Lee's POV
"Caden ano ba? Ang tagal mo naman. Hali ka na nga. Gusto ko nang magtampisaw sa tubig eh." "Antay naman Lee, nagpapagwapo pa eh." sagot naman nya. "Tsk, pogi ka na kahit di ka pa mag-ayos." sagot ko naman. Lumabas na kami ng kwarto pagkatapos. Nakashade kaming pareho. Nakasandong puti sya at pulang shorts samantalang ako nakablack na sando din at puting shorts. Siya nga pala nasa Boracay na kami. Kasama namin ang dalawang make-up artist, tatlong lights man, at tatlo ring props men. Saka dalawang alalay. Bale 12 kaming lahat at si Caden ang magsusupervise sa amin. Kumuha kami ng isang cottage na kasya kaming lahat. May dalawang kwarto, kusina at malawak na sala. Ang isang kwarto intended para sa dalawang modelo na wala naman akong idea kong sino at kung taga saan. Habang ang isang kwarto eh sa amin ni Caden. Ung kwarto namin 1 bed lang ngunit kasya ang tatlong tao. Ang isang kwarto naman dalawa ang kama ngunit single bed sya. "Kailan darating ang Models natin?" tanong ko kay Caden. "Mamayang gabi pa raw." sagot naman nya. Habang naglalakad kaming dalawa tinitignan naman kami ng mga tao. Nakakailang nga. Halos lahat ng mga nadadaanan namin eh napapatingin talaga sa amin. Tsk. Iba na talaga pag gwapo. Lol. Yabang. Sabagay ang dating katawan ko eh nag-improve pa sa ngayon. Naging takaw pansin pa lalo. Dami ngang nag-aalok na magmodel nlang ako ngunit ayaw ko. Tama na sa akin ung ako ang kumukuha ng mga litrato ng mga modelo. Saka gumwapo pa akong lalo. Lol. Si Caden? Sige na nga gwapo rin naman. Lol. Di, totoo, gwapo rin talaga itong si Cade, may maganda ring katawan at hanep kung pumorma. Kaya takaw pansin talaga kaming dalawa. Pumunta muna kaming souvenir shop at namili ng kung ano-ano. Pagkatapos namin don kumain naman kami sa isang restaurant. Pagkatapos naming kumain umuwi kami sa aming cottage at kumuha ng kanya-kanyang towel at nagbihis ng panligo. Pumasok ako ng banyo at nagbihis. Colored blue na swimming trunks ang isinuot ko. Nahihirapan kasi ako kapag nakabrief lang. Bakat na bakat kasi si Manoy kaya naaasiwa ako. Pagkalabas ko napanganga si Caden. Nang makabawi sya agad syang ngumiti tapos tumingin sa akin ng pagkaharot-harot ayon nabatukan ko tuloy. Pumasok sya ng banyo at nagbihis din. Pagkalabas nya ako naman ang napatunganga. Pano namang hindi? Nakabrief lang sya. "Maliligo ka nang nakaganyan lang?" tanong ko pa. "Bakit ano ang masama? Bagay naman sa akin ah. Maganda naman ang katawan ko. Saka may maipagmamalaki naman ako." sagot nya. Tsk. Napailing nalang ako. "Hali ka na, hapon na oh," yaya ko sa kanya. Paglabas namin ng kwarto. . . . Witweeww. . . Pogh. . . . Ang hot. . . . . Macho. . . . Biruan ng mga kasamahan namin. Wag ka, sanay na ang mga yan makakita ng mga nakabikining lalaki. Sa dami na bang naging models namin eh. Yon nga lang minsan lang kami nlang nakikitang nakaganito. Lol. Takaw pansin nga eh. Pumunta na kaming dagat ni Caden at shit, mas dumami pa lalo ang mga matang nakatingin sa amin. Sa sobrang ilang ko nauna na akong lumusong sa tubig habang si Caden naman umupo muna sa balas. Langoy dito langoy don. Sisid dito sisid don. Nag-eenjoy talaga ako. Ngunit matagal na akong nasa tubig ng mapansin kong di parin sumunod si Caden. Nang tignan ko ang kinaroroonan nya kanina, eh ayon, kaya pala, napapalibutan ito ng mga babae. Tsk. Ang harot talaga ng lalaking un. Hinayaan ko nalang muna sya. Di nagtagal, nakita ko narin syang lumusong na sa tubig. Halos 3 hours kaming nasa tubig. Grabe, 3 hours talaga. Di naman kasi maginaw ang tubig. Bandang 6 pm na nang umahon kami sa dagat. Bumalik kami ng cottage nagbanlaw at nagbihis. Pagkatapos namin, lumabas na kaming dalawa at nakita naming nakahanda na ang hapunan namin. Kumain kaming lahat. "Wala pa ba ang mga modelo natin.?" tanong ko sa kanila. "Wala pa." chorus nilang sagot. Pagkatapos naming maghapunan eh napagpasyahan naming magbar hopping. Napagpasyahan din naming dyan nlang kami sa malapit na bar. Nagpa-iwan ang dalawang crew para daw may madatnan don ang darating na dalawang models namin. Nang nasa bar na kami nag-eenjoy kaming lahat. Inuman, halakhakan, sayawan at harutan. Lol. Pumunta akong bar counter. Sinundan ako ni Caden. Nag-order ako ng maiinom at ganon din sya. Tawanan kami, biruan, konting harutan at kunting batukan. Tumayo ako ng maramdaman kong naiihi ako. Papunta na sana ako ng c.r ng may namataan akong isang lalaki sa may Entrance. Namilog ang aking mga mata. Parang si. . . . . Parang si. . . . . . . Arggh. . . . Kinusot ko ang aking mga mata. Nang tumingin ulit ako sa may Entrance wala na yong lalaki. Tsk. Namamalikmata lang talaga siguro ako. Pagkatapos non, bandang 12 AM umuwi na kami. Pagkauwi namin agad kong tinanong ang mga naiwan sa cottage kung dumating na ba ang mga models. At OO daw. Lumabas lang din para mag-enjoy. Pumasok na kami ni Caden sa aming kwarto at natulog. . .
Itutuloy. . . . . . .
BINABASA MO ANG
If We Ever Meet Again... Someday
RomanceThis story is not my own work. I posted it here to share not only the story itself but the lesson you can get. Ready yourself to fall in love, breakdown and get angry.hehehe joke lang po