. Tsk. Kinaya kong di nagpaparamdam sa kanya ng 3 months tlaga eh. Gusto ko nga talaga kasing surpresahin siya. Nagpabook agad ako ng ticket nang araw ding yon. At sinuwerte naman ako at nakakuha ako ng flight bukas. Nakasched ako 8 PM na lumipad. Kinabukasan. . . Hindi ako mapakali. Excited na excited na ako. Gusto ko nang makita si Orwin. Miss na miss ko na siya. Sobra sobra. 6 PM palang nasa Airport na ako. Excited nga eh. Nagmumuni-muni ako ng marinig ko ang announcement na anytime aalis at lilipad na kami. Basang-basa na ang mga palad ko. Excitement, tension, sama-sama ko nang nararamdaman. Dumating kami ng Mandurriao Airport sa Iloilo mga bandang 9 PM. Tinawagan ko muna si Yaya at tinanong kung nasaan si Orwin ang sabi nya nasa bahay daw ito. Kumuha akong taxi para maghatid sa akin sa kanila Orwin. 1 hour lang at nasa bahay na nila ako. Hindi na ako nagdoorbell at tinawagan ko nlang si yaya. Mahirap na bka si Orwin pa ang magbubukas ng gate. Pagkabukas ni Yaya ng gate eh niyakap nya ako ng mahigpit. "Miss na miss kita Anak." sabi pa ni yaya. "Hala sige, akyatin mo na si Orwin sa kwarto nya. Siguradong matutuwa yon kapag nakita ka." dugtong pa nya. Umakyat na ako. Pero napansin kong imbes na excitement ang mararamdaman ko parang takot ang naramdaman ko habang umaakyat. Nasa pintuan na ako ng kwarto ni Orwin ng tinry kong buksan ang pinto. Hindi na ka lock. Naexcite naman ako bigla. Siguradong masusurprise talaga si Orwin kapag nalaman niyang andito na ako. Binuksan ko ang pinto ng dahan-dahan. Ngunit imbes na si Orwin ang masurpresa ko, ako ang nasurpresa. Si Orwin, nasa ibabaw ng kama, nakadapa ngunit hubo't hubad katabi nya rin si Adrian na hubo't hubad din habang natutulog. Napatakbo nlang ako bigla pababa. Hilam ang mga mata ng luha. "Ano ang nangyari anak.?" gulat na tanong ni yaya. "Wala po Yaya. Aalis na po ako. Wag mo nlang po banggitin kay Orwin na dumating po ako dito. Mangako ka po yaya." umiiyak na pakiusap ko kay Yaya. "Pero bakit? Ano ba ang nangyari sa taas.?" pagpupumilit pang tanong ni Yaya. "Basta po ya. Wag nyo nalang po itanong. Basta mangako ka nlang po Ya na hindi mo sasabihin sa kanyang pumarito ako. Please ya." Kahit nagtataka man umuo nlang si Yaya. Naawa siguro sa nakikita nya sa akin. Umalis ako sa bahay nila Orwin na sugatan ang puso. Ang sakit, sakit. "Bakit nya ito nagawa sa akin? Akala ko mahal nya talaga ako. Ngunit nagkamali ako. Ang sakit sakit. Pakiramdam ko wala nang silbi ang buhay ko. Durog na durog na ang pakiramdam ko." minsan pa tinignan ko ang bahay nila Adrian. Tumalim ang mga mata. "If Ever We'll Meet Again Someday" sisiguraduhin kong ikaw naman ang masasaktan at luluha Orwin. Pinapangako ko!" Sa kasalukuyan. . . . . Yan na nga ang nangyari 4 years ago at heto na ako ngaun, isa nang renowned photographer ng bansa. Kahit na anong event name it. Hindi ko naman pinagsisihan ang pag-iba ko ng hilig. Nag-eenjoy ako ngaun at may malaking earnings. Sa katunayan nga nakapagpundar na ako ng sarili kong bahay na binigay ko din kela mama, sasakyan, at isang condo unit dito sa Cavite. Masaya na ako ngaun. "Oh Lee, ano naman ang iniisip mo dyan? Hinahanap ka sa akin ni Shan." si Caden un. Di ko nga pala nasabing after grumaduate nitong si Caden tinawagan nya ako at dito na raw sya maghahanap ng trabaho. Swerte namang nakapasok sya sa isang Publishing Company na naglalabas nang mga magazine about healthy lifestyle for men and women bilang writer, at sa kalaunan dahil narin sa taglay nyang talino at dedikasyon sa trabaho, after a year eh napromote na syang Editor-In-Chief for Men section. At madalas sa madalas ako ang kinukuha nilang photographer. Magkaibigang matalik narin kami nito. At si Shanniah? Ayon at may asawa na at dalawang anak. Bakit nya ako hinahanap? Kasi sinisingil nya ako dahil daw may utang ako sa kanya. Ni hindi ko nga alam kung anong utang yon. Baliw kasi un eh. Ninong nga pala ako ng panganay nyang anak at namumulubi ako lagi dahil don. Eh panu kasi, itong inaanak ko di naman talaga nanghihingi ngunit itong nanay hingi naman ng hingi. Tsk. Natatawa nalang nga ang asawa nyan sa kanya. Ang reason nya lagi may utang daw ako sa kanya. Baliw yon. "Nga pala Lee, next week may photoshoot tau uli. May models narin tau. Ang venue natin is Boracay. Exciting di ba?" nakangiti nyang sabi sa akin. Alam ko na un. Nainform na ako ni Shanniah tungkol don. Sya nga pala, nakalimutan kong sabhin na si Shanniah at Caden eh isa lang ang pinagtatrabahuan. Nang mabuntis kasi sya di na nya itinuloy ang pagtiteacher. Hindi raw sya kasi magandang modelo pagnagkataon. Nbuntis ng maaga eh. Lol. Siya nga pala ang naghahanap ng mga modelo at nagkocontact ng mga ito. Nasa H.R Dept. Kasi sya. "Oo na. Alam ko na yan." sagot ko pa sa kanya. I pinched his nose sabay sabing, "Ang cute mo talaga." Umaray sya at tumawa. Ang cute nya naman talaga kasi. "Cute pero binasted mo." sabi pa sa akin. Natawa kaming pareho. Kapag naalala namin ang mga nangyari 6 years ago, natatawa nalang kaming pareho. Pero nong time na nalaman ni Cade ang panlolokong gnawa ni Orwin sa akin grabe, nahirapan akong pigilan sya. Bubugbugin tlaga nya si Orwin eh. Sa kanya kasi ako dumeretso nang gabing yon. "Sige na nga, sasama narin ako don kaya sabay nlang tayong umalis." sabi nya. "Sa akin kasi ito inassign ni Boss. Tsk. Hndi lang EIC ang work ko dito eh pati pagsasama sau kinacareer ko narin. Dapat nga sa office lang ako eh." dugtong pa nya. Natawa nalang ako. "Sige, Monday pa naman. Sunday tayo lalarga para makapag-enjoy tau don the day before the shoot." sabi ko naman. "Ayos." sagot naman nya. 


Itutuloy. . .

If We Ever Meet Again... SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon